Ako si Alma.
Alma na lang, kasi naman yung buong pangalan ko, kasing baho ng bibig ni Jaycole.
Pero sige na nga! Dahil sa pinipilit nyo 'kong sabihin yung buong pangalan ko. Sasabihin ko na! :)
Hi! Im Alma H. Alay. 17 years old from Marikina City! At ako'y naniniwala sa kasabihang.. "Natuto kang lumandi, magtiis ka sa hapdi." I, thank you!
O alam ko masyado kayong natuwa sa pangalan ko. Wag kayong mag-alala. Kung gaano kahalay yung pangalan ko, ganun naman ka-wholesome yung utak ko.
"Te Alma! Te Alma!"
Agad naman akong napatingin kay Pemele H. Alay, Pempem for short. Sabi ng nanay ko, Pamela talaga dapat ipapangalan sa kanya. E kaso naglalandian daw kasi sila ni Tatay habang tinatanong sila kung anong ipapangalan sa kapatid ko, kaya imbis na PAMELA, e PEMELE yung nasabi nya! Harot no? Haha.
"Oh pempem, anong problema mo't sigaw ka ng sigaw? Tska pwede ba, "Te! Te!" na lang dapat isinigaw mo." *Grin*
Oh. Wag kayong Greenminded dyan. Kaya mas gusto kong "Te! Te!" na lang, e kasi naman mas madaling sabihin yun dba? Wag kayong bastos pwede ba? Wholesome ako!
"Te! Andyan si Kuya Leigh sa baba. Hinahanap ka eh. Gagawa daw kayo ng project sa bahay nila." - Pempem
Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng pangalang "Leigh" agad akong napatayo at humarap sa salamin! Shet. Kelangan kong mag-ayos! Agad akong humarap sa tokador na kasing luma na ng muka ni Jaycole at naghanap ng damit na isusuot.
Sinuot ko na agad yung nakuha kong damit. Konting pulbo. Konting lipgloss. And, charaaaaaan ~ Ang ganda ko talaga!
Bumaba na ako agad at nakita ko si Leigh na nakaupo sa sofa namin habang tutok na tutok sa pinapanuod nyang P sa phone nya. Napatingin naman ako sa napakalaking T niya na tayong tayo habang nanunuod.
O tangina. Wag kayong greenminded.
Nanunuod kasi siya ng P, Pelikula sa phone niya! Habang tayong tayo yung napakalaking T, Talampakan nya kasi nakapatong sa mesa yung paa nya. Ang bastos niyo talaga!
"Almahalay! Napakatagal mo naman!"
Ugh! Bakit ba kelangan niyang banggitin ng buong buo yung pangalan ko? Pwede namang Mahalay este Alma na lang itawag niya sakin, diba?
"Leche ka Mr. Leigh Vouge, wag mo 'kong sinisimulan ha!"
Hahahahahahahaha!
Tama kayo ng nabasa mga ka-wholesome! Ang pangalan ng lalaking eto ay, Leigh Vouge.
Leigh Vouge?
Diba yun yung mararamdaman mo kapag naiinitan ka? Yung namamawis ka? Diba? Yun yon?
Leigh Vouge = Libag
O ano na namang naisip nyo? Kayo talaga napaka-Greenminded nyo eh! Tss.
"Haha! Sorry na Alma. Namiss kasi kita eh." - Leigh
Bigla namang kinilig yung Pempem ko sa sinabi ng Leigh Vouge na to. Opo, pempem ko po kinilig. Kasi pagtingin ko sa likod ko, andun pala si Pempem, na kinikilig parang tanga.
Tama naman diba? Pempem ko. Kasi siya si Pempem. Kapatid KO. Wag po kayong mag-isip ng iba please lang. Wholesome ako!
"Ang landi mo, Leigh. Ano nga palang sadya mo dito?"
Hindi agad sumagot si Leigh kaya tiningnan ko ulit siya. Ayun. Kaya naman pala tahimik yung loko! Napatingin pala sakin. Particularly, sa B ko!
Punyetang Leigh to. Ano bang meron sa Bestidang suot ko at ganyan sya makatingin? Oo sa Bestida ko sya nakatingin. Ano na naman bang inisip nyo?
"A-ano k-asi.." - Leigh
"Ano?"
"K-kasi.. Diba gagawa tayo ng project?"
Tumindig ang balahibo ko nung sinabi nya yon. Paano kasi, ngiting ngiti ang gago! Makalaglag P pa naman yung mga ngiti nya. Tss.
Makalaglag Phone ha! Kasi hawak ko yung phone ko e. Tapos nadudulas, kasi basa.
Basa ng pawis yung kamay ko. Pasmado kasi eh.
Pero teka, Project?!!!!
"Eh tangina mo! Anong project? Bakasyon kaya ngayon!"
TBC ~
BINABASA MO ANG
LUST Will Keep Us Alive (Medyo SPG)
General FictionAng bidang pinaka-wholesome sa balat ng wattpad. Start: 5/3/15