Alexis
Today, 11:43 p.m.
Lana
Nakauwi ka na?
Sabi ko magmessage ka:(Alexis
Uy, kakapasok ko lang sa bahay
Magmemessage naman akoAlexis
Clingy nito hahahahaLana
HAHAHAHAHAH ALEXIS💀Alexis
Joke lang hahahahLana
I'm sorry, nadamay ka pa sa kahibangan ng kakambal koAlexis
Ayos lang naman
Ganoon pala sila kagulo, 'no?Lana
Yeah
Hindi ako masyadong nakakapunta sa gatherings pero ang alam ko ay ganoon na talaga sila hahahahaAlexis
Bakit hindi ka dumadalo?Lana
I don't know, iwas sa tanong lang din siguro sa mga plano ko sa buhayLana
Palagi nila kasi akong tinatanong kung kailan daw ako magb-boyfriend
Kaya siguro nung nakita nilang kasama kita, in-assume na agad nila na boyfriend kita🥲Lana
Sorry talaga:((Alexis
It's really okay, Lana
They are fun to be with
Walang ganoon sa pamilya namin dahil bukod sa only child sina Mama at Papa, palagi silang abala sa businessLana
You can still join us if you want
But of course, I still have to fix this misunderstandingAlexis
Paano?Lana
I don't know
I'm sure mom will get disappointed to Mina if sasabihin kong siya ang may kagagawanLana
Maybe, sasabihin ko na lang na nag-break tayo?Alexis
Eh paano mo ako isasama n'yan sa gathering n'yo kung break na tayo😅Lana
Pwede namang friends pa rin kahit break na hahahahha
Besides, best friend ko ang ate mo so di sila magtatanong kung magkasama tayo hahahahaAlexis
Eh paano 'yan? Iiwasan mo na lang ba ulit sila kapag tinatanong ka nila sa pagboboyfriend?Alexis
I saw you laughing with your cousins, mukhang masaya ka habang nakikipag-usap ka sa kanilaLana
What do you mean😣Alexis
'Yung nararamdaman mo towards your aunties about sa pagboboyfriend mo, lilipas 'yanAlexis
Pero 'yung saya mo kapag kasama ang iba mong kamag-anak, maitatago mo 'yan hanggang pagtandaAlexis
Sayang kasi kung kaya mo pinipigilan ang sarili mong maging masaya kasama sila ay dahil sa iniisip mo ang mga taong wala naman dapat karapatang makialam sa buhay moLana
You're right:(
Ang dami kong na-miss after noong umiwas ako sa kanila dahil nalaman kong nabuntis ni Tim ang isa kong pinsanLana
But I still don't know what to do
Ayaw ko lang din kasing parang naaawa sa akin si Mama sa tuwing nandyan 'yung ex ko at future wife n'yaLana
What if I'll find a fake boyfriend na talaga?
As in yung pangmatagalan
I sounded so desperate😭Alexis
Tapos break na tayo?Lana
OoAlexis
Sige, sige
Magandang idea 'yan hahaAlexis
Break na tayo tapos hanap kang fake boyfriend hahaLana
Okay, break na tayo😅12:02 p.m.
Alexis
LanaLana
Hmmm?Alexis
Pwede bang mag-apply doon sa pagiging boyfriend mo😅•~•
Alexis @geolexis
Ayaw kong break☹️
| @kialessia replied:
naknamputa, ano 'yon attached ka na agad eh ilang oras ka pa lang naging fake jowa🙄
| @geolexis replied to @kialessia:
ang epal mo, ate😡