23

7.7K 47 0
                                    

"Hi, Madame! Good afternoon!" maligalig na bati sa akin ni Nicole na hindi man lang kumatok bago pumasok sa opisina ko.

Lumipas kasi ang ilang buwan na nakatutok lang ako sa kumpanya dahil nabaon ito ng hindi ko nalalaman. Lahat inako ni Daddy at ginawan ng paraan pero talagang hindi kinaya. Siguro hindi rin nakatulong kay Daddy noon ang paghihiwalay nila ni Mommy. Baka nadistract din kaya hindi nagawan ng paraan.

Ewan ba.

"What are you doing here?" kunot-noong tanong ko saka ibinalik ang tingin sa binabasa sa laptop ko.

"Ay naging official C.O.O. lang, nakalimot na?!" paghisterya niya.

"Alam mo, Nics, masyado akong busy. Ang dami naming kliyente ngayon."

We owned a constraction company. Hindi lang halata but I graduated Civil Engineer. Isa si Daddy sa mga naging Architect ng kumpanya namin.

"Labas naman tayo." pag-aaya niya.

"Hindi ako maka-oo kasi may meeting ako with a client mamayang lunch at dinner." sagot ko. "Hindi rin ako makaalis basta dahil baka magtungo ang isang client namin na kakilala ni Daddy. Hindi kasi nagsabi kung anong oras gogora dito."

"Order nalang tayo tapos dito nalang tayo kumain?" tanong pa niya kaya sinang-ayunan ko nalang.

Nicole ordered foods from a Japanese Restaurant. She said she missed to ate sushi that's why.

Ilang buwan rin kaming hindi nagkita ni Nicole kaya siguro nagpupumilit siyang sumingit sa schedule ko. Naging busy rin kasi siya sa trabaho niya kaya sa cellphone lang kami nagkikita o 'di kaya ay nag-uusap.

"Wala na talaga kayong balak magbalikan ni Doc?" she suddenly asked that made me stop.

"Why you suddenly asked?"

"Nakita ko kasi si Doc no'ng Wednesday sa mall. Mag-isa lang siya." pagpapaliwanag niya. "Pero hindi niya naman ako nakita!"

"For sure masaya na 'yon kay Mommy."

"'Di mo sure," sagot niya kaya napairap ako. Kailan ba talaga ako nito sasang-ayunan? "Hindi naman na sila nagkabalikan ayon sa source ko."

"Hayaan nalang natin sila."

Pag-uwi ni Nicole ay sakto namang tumawag sa akin si Daddy. Sinabihan ako nito na mga bandang 2 PM daw pupunta rito ang kakilala niya. Ang bilin pa nito ay iwasan ko daw ang magmalidita— like what the hell?! Ang tino ko kayang kausap!

"Ano bang pangalan no'ng client ko na iyon, Dad?"

[Hintayin mo nalang, Anak. Kailangan ko ng kumain ng breakfast ko.]

"Anong oras na, Dad! Bakit ngayon ka pa lang kakain?!"

[Busy kasi ako kanina.]

"Saan nabusy, huh, Dad? Sa pakikipag omegle sa kung sino-sino?"

[I'll talk to you later, Anak. You take care.]

"Hays, Dad. Bye. Love you!"

Habang naghihintay akong maglunch ay binasa ko nalang ang mga dapat kong basahin at pumirma sa mga dapat kong pirmahan. Mga bandang 11:30 AM pupunta na kami ni Architect Dy sa meeting place namin.

"Good day, Engr. Iguico, Architect Dy." bati ng babaeng nakaupo na sa harapan ko. "I'm Raynaline, Mr. Fujimoto's secretary."

"Where he is po?" magalang na tanong ko kahit gusto ko ng sagutin ang babae kahit na wala naman talaga akong karapatang tanungin ang sekretarya niya kung nasaan nga ba ang kliyente ko. Like bakit siya ang um-attend? Siya ba ang magde-decide kung paanong design ang gusto ng boss niya sa ipagagawa nitong bahay?

"Calm your sh*t, Zhi." bulong sa akin ni Architect na partner ko na noon pa.

"May emergency po kasi si Boss." sagot ng babae. "Dinala po sa hospital ang anak niya dahil masyadong mataas ang lagnat nito."

"Reasonable," bulong na naman ni Architect kaya hindi ko na napigilan pa ang pag-irap.

Ipinakita namin ni Archietct ang folder namin kung saan naroon ang designs namin. Sa huli, ang sinabi ng sekretarya ay magse-set nalang raw ulit siya ng meeting para mismong boss niya ang makausap namin.

"Kapikon," inis na wika ko ng makalabas kami ni Architect ng restau.

"Atleast libre niya ang pagkain natin." sabi niya kaya natawa kami.

"Mamaya ah? Mga bandang 2 PM daw."

"Huh? May ano?" takang tanong niya.

"May kliyente ako mamaya. Wala namang nabanggit si Daddy na may nakuha ng Architect ang kakilala niya kaya ikaw nalang ulit ang kukunin ko."

"Ay grabe, last minute ha." sarkastikong sabi niya.

"Ayaw mo? E 'di wag."

"Babae ba iyang kliyente?" tanong nito. Napangiwi ako ng tila kumislap ang mga mata nito.

"Sorry ka, lalaki e."

"Hanep naman," bulong niya. "Pero kung mayaman naman 'yan, g lang tayo."

"As if may choice kang tumanggi."

"Meron no!"

Nang pauwi na ay naghiwalay na kami ni Architect dahil parehas kaming may dalang sasakyan. Magkikita pa naman kami sa kumpanya kaya kapag gusto niya akong kausapin tungkol sa nakakainis na kliyente namin kanina ay makakausap niya ako.

"Kumusta ang meeting, Engr.?" tanong ni Engr. Dimacali.

"Secretary lang ang nakausap namin."

Simula ng makabalik ako rito sa kumpanya ay wala akong ibang ginawa kundi ang umupo rito sa swivel chair ko, makipag meeting at pumasyal sa mga site na dapat kong puntahan. Inayos ko na rin ang folder ko para sa meeting namin ng susunod na kliyente namin ni Architect Dy.

"Baka naman secretary kineme lang ng kliyente mo iyan pero ang totoo ay may relasyon talaga sila?"

Ngawit ang bibig ko ng magkita kami ni Architect Dy sa lobby ng kumpanya. Ang daming chika ni Engr. Dimacali!

"You look tired." pansin ni Architect ng tuluyan na kaming makarating sa restau na napag-usapan.

"Ngawit bibig ko kay Engr. Dimacali." sagot ko ng napapailing. "Single din naman ako pero natitiis kong hindi chumika ng malala. Si Engr. naman ay akala mo nag-iipon ng chika tas kapag may nakakwentuhan na siya ay hindi na siya titigil hanggat hindi siya nauubusan ng bala."

Napaawang ang labi ko ng makitang pumasok sa pinto ng restau ang kilalang-kilala kong tao. Nakalong sleeve ito at pants sa ibaba. Ang white coat ng lalaki ay nasa braso niya.

"Good afternoon, Sir." bati ni Architect, tumayo pa para makipag kamay. "Huy! Won't you great our client?" pabulong na baling sa akin ng kaibigan.

Ako naman ang tumayo ng umupo na si Architect. "Good afternoon, Sir." Shocks! Buti hindi ako nautal!

"To you, too, Engr., Architect." balik pagbati nito sa amin saka nakipag beso sa akin. "You turned me on." he whispered.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon