Di mawari ano itong aking nadarama
Tinutusok ang puso'y, hindi makawala
Na kahit anong gawing pagpikit ng mga mata
Ala-ala nating dalawa ang siyang nakikitaMasakit mang isipin
Mahirap tanggapin
Na ang dating masaya
Ngayo'y isang malaking bolaSinubukang makalimutan ka
Ninais na mahulog sa iba
Sa pag-aakalang tuluyan ka ng mawala
Mawala sa isipan ko't kaluluwaBakit pa nga ba ako umaasa?
Sa isang bagay na alam kong wala ng halaga
Wala ng halaga kasi kinalimutan mo na
Kinalimutan mo na ang dating tayong dalawaMagkasamang naglalakad sa kalsada
Kahawak ang kamay, wala ng balak bitawan pa
Mahigpit na yakap ang ibinibigay
Sa pusong sabik ang iyong kalinga't agapayKaagapay sa buhay at karamay
Na sa akin ay nagbibigay ng pag-asa't buhay
Ang tanga kong umikot ang mundo sayo
Ngayo'y 'di alam kung paano muling tatayoNasa paglisan mo, biglang naglaho ang lahat
Na kahit anong gawing pagpapatahan, 'di na magiging sapat
At tanging nagawa lamang ay umiyak sa hapdi at kirot
Sa pag-iwan mo, buhay ay naging masalimuotAraw-araw, mga luhang tumutulo sa mata
Na para bang mga kabayo na nag-uunahan sa karera
Mga luhang nagbabagsakan ng kusa
Luhang ayaw paawat kahit pigilan ko paGustuhin ko mang mag move-on sa nakalipas
Kalimutan ang lahat, magsimula ng bagong bukas
Na kung saan wala ng sakit at pagdurusa
Wala ng hinanakit at kawalan ng pag-asaWala na muling luhang makikita sa mga mata
At tanging iisipin nalang ay kung paano,
Haharapin ang bukas na malayo sayo
Kung paano lalaban ng mag-isa at nakatayoNakatayo at hinding hindi susuko
Na kahit madapa man o mabigo
Sisiguraduhin kong 'di na ulit mangyayari ito
Wasak at naiwang luhaan sa dulo.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PoetryIto ay mga koleksyon ng iba't-ibang klaseng tula at mukha ng pag-ibig