"Maurisse!" I frowned after hearing my second name being called by a familiar voice.
I saw an infuriating guy wearing a smirk on his face while raising his eyebrows. Umagang-umaga, may demonyong umaaligid na naman sa akin.
"Yes, Cyrus?" I faked a smile and felt satisfaction when he got annoyed. It seems that he doesn't like being called by his second name.
"Nakakasira ng umaga 'yang pagmumukha mo! Mukha ka kasing hito, e!" Pang-aasar niya.
"Dmitri Cyrus Marosso... Ang ganda ng buong pangalan mo kaso 'di bagay sa'yo 'yung 'Dmitri' dahil mukha kang tanga!" Bawi ko. Sa huli, ako pa rin ang panalo dahil tinalikuran niya lang ako at saka umalis. Pikon.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang mag-aral ako rito. Ilang linggo pa lang ngunit ramdam ko na ang hirap ng kursong pinili ko.
Of course, this is different. Being a college student is indeed a tough battle.
I'm currently at the field, watching students playing soccer. It's our break time and usually, kasama ko si Kiara. Pero wala siya ngayon dahil nag-iikot ang babae sa building ng mga law students. Mukhang may tinatarget na agad.
"Mag re-recruit na raw ang coaches ng Brentwood University Women's Volleyball Team ng mga players. Gusto ko sanang subukan kaso hindi pa ako sigurado. Hobby ko lang talaga siya, e. Pero hindi ako magaling. Wala akong experience." Eavesdropping is not my habit. Nagkataon lang na nakuha ng dalawang babaeng nag-uusap sa gilid ko ang aking atensyon.
"Ang kinukuha rin kasi nila sa pagkaka-alam ko ay 'yung may mga karanasan na," rinig kong sabi ng isa. Excitement rushed through me when I heard what she said. This is exactly what I was waiting for!
Tumayo na ako sa aking upuan nang may ngiti sa aking mga labi. Nawala bigla 'yung inis ko kanina kay Dmitri dahil sa narinig ko.
Nag-umpisa akong maglakad pabalik sa aming building. I walked with a smile plastered on my face. Sana lang ay 'di ko muna makasalubong 'yung letcheng lalaki na mukhang asong 'di napakain ng amo niya nang isang taon.
"Maurisse, Maurisse, Maurisse!" Aba'y ayan na nga ba ang sinasabi ko. Tumahol na 'yung letche at panirang aso sa buhay ko. I love dogs. Ang totoo niyan ay may pet pa ako. Siguro bagay kay Dmitri 'yung kantang The Only Exception.
Lumingon ako at nakitang hindi lang siya mag-isa. Kasama niya ang mga kaklase namin na mga tropa niya. Wow, Dmitri with friends.
I noticed an unfamiliar guy na inaakbayan ni Dmitri. He looked so bored. He was frowning while his hands were on his pockets. May itsura ngunit mukhang suplado.
"Hala, mukhang na love at first sight si Ms. Jimenez kay Finn! Law student pala ang nais!" I glared at the guy who said that. Ah, si Russel pala 'to. 'Yung muntik nang maihi sa pantalon no'ng nabunot ang index card niya.
"Ako na lang kasi!"
"Huwag ka kay Finn. Mukhang parehas kayong ma-pride, e!"
I rolled my eyes before turning my back at them. Kung anong ugali ni Dmitri, 'yun din ang ugali ng kampon niya, e.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at inalala ang dapat kong gawin. I should ask Kiara about what I heard earlier. Siguradong alam na no'n ang balita na magsisimula nang mag recruit ng players ang coaches ng volleyball team. Kahit wala iyong interes sa sports ay paniguradong updated pa rin siya sa sobrang lawak ng connections niya.
I got into our classroom and saw her smiling while on her phone. Mukhang nakabingwit na ang isang 'to ng law student, ah.
Kaka-upo ko pa lang ay lumingon na agad ito sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi. "Alodia, may true love sa mga law students! Sila 'yung may paninindigan talaga at kaya kang ipaglaban, e!" Kinikilig na saad niya.
"Anong nangyari sa paghahanap mo?" I faked being interested on her love life. May gusto lang talaga akong malaman sa kaniya pagkatapos nito.
"Ayun na nga! Mukhang playboy pero pogi kasi, e! Kahinaan ko pa naman 'yun. Tapos ang pogi pa ng pangalan! Nakakabaliw ka na, Kian! Pero alam mo, pogi rin 'yung friend niyang si Finn, kaso ang sungit! Irereto nga sana kita roon dahil mukhang bagay kayo, e. Parehas masungit." Hindi nakatakas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi. Bubulong pa, rinig naman.
"Kiara, do you have an idea kung kailan mag re-recruit ng players 'yung coaches ng volleyball team?" She looked shocked of what I said.
"Ang alam ko, ngayong araw na. Teka nga, sasali ka ba?" She asked confusedly.
"Oo, sana."
"Ay, wow! Hindi ko alam na may interes ka pala sa sports? Pero pwede akong maging cheerleader mo!" She grinned.
"No, thanks. Ayos nang ikaw lang 'yung malas. Huwag mo na akong idamay," I said, teasingly.
"Lumalabas na ang true colors mo, Alodia. Nako!"
Days passed by quickly and my hell week would be starting. But I'm kinda excited. This is the thrill that I've been talking about!
Trainings and my course? Wow, a perfect combination, indeed.
I tried my luck after hearing that the volleyball coaches were recruiting players. And yes, I was really lucky.
I'm now a part of Brentwood University Women's Volleyball Team. My college life would be really fun.
"Baka naman i-bangko ka lang, Maurisse? Tamang nood lang at taga abot ng tubig sa first six," tumawa nang malakas si Dmitri pagkatapos sabihin iyon. Kinareer niya naman ang pagtawag sa second name ko. Feeling close masyado.
"Hindi ka ba napakain ng dog food ng amo mo? Ba't tahol ka nang tahol?" Ganti ko. Naghiyawan na 'yung mga kampon niya kasama ang ilan sa mga kaklase namin. Pag may palabas, masyadong magaling, e! Pero pag may recitation, ayun, nganga lang.
"Ikaw amo ko, e. I-prioritize mo naman kasi ako," nakangising sabi niya. Konti na lang talaga, ibibigay ko na 'yung ulo nito roon sa mga nag so-soccer sa field.
"Pre, wala ka na. Si Finn ata gusto n'yan!" Sigaw ng kaibigan niya.
"Finn pala, ah!" Pang-aasar ni Kiara. Isinukbit ko na ang aking bag saka tinalikuran si Dmitri at ang kampon niya.
Uwian na ngunit hindi pa para sa akin. Umpisa na ng training ko ngayong araw.
Kasama ko si Kiara na gusto pa sanang manood ng training kaso napilit ko na huwag na kaya't ihahatid niya na lang daw ako.
"Basta, 'yung sinabi ko sa'yo kanina, ah. Pag may nag maldita sa'yo, batuhin mo agad ng bola sa mukha tapos siguraduhin mong isang linggong tulog," sabi niya.
Nakita ko na ang training room kaya nagpaalam na agad ako kay Kiara na mukhang gusto pa ring sumama.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mga bolang nagkalat sa sahig at ang mga teammates ko na naglalaro na. Hindi pa naman kami kumpleto kaya nawala ang kaba ko. Nakakahiyang ma-late sa first day ng training, 'no!
Our coach approached me with a welcoming smile. Inilahad niya ang kanyang kamay upang makipag shake hands.
"Welcome to the team, Ms. Jimenez."
***
YOU ARE READING
Spotlight on Me
RomanceAlodia Maurisse already knew from the beginning that except for her studies, she would also have the great determination to continue her passion---volleyball. Finn Kaizher, a Political Science student and aspiring to become a Lawyer, who was apathet...