Chapter 75

105 10 0
                                    




Still Aria's POV.

"Aria, ang ganda ganda mo parin!!" Dagdag nilang sigaw, ang dami talagang tao dito, inalalayan ako ni Clark papasok sa kotse, tapos nilagay niya sa likod ang dalawang bag na naglalaman ng mga iba kopang gamit, like damit, undergarments at iba iba pa. Pati mga gamot ko ay nandun nadin, pumasok si Clark sa kotse at pinaandar na ito.

Excited nakong umuwi dahil makikita kong muli ang mga anak ko, sabi din kasi ni mom sakin kagabi nung pumunta sila ay hinahanap-hanap ako ng mga bata, sa weeks na wala ako ay nakapagpump naman ako ng gatas mula sa hinaharap ko, pero syempre ang hanap-hanap nila ang presensya ko.

"Take a rest muna love, habang wala pa tayo dun, gisingin kita okay" saad ni Clark, ngumiti naman ako at tumango, tapos ay nagpatuloy na siya sa pagmamaneho, kailangan niya magfocus so hindi ko muna ito inistorbo. Sumandal na lamang ako at tumingin sa labas.

Maya-maya pa ay nagvivideo call sakin, nang makita kong si mom ito ay sinagot kona, nakita ko ang magandang mukha ng mom ni Clark, tapos nakangiti ito, hindi masyado mataas ang unat ng braso ko, talagang nasa baba lang, nakapatong sa lap ko, at sumusuporta ang kamay ko sa likod ng phone.

{"Mom! Napatawag po kayo...nga pala pauwi napo kami diyan!..excited nako ako...kamusta po ang mga baby? Nag popoo poba sila? Kumain napo ba? Ubos napo ba yung milk na pinump ko kahapon? Gutom napo ba sila ngayon?"} Sunod-sunod kong tanong.

{"Aria anak saglit haha. Magdahan-dahan ka naman oh...okay lang sila Axel at Scarlett anak, mahimbing sila na natutulog ngayon...paggising nun for sure gutom sila, buti naman at pinayagan ka ng doctor mona umuwi na muna"} turan ni mom, napangiti naman ako at napahinga ng maluwag dahil sa narinig.

{"Oo nga po eh...tsaka mas gusto ko po diyan atlease natututukan kona ang mga anak ko, kaya ko naman na po....since maintain ko naman yung mga gamot ko"} -Me.

{"Dapat lang para mabilis ang paggaling, wait! Saglit ipakita ko sila sayo!! Ang himbing ng tulog oh....narinig moba yung maliit na hilik nila haha...so cute!!...habang itong asawa ko tutok sa trabaho"} -Mom Alessia.

Napangiti ako nang makita ang mga anak ko na mahimbing na natutulog, magkatabi sila sa isang crib, malaking crip din kasi ang napagdesisiyunan na bilhin nina mom, kinuwento niya sakin yun nung nasa hospital palang ako, ang bilis lumaki ng mga anak ko, ang lulusog at talagang healthy sila.

Next week 1 month na sila, talagang imposible na ihiwalay ako sa mga bata dahil syempre kailangan pa nila ako, lalo na at nagpapagatas pako, may nakahanda narin kaming milk na titimplahin namin, pero syempre karamihan is dapat daw galing sakin. Maya-maya pa ay natapos na ang video call , kaya naman tumingin nalang muli ako sa labas at nagpahinga habang wala pa kami sa mansion.

Nanag makarating kami sa subdiviison, ay nabigla kami dahil may mga media nanaman sa harap ng gate, di pa kami nakakalapit sa gate ng subdivision nang patagong lumapit samin ang isa sa bodyguard, at itinuro samin ang gate sa at nasa dulong bahagi yun ng subdivision, kaya wala kaming choice kundi duon dumaan. Nagpasalamat ako kay manong guard at nagsimula na muling magmaneho si Clark.

Tahimik ang buhok byahe, pero alam ko na naiinis si clark, dahil nakakunot ang mga kilay nito.

"Love, kumalma ka okay, alam mo naman ang media ngayon" -Me.

"Mamaya haharap ako sa kanila" seryoso niyabg turan, kaya naman hindi nako tumugon pa, nanahimik nalang akong muli at isinandal ang likod ko, makalipas ang ilang mainuto ay nakarating na kami sa mansyon, inalalayan niya akong bumaba tapos pumasok narin kami sa loob.

"My baby!!!" Rinig kong tili ni mom Alessia,tapos patakbong yumakap sakin, ganun din kay Clark.

"Hon, yung boses mo naman pakihinaan, magigising ang mga apo ko oh!" Inis na saad ni dad, na ngayon nakatayo at pinagmamasdan ang mga apo niya habang natutulog. Agad akong lumapit sa malaking crib at tinitigan sila, i really really miss them, yumuko ako at hinalikan ang dalawa sa ulo, paggising nila ay papakainin ko sila. Lumapit si Clark at hinawakan ako sa bewang, hinalikan niya din sa noo sina baby axel at scarlett.

Harrased In The Past ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon