Kabanata I: Dream World

5 1 0
                                    

Hindi na ako makapaghintay! Makaka-graduate na rin ako sa wakas. Unang hakbang patungo sa pangarap ko, ang maging ang pinakamagaling na dream maker sa buong Dream World.

Hindi ko mapigilang mapahalakhak sa sobrang katuwaang nararamdaman ko ngayon.

Balang araw, magagawa ko ang pinakamagandang panaginip na mararanasan ng future client ko!

Pinapatawag na ang lahat ng mga mag-aaral sa quadrangle. Mababakas sa mukha ko ang labis na pagka-mangha sa dami ng mga Dreamian na gaya ko ay nagnanais na maging dream maker.

Uhh...Sa bagay, wala namang kahit sino dito sa Dream World ang ayaw.

"Ngayong araw, ating masasaksihan ang masayang pagtatapos ng 999,999 na aspiring dream makers ng DW State University!"

Nagpalakpakan ang lahat ng mga estudyante at lahat ng mga taong dumalo sa graduation.

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang simulan nang tawagin isa-isa ang mga pangalan.

Parang ayaw nang mawala ng ngiti sa mga labi ko. Ganoon hanggang sa tamaan na ako ng inip sa dami ng mga magsisipagtapos.

Mahabang pasensya rin ang tiniis ko hanggang sa tawagin na ang pinakahihintay kong pangalan.

"Carlos, Lucio D.!"

Tama! Ako na nga 'yon!

Grabe! Wala nang mas sasaya pa sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwalang umaakyat na ako ngayon sa entablado. Nasa akin ang tingin ng lahat, habang pinapalak...-,

Uhh...hindi pala. Hindi nila ako pinapalakpakan. Walang pumapalakpak kahit na sino kanila.
Tama. Walang kahit sinong Dreamian ang gusto ako.

" 'Di ba 'yan yung anak ng non-maker?", alam kong ito ang pinagbubulungan nila.

Hindi na ako naaapektuhan. Nasanay na rin ako. Hindi ko na lang sila pinapansin. Ang iniisip ko na lang ay ang mahalaga, sa wakas, pagkatapos ng graduation na 'to, makakatungtong at makakapagtrabaho na rin ako sa Sweet Dreams Inc. bilang isang sweet dreams maker.

Mabilis kong tinanggap ang diploma ko at agad ding bumaba ng entablado. Hindi ko na tinapos ang buong program. Patakbo akong umuwi sa amin para ibalita kay Nanay Zormatsha na nakatapos na ako.

Dinahan-dahan ko lang na binuksan ang pinto.

"Nanay!", masigla kong tawag, " Nay, 'asan ka?!"

Kumatok lang ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto nya pero binuksan ko rin kaagad nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Nay!", naisigaw ko nang makitang nakahandusay sa sahig ang aking ina, "Ano pong nagyari sa inyo?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Dreams Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon