2. Thinking Out Loud
"Gusto ko na umuwi," bored kong sabi.
"Kakarating palang natin, sus naman 'to!" sabi ni Mama. Okay, ayaw ko na umuwi.
"Oo nga, Kuya kong Panget!" laitera.
Pumunta kami sa may parang Market dito sa loob ng Mall. Bumili sila nang bumili ng kung anu-ano. Mga pambabaeng binibili.
Syempre ako, taga-bitbit ng gamit. Nakasunod pa. Katulong ako palagi 'pag ganito. Responsibilidad ko 'yun bilang lalaki, hay.
"An-dami naman ata nito," sabi ko.
Baka kasi gusto naman nilang hinay-hinay sa pagbili? Baka pag-uwi, pagsisihan eh.
"May gusto ka bang bilhin, Chase?" tanong ni Mama.
Umiling ako. Ano namang bibilhin ko?
"Ma, baka gusto ni Kuya kong Panget ng 50 Shades of Grey!" tsaka siya tumawa.
"Baliw." ano ba 'yun? Balita ko, rated SPG eh.
Pumunta kami sa counter. Babayaran na nila syempre.
"Ma," tawag ko.
"Bakit?" hilig mo ngumiti.
"Dun lang muna ako," tsaka ko tinuro 'yung Icecream-an dun sa labas ng Market.
"Sige."Pumunta na ako dun. Umupo nalang ako sa upuan na malapit sa may Icecream-an. Bakit ba am-boring?
Boring kasi wala akong mabiling kahit ano dahil ayoko. Boring kasi naiwan ko cellphone ko. Boring kasi amboring dahil wala akong pera. Anlabo na.
May humagulgol sa may likuran ko. Baka akalaing pinaiyak ko 'to?! Nako naman. Mga mapanghusga pa naman mga tao ngayon.
"Hoy," tawag ko at lumingon. Inayos ko ang upuan at humarap sa kanya.
"Iyakin," sabi ko.
Kasi pag-inasar mo tsaka 'yan titigil sa pag-iyak. Kesa patahanin, lalong umiiyak. Anlbo talaga.
"Pahinging pera," sabi ko.
Tumingin siya sa'kin. Naiinis. Siraulo rin 'to eh.
"Pera lang naman habol niyo sa'min eh!" sigaw niya. Oh? Edi wow.
"Bibili kita ng icecream. Nasa Mama ko pera ko eh," sabi ko.
Inabot niya lang sa'kin pitaka niya at humagulgol sa panyo niya. Anlabo nito, sisigaw-sigawan ako tapos ibibigay din pala.
"Ano'ng flavor?" vanilla nalang kasi para tapos na.
"Strawberry," sagot niya sa'kin.
"Antayin mo ko," sabi ko at tumayo.
Lumapit ako sa nag-titinda ng icecream, "Ate, isang Strawberry Icecream nga."
Inabot niya sa'kin ang isang baso. Parang paper cup. Payat pero mataas. May kutsara sa gilid na naka-tape. Tapos 'yung takip, parang sa float. Pero walang butas na maliit sa gitna.
"Magkano?" tanong ko.
"30 pesos lang."
Binuksan ko ang pitaka nung babae at kumuha ng 50. Tapos inabot dun sa nag-bebenta. Sinuklian naman niya ako ng bente.
Nilagay ko 'yung bente sa pitaka at bumalik sa p'westo ko kanina. Inabot ko sa kanya ang pitaka pati icecream niya.
"Iyak pa," sabi ko. Kailan ba 'to tatahan?
