Chapter 3

53 4 18
                                    

Tatlong linggo na ang lumipas simula no'ng nag exam ako para makapasok sa Brentwood University. Right now, I'm still waiting for the result. I can't help but to feel really nervous everytime I wake up, same goes for Kiara.

We still have a communication even though the first and last time we saw each other was three weeks ago. Nag-uusap kami parati sa Instagram kaya naman masasabi kong may mga bagay na akong alam tungkol sa kaniya.

I'm currently at my room, thinking if I should just stay in our house today. But isn't too boring to stay here? Umalis na naman kasi nang maaga ang mga magulang ko kanina. Of course, para saan pa ba? E 'di para mag trabaho. Gano'n naman lagi.

I don't know but I just found myself getting used to it. 'Di ko nga rin feel na may kapatid ako, e. My brother was always busy with his studies. Hindi na nga ata 'yon lumalabas sa room niya. He's currently a 4th year college student, taking the Bachelor of Science in Medical Technology as his course. I can't blame him, his course is really stressful.

Halos sa gabi na nga lang kami nagkikita-kita, e. Bababa lang para mag dinner tapos aakyat ulit para gawin ang mga gagawin namin.

Oh, right! I will try to message Kiara and ask her kung may gagawin ba siya ngayong araw. Magpapasama na lang siguro ako sa mall.

alomaurij: Hey, Kiara, are you free today?

Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagrereply. Mukhang busy nga ang babaeng 'to, ah.

I was about to close my Instagram when "typing" suddenly appeared on our conversation.

kialopez: Bakit? Free ako ngayong araw kung ililibre mo ako tapos busy naman kung tinanong mo lang 'yan.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nakakaiyak naman maging kaibigan 'to!

alomaurij: Pupunta sana ako sa mall ngayon since boring rito sa bahay tapos naisip ko na mas maganda kung kasama kita. Gano'n ako kabait!

kialopez: Grabe naman ma-bored ang mga mayayaman! Pero sure! Basta libre mo, ah.

alomaurij: Syempre! Sunduin ka na lang namin sa inyo. Alam ko naman na kung saan ka nakatira sa sobrang daldal mo, 'no.

I got up from my bed and went to the bathroom to take a bath. Halos inabot ata ako ng sampung minuto sa pag ligo lang.

I just wore a simple white shirt and a maong short with a black belt. I partnered it with my white sneakers.

I put my phone and my power bank on my black sling bag before going out. Pagkababa ko pa lang ay may naririnig na akong ingay sa kusina, mukhang may nagpapatugtog. Gano'n na lang ang gulat ko nang pagbaba ko ay nakita ko si Kuya na nagtitimpla ng kape sa kusina habang may tinapay sa bibig niya.

"Kuya? What are you doing here? Aren't you supposed to be in your room right now, studying?" I asked. He chuckled before looking at me.

"Oh, easy. You sound like Mom, Alodia. Bawal na ba akong bumaba?" He raised his thick eyebrows. Gosh, gwapo naman siya pero ba't wala pa rin siyang girlfriend? Sa kasunginatan siguro nito, lahat ng girls na may gusto sa kaniya ay umaatras.

"Nasanay lang ako, Kuya. Paano ba naman e lagi ka na lang nasa room mo, 'no," I rolled my eyes and he just laughed.

"Miss mo lang ako ka-bonding, e! Don't worry, I promise to treat you kapag may free time ako kaya huwag ka nang magtaray riyan, 'di bagay sa 'yo," he said.

"Tsk! Alis na nga ako!"

"Hey, where are you going?" Sigaw niya.

"I will go to the mall with my friend," I said. Napakunot ang noo niya kaya naman natawa ako.

Spotlight on Me Where stories live. Discover now