Napapalunok ako habang nakatayo at nakatitig sa salamin na nasa harapan ko.
Totoo bato? May asawa na ba talaga ako? Nagpakasal ba talaga ako sa lalaking ni hindi ko pa talagang kilala. Natapik ko ang noo ko noong maalala ang nangyari.
*******************
Ramdam na ramdam ko ang pagkahilo mukhang sobra talaga ang nainom ko.
Napabalikwas ako noong maalala ko ang wari'y panaginip ko, pero lalong nanlaki ang mata ko noong makita ko ang lalaking nakadapa sa tabi ko.
Wala itong suot na pan-itaas at may nakatakip lang na kumot sa lower part nya. Nakita ko sa sahig ang mga damit ko.
OMG! Wala akong suot na damit..
Bumalik sa alaala ko yung mga nangyare. Kaya nasabunutan ko ang buhok ko.
Ang Tanga mo talaga Monique.!!!
Dahan-dahan akong kumilos para makaalis sa kama na hindi nagigising ang estrangherong katabi ko.
Pero bago pa ako nakatayo biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Mama at Papa.
"IKANGGGG!!!!" Galit na sigaw ni Papa.
*******************************************
Nakayuko kami nung lalaking nakasiping ko ng isang gabi, nakaupo kami ng tahimik sa sofa habang si Mama ay tahimik na nakaupo sa harapan namin, at si Papa naman ay palakad-lakad na halatang hindi mapakali.
"So anong plano mo Monique? Paano si Allen?" Galit na tanong ni Papa, tinutukoy nya ang walanghiya kong ex-boyfriend. Hindi pa kasi nila alam ang nangyare sa amin ni Allen, dahil sobra ang tiwala nila sa manlolokong lalaki na yun at ayaw kong pati sila ay masaktan.
"Ikaw? Anong naisipan mo't ginawa mo sa anak ko yun? Hindi mo ba alam na may boyfriend na sya ? At sinasabi nyong hindi kayo magkakilala. Ano yun, magsisiping kayo ng hindi magkakilala? Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon?" Mahabang litanya ni Papa.
Nanatili lang kaming tahimik. Nang biglang nagsalita ang lalaking katabi ko.
"Pananagutan ko po ang nangyare, sorry po"
"Ha? No!"
"Aba dapat lang! Panagutan mo ang ginawa mo sa anak ko!"
"Pa! Wala naman po syang dapat panagutan, and besides hindi po kami magkakilala. Aksidente po ang nangyare."
"Aksidente? Aksidenteng magsama kayo ng isang gabi? Nahihibang kana ba Monique?" Galit na galit na si Papa.
And to make the story short. After 1 week naisettle na ang kasal namin. And ang nakakaloka, isa palang anak mayaman ang lalaking nakasiping ko.
******************************
Bumalik ako sa kasalukuyan nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Justine. Ang Lalaking nakasama ko ng isang gabi at ngayo'y asawa ko na.
Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko nung i-unbutton niya ang butones ng polo niyang suot.
Juice colored! Ayaw ko... Oo may nangyare sa amin ng isang beses pero lasing ako nun, at ngayon wala na akong lakas ng loob. Nahapit ko ang suot kong pantulog.
Tinitignan ko lang si Justine sa repleksyon ng salamin, Nakita kong nahiga ito sa kama after mahubad ang suot na polo.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa kama.
"Justine pwede ba tayong mag-usap?"
Nagmulat naman siya ng mata at naupo sa kama.
Sumagap muna ulit ako ng hangin bago nagsalita.
"Alam kong nabigla lang tayo sa mga nangyayare---
"Kung ang tinutukoy mo ay ang pagiging mag-asawa hindi kita pipiliting gampanan ang role ng pagiging asawa, alam kong napilitan ka lang dahil sa nangyare. Kaya magiging mag-asawa lang tayo sa papel."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Well hindi ko na pala kailangan mag-explain.
Nagulat ako noong tumayo sya at kumuha ng blanket at unan saka inilatag sa sahig, bago nahiga.
"Ah Justine hindi mo naman kailangan sa sahig matulog, pwede naman tayo magtabi dito sa kama mo malaki naman tong kama."
Nakakahiya, bahay kaya to ni Justine regalo ng Daddy nya samin dalawa.
"No! Ayos lang ako dito. Baka maging awkward kong magtatabi tayong dalawa sa kama, magpapalagay nalang ako bukas ng isa pang kama."
"Salamat." OMG! Bat ang baet naman neto masyado!

BINABASA MO ANG
After Marriage
ФанфикSi Monique.. Nabroken hearted sa boyfriend nya at dahil sa isang gabing pagkakamali, magpapakasal sya sa lalaking isang beses palang nyang nakita. Paano iikot ang mundo nilang dalawa ni Justine AFTER MARRIAGE? ******************* Hello Readers here...