Parang kidlat akong tumayo matapos ko marinig yun. Sa kasamaang-palad, hindi ko pa rin nakuha yung kwintas. Nagmukha pa akong katawa-tawa sa harap ni James.
"Anong ginagawa mo d'yan? Ba't ka...nakatuwad?" Pagtatakang tanong niya sa 'kin.
Ramdam kong namumula ang mukha ko sa hiya at pagkagulat sa pagdating niya. Hindi tuloy ako agad nakasagot sa tanong niya.
"Ahm..."
"Hello? Joy? Nandyan ka pa ba? Sino yung nagsalita? Si James ba yun? Grabe, lalaking-lalaki yung boses..."
Nanlaki ang mata ko nang maalala kong may kausap nga pala ako sa telepono at naka-loud speaker pa iyon. Natataranta kong tumalikod at in-end call yun. Hindi na 'ko nagpaalam. Tatawagan ko na lang ulit siya mamaya at siguradong maiintindihan niya ang sitwasyon.
Unti-unti kong tinignan si James. Nagkatitigan kami habang nag-iingay ang mga kuliglig.
Napadalangin tuloy ako bigla na sana nagkaproblema sa pandinig si James nung magsalita si Ate Kris. Wala naman masama sa sinabi ni Ate, ang masama'y malalaman niya na siya ang pinag-uusapan namin.
"Ako yata ang pinag-uusapan niyo."
"Hindi!" Medyo napalakas pa ang pagsagot ko. Halatang guilty eh. Yan tayo eh, hangga't kaya i-deny, i-dedeny.
"Hindi ikaw yung pinag-uusapan namin. Uhm...si James, yung magtataho dun sa baranggay ng kaibigan ko. Nakiwento niya lang. Hindi ikaw yun, kapangalan mo lang." Gusto kong batukan yung sarili ko dahil sa mga ginagawa kong palusot.
"Magtataho? Yun ang topic niyo?"
'Di naman pagsisinungaling kung sabihin kong oo 'di ba? Kasama naman talaga sa topic namin kanina yung magtataho na yun. Nakailang samid na kaya si kuya?
"Ah...oo?"
Halata namang hindi naniwala si James pero pinalampas na lamang niya iyon.
"Eh anong ginagawa mo d'yan kanina? Bakit ka nakatu..."
"Ah, kasi ano...uhm, may inaabot lang kasi ako sa ilalim ng mesa." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"What is it?"
"Yung...yung kwintas ko."
"Kwintas? How did it even end up there anyway?" Sambit niya matapos ilapag ang hawak niyang phone sa isa pang maliit na mesa sa gilid ng couch na hinigaan ko kanina.
Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko habang niluluwagan yung suot niyang kurbata na siyang ikinabahala ko. Unti-unti ring naramdaman ng katawan ko ang init na dala ng katawan niya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang presensya niya lamang. Tinignan ko lang siya nung nakatayo na siya sa mismong harap ko.
"Pa'no ko makukuha yung kwintas mo kung nakatayo ka lang d'yan?"
Agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko. Kaya pala siya lumapit ay para kunin yung kwintas ko. May iba pa bang dahilan para lumapit siya sa 'yo, Joy? Ang sarap sampalin ng sarili ng kaliwa't kanan eh.
Hindi gaya ko ay madali niya lang naabot yung kwintas. Pagtayo niya, iniladlad niya muna ito at panandaliang tinignan bago tuluyang iniabot sa akin.
"S-salamat."
Hindi naman na siya umimik pa pagkatapos nun. Pumasok siya sa kwarto niya at may kinuha. Malamang yun ang dahilan kaya bumalik siya ng bahay. May naiwan yata siya.
Tahimik siyang umalis ng bahay. Pinanood ko lamang siyang lumabas ng pinto at sumakay ng kotse. Mag-isa na naman akong muli habang pinagmamasdang papalayo ito.
Pagkaalis ni James ay tinawagan ko ulit si Ate Kris. Kinwento ko sa kanya yung kahihiyang kagagawan niya kanina. Napagpasyahan kong makipagkita sa kanya. Gusto ko rin naman ng may makakausap.
Nagkita kami pagkatapos ng trabaho niya. Mga bandang 6PM na nun. Pagkakita na pagkakita niya sa 'kin ay niyakap niya agad ako. 'Pag talaga kasama ko si Ate Kris, para na rin akong may Ate eh. Ate na bestfriend pa. Wala siyang kahit anong sinabi, niyaya niya lang ako kumain at libre niya raw.
Habang kumakain kami syempre ay nagkukwentuhan kami.
"Kamusta ka naman? Kamusta pakiramdam mo?"
"Ate, wala naman akong sakit."
"Gusto mo ba?"
Medyo nasamid ako sa sinabi niya. Hindi talaga maialis sa kanya ang magbiro eh.
"Ayoko! Sa'yong-sa'yo na 'yang diabetes mo."
"Sure ka? Sharing is caring."
"Ang kailangan ko ngayon ay peace of mind."
"Ay ano ba 'yan. Ang hirap naman ng gusto mo. Eh wala rin ako n'yan eh." Sabi niya tapos ay nilabas ang phone niya na para bang may hinahanap.
"Oh? Ginagawa mo?"
"Naghahanap sa Shopee baka meron. Dami ko pa naman free shipping vouchers."
"Puro ka talaga kalokohan eh. Kailan ka ba magseseryoso?"
"Beh, seryoso naman tayo. Tayo 'yung hindi siniseryoso."
"True!"
Hindi naman siya nagkamali sa tinuran niya. Pero kung iisipin, sineryoso naman, sa una nga lang.
Mga lalaking sa una lang magagaling...
"Grabe, sayang yung 5 years. Tapos ganito lang mangyayari."
"Alam mo para sa 'kin hindi sayang 'yun. Sa loob ng 5 years na 'yun, sumaya ka naman. Ayoko sa ex mo na 'yun from the start na pinakilala mo siya. Hindi ko nasaksihan yung mga una niyong years together pero sure ako, minahal ka naman nun. 'Di ka mahirap mahalin, Joy. Mabait ka, matalino, higit sa lahat maganda..."
Ayan na nagseseryoso na siya.
"...tulad ko. Kaya I don't think 'sayang' is the right term. Lesson learned lang ito sa'yo. Ngayon alam mo na na not all that comes with love lasts forever. Hindi porket mahal natin ngayon, mahal pa rin natin bukas, hindi porket mahal ka ngayon, mahal ka pa rin bukas. May mga bagay talagang pang-ngayon lang. Parang trabaho lang 'yan na contractual eh, pero unlike it, hindi natin alam kung kailan talaga matatapos. Isa lang ang alam natin, na mahal natin sila. At sa taong nagmamahal, ayaw nating may bagay na matulduka. Pero always remember, lahat ng pangungusap may tuldok."
Maluluha na sana ako sa napakahaba at inspirational na payo kaso...
"Minsan naman comma, kung saan ito ang pinaka-exciting na part ng relasyon." Sinabi niya pa ito na medyo pabulong.
"Ha? Bakit naman?" Napaisip din ako eh.
"Kasi dun kayo nagme-make love."
Ilang segundo pa bago ko ito ma-gets. Tinignan ko siya na parang nadidiri. Seryoso na eh.
"Ikaw talaga, kumakain tayo."
"Joke lang, eto naman. Pinapatawa lang kita eh."
"Pwes 'di nakakatawa. Tsaka alam mo naman 'di ba ang reason kung bakit nasira ang lahat? Remember?"
"Oo naman. Sorry, ang insensitive ko sa part na 'yun. Sorry na hindi mo na ba ako mapapatuwad este mapapatawad?"
Muntik ko mabuga yung iniinom ko na iced tea sa sinabi niya. Napakagaling talaga mag-connect ng mga bagay-bagay! Naikwento ko kasi sa kaniya yung nangyari kanina.
"Ate Kriselle!"
Tawa lang siya ng tawa sa reaksyon ko.
"Bait naman pala talaga ng James na 'yun noh? Kasing-bait niya yung magtataho sa amin."
Lagi na lang kasama sa topic si Manong magtataho.
"Basta siguro James ang pangalan eh parang anghel na binaba sa lupa noh? 'Di katulad ng mga Aaron ang pangalan pang-chea..." 'Di niya natuloy ang sasabihin niya nang matulala ito. Nakita kong nakatingin siya sa likuran ko.
"Uy, bakit? Anong problema?"
Base sa mukha ng bestfriend ko, hindi ko magugustuhan ang kung ano mang sagot sa tanong ko. At isang boses nga ang nagpatunay nito.
"Joy, can we talk?"
BINABASA MO ANG
Para Kay Ligaya
RomanceIstorya ni Joy. Joy na hindi maligaya. Pero hindi nga ba talaga?