"Michelle bukas na ng umaga ang deadline ng project natin. Ipakita mo sakin yan after mo mag render para maayos natin pag may corrections."
"Yes, sir!"
Ayan na naman!
Deadline.
Monday na Monday.
Agad-agad?
Sinimulan ko ng magtabaho.
"Uy Mich!" Tinawag ako ni sir Jess. Sya ang mentor ko. Strict pa sya sa mama ko, pero mabait naman sya at magaling magturo. At sya nag tyagang magturo sakin mag 3D modeling at realistic rendering.
And 3D modeling na ginagawa namin ay usually mga architectural, buildings, residential or commercial. Ang rendering ay isang output image ng mga models namin at kailangan ma-achieve namin ang quality na para itong realistic or mukha picture.
*minsan magupload ako ng samples.*Binigyan ako ng mga task ni sir Jess. Sa dami nito, ito ang panimula ng umaga ko. Sige na Mich trabaho na, wag na puro kwento. Sinimulan kong gawin ang aking mga task for today.
Dapat may matapos ako by the end of the day, or else, OT-Y you na naman ako. Opo. OT-Thank you, kasi wala naman bayad ang OT(Over time) namin, o parang 'thank you' yung bayad. Pero syempre bawal mag inarte, mahirap maghanap ng trabaho ngayon mga kuya at mga ate.
--
"Di ka pa kakain?" Kinalabit ako ni Kuya Jess.
"Huh" Sobrang absorb sa trabaho, habang nakikinig ng let's make it someday ng One Ok Rock, ang favorite japanese band ko.
"1 o'clock na kaya."
Tumingin ako sa clock ng pc ko.
"Oo nga noh.." Napakamot na lang ako sa ulo.
"Tara kain na tayo." Yaya ni sir Jess.
"Sige po." Sagot ko.
Nilabas ko na lunch box ko.
Nagkwentuhan kami habang kumakain sa aming dining area. Wala kami pantry dahil maliit lang na office 'to.
Pagkatapos namim kumain, back to work ulit.
"Mich, wag ka masyadong workaholic, baka magka sakit ka rin." Naks naman concern si Papa.. EHEM! Sir Jess.
"Yes, sir Jess."
Sa hirap at puyatang trabaho kasi namin, di maiiwasang magkasakit yung ibang office mates ko.
=======
Makalipas ang maghapon...Sa wakas natapos ko rin ang project namin.
Kaya lang, late na naman akong makakauwi.
"Ate Mich, uuwi ka na ba?"
Tanong ni Alwin, trainee namin. Patpating bata, pero matalino naman sya at masipag mag trabaho.
"Oo, gusto mo sabay na tayo pauwi?"
"Sige,kaya lang may susunduin pa ako sa SM North." Susunduin na naman nya ang kanyang gf.
Actually, 10 minutes away lang ang layo ng bahay ko sa kanila.
Kaya minsan sabay kaming umuuwi.
"Ate Mich, maghanap ka na kasi ng bago mong bf, para may taga hatid-sundo ka."
Duh!! Nang iinsulto ka ba? Nasa M O V I N G O N staga pa lang ako.
"As if na ganun kadali yun." Mahinang sagot ko kay Al.
"Hahaha!" Sa ganda mong yan? For sure maraming nanliligaw sayo." Pabirong sabi ni Alwin.
I wish!
"Tara na nga!"
Kainis tong bata na to.
Ang daming alam.
Galing pang mambola.Sumakay na kami ng jeep papuntang SM North.
Dun kasi ako sasakay pauwi.
Byaheng Alabang-Malanday ang sinasakyan ko.
Pagbaba namin ng jeep.
Nag paalam na si Alwin sakin.
Ako naman sumakay na ng bus.Dating gawi.
Tingin tingin ulit sa mga pasahero. Lagi kasi ako namimili ng katabi sa bus. Pag mukhang manyak, mabaho, snatcher hindi ako tumatabi.
Teka?? May napansin ako sa bandang gitna ng bus. Mukhang familiar.
Si cute ba yun??
Tinitigan ko sya ng mabuti. Oo nga.. OMG?? Sya nga!!! What the... Sya nga ang nakasabay ko kanina..Coincident lang siguro.
Nung papaupo na ako, napatingin sya sakin.Then he smiled at me.
Tulala ang bruha!
Bago pa nya makitang nag blush ako.
Umupo na ako agad.
"What the? May Tama ata yun si cute."
Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Bus Mates
RomanceSa dami-dami ng bus na pumapasada sa EDSA, napansin mo bang pag sumasakay ka ng bus may isang certain na tao kang nakakasabay?