11

51 4 2
                                    

Wensley, Dia Benice

Today, 10:08 a.m.

Wensley
Lintik ka, Alexis
Sobrang landi mo, wala ka pa palang homework hahahhaahhah

Alexis
At least mabait naman sa paningin ng crush

Dia
Tanga aanhin mo 'yan kung mapapatayo ka sa unahan nang ilang minuto

Alexis
Oh, bakit di na lang kayo ang maging ako?
Galit na galit kasi wala akong homework???

Wensley
Syempre gagaya kami!

Alexis
Akala ko ba baka mazero kayo kapag gumaya kayo sakin?

Dia
Pagtitiisan na namin
Kaibigan ka naman namin

Alexis
Hindi na
Ayaw ko nang maging kaibigan n'yo
May bago na akong role sa buhay

Wensley
Ano naman, aber?

Alexis
Ka-talking ni Lana
Hahahahah

Dia
Talking stage ng mag-ate
Nice

Alexis
Sakit mo na magsalita, Dia
Parang hindi na ikaw 'yan haha

Wensley
Pero kaibigan yan ng ate mo ha
Ayusin mo buhay mo

Dia
Nasa kapatid ng kaibigan ang trauma
Ate Lana, ingat ka hahahaha

Alexis
Sige pa, galingan n'yo pa sa pagkontra sakin

Wensley
Baka lang kasi di ka naman seryoso
Maawa ka sa taong nananahimik ha

Alexis
Wala kayong tiwala talaga sakin
Seryoso ako
Okay na?

Dia
Weh
Saan ka seryoso?

Wensley
Ah, sa pagiging little brother ni Ate Lana hahahahhaa

Alexis
👍

•~•

Pinny Rae, Kiara Alessia

Today, 4:02 p.m.

Pinny
Hello, guys!😄

Kiara
Hello, Pinny!
OMG! MAY GC NA US

Lana
Hello, girls!

Pinny
Okay lang bang ginawan ko tayo ng gc?🥺

Lana
Okay lang!
Para naman may kausap din
And, friends naman na tayo

Pinny
Sabay tayong maglunch bukas?

Lana
Sure!

Pinny
Yey!
Alam n'yo, si Lana talaga ang una kong nakita bago pa ang class

Pinny
Kasama 'yung boyfriend😁

Lana
Hala?

Pinny
Oo, na-curious ako sa inyo sa cafe kasi sobrang attentive ni boyfie mo sa'yo

Kiara
HAHAHHAHAHAHAHA
TANGINA

Pinny
Bakit ka nagmumura
Totoo kaya

Kiara
Gagi kapatid ko 'yun

Lana
Hahahah he's not my boyfriend, Pin😆

Pinny
Luh
Sorry
Hahahahah
Ang cute n'yo kasi

Kiara
😭😭😭
Bakit naman bff at kapatid ko pa ang pinagkakamalan n'yong magjowa

Pinny
Kabahan ka na, Kisha😅

Lana
HUY😭
Ako yata 'yung kinabahan

SmittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon