Dalawampu't Pito: Ang Ganti

71 1 0
                                    


(Malayang taludtoran)


"Ang Ganti"

Kay sarap at kay gandang pagmasdan
Nitong kalikasang punong-puno ng biyaya
Tila ba'y isang kayamanan
Na parang tinatago at iniingatan.

Oo nga't, kalikasan ay ating pangalagaan
'Pagkat ito ang ating pinagkukunan ng yaman
Ngunit ang tao rin itong lubos na dahilan
Sa nasirang ganda nitong kalikasan.

Mga sapa at ilog sa iba't-ibang lugar
Ginawa na ng tao na tambakan ng basurahan
Mga usok ng naglalakihang sasakyan
Ang siyang pumipinsala kay inang kalikasan.

Pagsusunog ng mga goma at gulong
Na siyang nagdudulot ng maitim na usok
Ang hindi pagkakaroon ng sariwang hangin
Ang siyang papatay sa atin.

Mundo't kalikasan ngayo'y sira-sira
Walang kayamanan muli't makukuha
Ang mga taong puno't dulo ng lahat
Nasa huli ay nagsisisi.

Ang mga taong nag-iiyakan sa nasasaksihan
Lumuhang tahimik sa isang sulok
At nakipagluhaan sa poong maybigay
Nang lahat ng yaman sa mundo.

Taong nagdurusa't nahihirapan
Sa kasalana'y kanilang kagagawan
Muling bumango't, ibalik muli
Ang sinirang ganda ng kalikasan!

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon