60

129 3 0
                                    

Messages

Kuya alex >
19:24

Kaiser
Kuya

Kuya alex
Bakit?

Kaiser
Si isla po?
Nag punta ako sa condo niya pero walang sumasagot
Alam niyo ba kung nasaan siya?

Kuya alex
Saan ka kahapon?

Kaiser
May inasikaso lang

Kuya alex
Ikaw hinahanap nun kahapon
Alam mo bang ilang araw siyang nagte-text sa'yo?

Kaiser
Sorry kuya

Kuya alex
Pero hindi mo man lang pinapansin
Alam mo naman na ikaw lang meron no'n
Pero kahapon wala ka.

Kaiser
Sorry kuya.
Nakalimutan ko.

Kuya alex
Bakit hindi ka nagrereply?
Alalang-alala yung tao sa'yo

Kaiser
May ginawa lang po kuya

Kaiser
Si isla? Alam niyo ba kung nasaan siya

Kuya alex
Iyon nga ang problema ngayon
Nagpaalam siya kahapon na may pupuntahan siya

Kaiser
Nag deact siya sa mga social media niya?

Kuya alex
Oo nag paalam sa akin
Sinubukan mo na bang i-text?

Kaiser
Di rin nagse-seen kuya

Kuya alex
Hays
May problema ba kayong dalawa?

Kaiser
Meron kuya
Kasalanan ko rin
Nagsisisi ako na hindi ako naniwala sakanya.

Kuya alex
Tungkol ba 'to kay bri?

Kaiser
Oo kuya. Yung incident na nangyari sa after party.

Kuya alex
Ano bang nangyari? Hindi kinwento ni isla yung buo eh

Kaiser
Sinabi ni isla sa 'kin na nakita daw niya si bri at jack na naghahalikan

Kuya alex
Yung actor?

Kaiser
Opo
Hindi ko siya pinaniwalaan kuya
Ang hirap kasing maniwala

Kuya alex
Naintindihan ko naman
Pero alam mo na hindi ganun si isla. Hindi yun nagsisinungaling

Kaiser
Alam ko naman yun kuya alex pero naunahan ako ng emosyon ko. Nasabi ko pa na sinisiraan niya si bri. Tangina ang tanga tanga ko sa parte na yun.

Kuya alex
Kinausap mo na ba si bri?

Kaiser
Break na kami kuya
Nag-usap kami kahapon
Andami kong iniisip kaya nakalimutan ko rin si isla

Kuya alex
Totoo ba yung kissing incident?

Kaiser
Oo kuya
Kahapon lang din nakatanggap ako ng text, unknown number, tapos sinend niya sa akin yung video.
Sana pinaniwalaan ko nalang si isla

Kuya alex
Huli na ang lahat kai

Kaiser
Ayun nga kuya eh
Gusto kong mag sorry sakanya
Ang laki ng kasalanan ko.

Kuya alex
Anong sinabi sayo ni bri?

Kaiser
Ayaw niya pala talaga kay isla. Tapos sinasabi niya sa akin na baka daw kaya sinabi sa akin ni isla yung kissing incident kasi gusto niya ako
Read 19:24

Kaiser
Sinabi niya pa na hindi ko naman daw talaga gusto si bri, i like isla all along.

Kaiser
Kuya, may gusto ba sa akin si isla?

Kuya alex
May gusto ka ba kay isla?
Read 19:25

Kaiser
Hindi ko alam kuya. Nalilito na rin ako
Nagka gusto ako sakanya dati
Hindi ko alam
Nalilito ako.

Kuya alex
Ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?

Kaiser
Pakiramdam ko, sakanya ko lang naipapakita yung ibang side ko. Yung totoong ako. Siya lang nakakakilala talaga sa akin. I feel safe around her.

Kuya alex
Edi gusto mo ba siya?

Kaiser
Siguro? Siguro hindi?
Parang mali kasi kuya kasi nagka relasyon pa ako kay bri

Kuya alex
Mahal mo ba si bri?
Read 19:25

Kaiser
Hindi. Ni hindi pa namin nasasabi yung i love you sa isa't isa

Kuya alex
Mas mabuti kung si isla ang kausap mo dito. Mas kilala niyo ang isa't isa

Kaiser
May gusto ba sa akin si isla?

Kuya alex
Wala ako sa posisyon para sagutin yan, kaiser

Kaiser
Naintindihan ko kuya. Salamat

Kaiser
Wala po ba talaga kayong idea kung nasaan si isla?

Kuya alex
Wala
Sabi ko mag text siya pag uwi pero hindi pa kami nakakatanggap ng text simula kahapon

Kaiser
Sige kuya
Ako nalang maghahanap sakanya
Salamat
Read 19:26

Captured Letters (Alpha Female Series #3)Where stories live. Discover now