OMR (one message Recieved)

40 4 0
                                    

Hi ! I'm Sapphire Brewery, 16 years old at fourth year high school dito sa Lala highschool (wala ako maisip xD) Mabait, makulit at mapagmahal pero konti lang kaibigan ko kasi...

Mas mabuti ng konti ang kaibigan basta hindi topper ware xD (Plastic)

Maganda, maputi at matangkad ako haha.

"Bhest yung crush mo oh ! May kasamang iba" sabi ni Alyssa ang bestfriend kong maganda. Oha? Biglang napantig ang tainga ko sa narinig ko at biglang lumingon sa tinitignan niya.

"Ayy bhest grabe yang kasama niya oh ang pangit pangit parang lola lang ng crush mo. Parang matandang pandak. Gosh ! Ang pangit naman ng taste niya. Mas malayong maganda ka pa sakanya." Sabi ni bhest alyssa. Grabe makapanlait to. Hahaha. Marami na nga siyang nalait eh. Puro kasama naman ni Raven Kent Xi ang crush ko noong third year palang tranfer student. Hindi ko akalain na ganyan ang itsura niya ngayon. Matangkad, maganda ang pangangatawan at ang gwapo. Di ko nga alam kung kilala niya ako eh o naaalala niya ako :(

*flashback

Grade 4 ako noon ng binubully ako ni Ronald Reyes at ang mga barkada niya. Ewan ko ba. Wala naman akong kasalanan kung bakit ako binubully. Tinukso tinukso at tinulak tulak ako kaya naman umiyak ako at tumakbo sa likod ng school namin. May garden dun at sariwa ang hangin. Dun ako lagi nakatambay pag inaaway ako.

Umupo ako at umiiyak na nakatingin sa mga halaman.

"Bata, okey ka lang ? Bakit ka umiiyak? Wala ka bang kasama ?" Lumingon ako sa nagsalita. Isang batang lalaki na mataba at cute.

Ngumiti ako ng pilit dito.
"Wala. Okey lang ako :) haha. Hindi ako umiiyak napuwing lang ako." Sabi ko rito

"Wag mo ng itanggi bata." Umupo siya sa tabi ko. "Alam mo napahanga mo ako ngayon lang. Kasi pag ako umiyak di ko na kayang ngumiti pa. Di ko na maitatanggi ang naramdaman ko. Alam mo, wag ka ng umiyak. Ang ganda mo pa naman at sayang yang magaganda mong mata kung iiyak ka lang. Tahan na" sabay abot saakin ng panyo niya. Inabot ko naman ito.

"Salamat :)"

"Ako nga pala si Raven Kent Xi. Ikaw ano pangalan mo?"

"Sapphire.. "

"Sige alis na ako. Magtatransfer nanaman ako. Lagi nalang akong nagtatransfer ng school eh. Sana MAgkita ulit tayo. Bye sapphy ! " at nagwave na siya ng kamay saakin. Ano bang tawag yun? MAY sapi ba ako ?

*end of flashback

Paaaaak !

"Awww!" Sigaw ko. Pinulot ko yung bola at hinanap kung sino ang tumama sa ulo ko bwisit. Masakit yun ha.

Ng napako ang tingin ko sa papalapit na Kent. Tumingin ako sa tabi ko ng wala na si bhest Alyssa. Saan naman nagpunta yun ?! Gaano ba ako katagal nakatunganga dito? Hayys. Bumalik ang tingin ko sa isang anghel na hulog ng langit para saakin at papalapit sa pwesto ko .

Biglang nagslowmotion ang lahat at ang lakas ng tibok ng puso ko.

Dug.dug.dug.dug

"So-sorry. O-okey Ahm ! Okey ka lang ? Sorry ha ?" Tama ba yung narinig ko ?! Uwaaa nauutal siya. Ang cute cute niya talaga ang cute pa niya mautal. Waaah !

"S-sapph--- Sapphire ?" Kumalbit pa ito saakin. Gosh nakakahiya. Nakanganga na pala ako sakanya

"Ah--- eh... hihi. O--ookey la-lang aakoo. " Sh*t anyare sa dila ko. Umalis na ako agad.

One message recieved (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon