1. Park

24 2 1
                                    

1. Park

"Bes!" takte, sige Bes pa! Pamukha mo sa'kin na nabestfriendzone ako!

"Oh?" kahit sa phone sarap pa-kinggan ng boses mo.

"Gawa mo?"

"Nanunuod." sa inyo.

"Ng ano?"

"Love story," nakangiti kong saad. Putek, sikapin mong 'wag umiyak.

"Ah! Saan? Sa Sinehan? Sino ka-sama mo?"

"Secret." sa park. Wala akong kasama.

"Eh ano'ng klaseng love story, hmm?"

"Alam mo ba, ang sweet nilang tingnan." sweet nito tingnan. Kaso bitter ako.

"Kyaaaaaaaaah! Ano ginagawa nila?!"

"Nasa park sila. Magkahawak ang kamay habang naglalakad. Hinalikan pa nga siya sa labi eh."

Tsaka ko in-end. Tinago ko sa bulsa ng jacket ko ang cellphone ko.

Masakit pala 'no?

Ang panuorin ang mahal mo na, hawak ng iba, hinalikan ng iba, kayang pasayahin ng iba higit pa sa kaya mo.

Hindi ako p'wedeng magtanim ng galit. Hindi ako p'wedeng makaramdam ng selos.

Ano bang karapatan ko? Bestfriend lang naman ako.

B.E.S.T.F.R.I.E.N.D.

Bakit gano'n? Nagseselos pa rin ako at nagagalit sa boyfriend niya.

Bakit ang sakit? Bakit na-iiyak ako? Putek, aakalain akong bakla ng mga 'to.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan. Sa diin, putek. Dumugo.

Anhirap naman nito. Ang hirap mabestfriendzone.

Pumunta ako sa 7-ELEVEN at bumili ng icecream. Mukha akong nagpo-promote dito, lintek.

"Enjoy your icecream, Sir!" sabi ng babae sa counter. Tumango ako.

Kinuha ko ang resibo pati ang sukli.

Ang pag-ibig pala, parang sukli. Nasa tao kung susuklian ka o hindi. 'Pag kulang, hihingi sa'yo para balikan ng buo.

Nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko at hinawakan ang malamig na cup ng icecream. Pati ang kutsara na itim.

May marshmallows. Nagpalagay ba ako? Oo ata.

Sabog na naman ako.

Lumabas ako sa 7-ELEVEN at nag-lakad. Sumusubo ako ng icecream habang naglalakad pauwi.

"Hi Kuya kong Panget!" sigaw ng kapatid ko. Ayos, laitera talaga.

"Maging kagaya mo sana si Lala," walang buhay kong sabi.

Naglakad ako palayo at lumapit sa basurahan. Basurahan 'to ng Subdivision kumbaga. Tinapon ko ang cup na may kasamang kutsara.

Pumasok ako sa bahay namin, "Ma," tawag ko.

Asaan ba 'yun? Nagshopping na naman ba?

Biglang lumitaw si Mama. May dilaw na guwantes sa kamay. Tulo-tulo ang pawis sa noo.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong.

Minsan, gusto kong yakapin si Mama tuwing broken hearted ako sa bestfriend ko.

Kaso. . . siraulo ang kapatid ko. Ang bading ko raw.

"Wala Ma, gusto lang kita makita. Sige," sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

His SideWhere stories live. Discover now