Runaway Baby [4]

111 5 6
                                    

Linggo.

Walang pasok si Johnny ngayon kaya naman niyaya nya akong magsimba, pero syempre tumanggi ako. Baka this time eh, mahuli na ko ng men in black aka mga tauhan ni Papa.

"Baka kasi may makakita ulit sakin eh, pati ikaw madamay." yun na lang ang sinabi ko sa kanya pero parang hindi sya convinced sa sinabi ko.

"Wag mo nang isipin kung madadamay ako. Isipin mo muna sarili mo, ikaw involved dito eh." tumabi sya sakin dito sa sofa.

"Pano kung pagdiskitahan ka nila?"

"Wala yun, wag mo ko alalahanin."

Ang tapang nya. Malayong malayo sya kay Luis. Juan Luis Aguirre nga pala ang pangalan ng fiance ko. Gwapo sya, mayaman at masasabi ko talagang isa syang dream guy.. well, noon. Oo, naattract ako sa kanya noon. Pero nagbago ang lahat nung...

"Ang ganda ng fiancee mo Luis." mula sa isang bush ay tahimik akong nakikinig sa usapan nila Luis at ng pinsan nyang si Jyron. Eavsdropping baga? Nandito kami ngayon sa garden namin.

"Yes, Jyron. At hindi na ako makapag hintay na makasal sa kanya."

"Tutal pareho naman kayong may itsura, siguradong makakagawa kayo ng magandang lahi." tumawa sila, at take note, ang naughty ng tawa nila huh!

And hello? Gagawa ng magandang lahi? With him? Er, wala pa yan sa isip ko eh.

"Wala naman akong pakialam sa pamilyang mabubuo namin insan. Simula pa lang, alam mo na kung ano'ng agenda ko sa pagpapakasal ko kay Yuan diba?" huh? Ano'ng agenda tong pinag uusapan nila Luis at Jyron?

"Yeah right. Tapos ano'ng gagawin mo kapag nakuha mo na'ng lahat ng kayamanan ng mga Ayala?"

WHAAAAT~!!! He's actually after our family's wealth!? Diba sabi nya dati patay na patay sya sakin kaya gusto nya kong pakasalan? Pero... ang totoo pala nyan, isa talaga syang gold digger!

"Divorce, Jyron."

"As simple as that!?"

As simple as that!? Masama ka pala talagang tao, Luis. Sa araw araw na naliligo ka sa pera, pati ba naman kayamanan namin gusto mo pang makuha? I can't believe this..

"Oo naman." and he laughed his evil laugh.

"You're unbelievable insan."

Sumasakit ang tenga ko sa usapan nila.

"Señorita Yuan!" paktay! Mula sa likod ay tinawag ako ni Lukas. Tinignan ko sya nang masama kaya naman nagulat sya siguro dahil naisip nyang mali yung ginawa nya.

Tumayo na ako at humarap sa mga gulat na gulat na mukha nila Luis at Jyron.

"Uh-oh.." -Jyron.

Luis composed himself. "Hi Yuan, kanina ka pa ba dyan?"

I smiled sarcastically. "Hindi naman, kararating ko lang. Actually hindi ko nga narinig yung pinag uusapan nyo na sasamsamin nyo yung yaman ng pamilya namin."

"You know what sweetie, that was a joke! Haha diba Jyron?"

"Y-yeah! A joke!"

Ang kakapal..

"Alam mo namang mahal talaga kita eh, nagbibiruan lang kami ng pinsan ko"..

Blah blah blah.. ayoko nang makinig sa palusot nyang sablay. Naiinis lang ako lalo eh! "I'm going to tell this to Papa." hindi ko na sya hinintay sumagot at umalis na 'ko.

Runaway BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon