Runaway Baby

608 6 6
                                    

Prolouge

Mula sa bintana ng kwarto nya na nasa second floor ng mansyon ay nilinga nya ang paligid kung merong mga tauhan ng Papa nya na nagbabantay sa likod bahay. Kinuha nya ang mga pinagbuhol-buhol na kumot at itinali ang isang dulo sa paa ng kama nya, and then she let down the rest of the stuff. Yea, parang yung ginagawa ni Rapunzel sa buhok nya?

She took a deep breath afterwards and then exhaled. "Go, Yuan." she whisphered to herself then climbed down. Mabuti na lamang at may mga kurtina ang lahat ng bintana sa mansyon, kaya walang nakakita sa kanya habang bumaba sa pamamagitan ng kumot.. at mukhang sinaunang magnanakaw.

"Señorita Yuan!" mahinang tawag sa kanya ng hardinero nilang si Lukas. Sya ang kasabwat ni Yuan sa mga kalokohan nito at sya ring tumutulong kapag gustong takasan ni Yuan ang fiancee nya.

"Bwiset ka Lukas, sabi ko sa 'yo tulungan mo 'ko. Bakit kung kelan nakababa na 'ko dun ka lang dumating?"

"Pasensya na kayo Señorita, ayaw akong paalisin ni Señor. Alam nya na sigurong ako ang kasabwat nya tuwing--"

"Sige na, wag ka na magpaliwanag. Umalis na tayo."

"Señorita.."

Tinignan nya si Lukas, may pagmamakaawa sa boses nito. Sinabihan na kasi ito ng Señor na wag nang tulungan si Yuan sa mga kalokohan nito, kundi ay papaalisin na sya sa mansyon na nagsilbi na nitong tahanan sa loob ng maraming taon dahil wala na syang pamilya.

"Wag kang mag alala Lukas. Ako'ng bahala sa 'yo. Magtiwala ka lang sa 'kin, okay?"

Tumango na lamang si Lukas at maingat na nilang nilisan ang mansyon.

xx

Hindi alam ni Yuan kung saan sya pupunta. Pag nakituloy sya sa mga kamag anak nya, siguradong matutunton din sya ng Papa nya. Kailangan nyang makahanap ng pwedeng matirahan.

Yung malayo sa papa nya, dahil galit sya dito.

Yung malayo sa fiancee nya, hindi nya mahal ang lalaking yon!

At yung malayo sa buhay na nakasanayan nya. Sawa na sya.

Backpack lang ang dala nya na naglalaman ng kaunting damit, mga ATM cards at fifty thousand pesos. Pumara na sya ng taxi at sumakay. Bahala na kung saan sya mapunta.

Bahala na.

xx

Chapter One

"CHUCKIE!!"

"ANO BA PARE?! Wag mo nga 'kong tawaging CHUCKIE! Baka ikaw yun, kamuka mo eh!"

"Oo na, bilisan mo na lang dyan! Ang daming costumer oh!"

Ayoko talagang tinatawag akong Chuckie. Ano ako, yung mamamatay taong manika? Tss, gwapo kong 'to eh. Ako nga pala si Jonathan, twenty years old, independent, gwapo, matangkad at nagtatrabaho ako bilang dishwasher sa isang carenderia.

Hindi naman ganung kalaki tong carenderia kaya nakikita ako ng mga customers habang naghuhugas ng plato. Ako nga raw yung asset dito eh, kasi yung mga customer pumupunta dito para lang makita ako.

"Tapos na 'ko pre. Ikaw na bahala dito ah." paalam ko kay Raffy habang nagpupunas at nagtutuyo ng kamay.

"Sige. Ingat ka pre."

Runaway BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon