Simula

9 1 4
                                    


Infinity

"Malay mo payagan ka"

Kakarating ko lang dito sa bahay nila Gia at tinutulungan na nila ako kung paano magpaalam para sa upcoming birthday ng kapatid ni Frances.

My parents are very strict, nung una naiintindihan ko naman dahil hindi lang ako ang nakakaranas nito, at para sa akin naman daw iyon kaya iniintindi ko. Pero gaya nga ng panahon, lahat nagbabago. May mga oras na nagiging strikto sila sa akin, sa hindi malamang dahilan.

Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Nica nang ibagsak niya ang tatlong makakapal na Law books sa table namin. "Ampunin na lang kita" sambit nito sa'kin sabay ngiti.

Napailing ako sa kalokohan niya.

"Great idea! tapos 'wag mo nang dalhin mga gamit mo, ipag shopping ka na lang namin. Diba, Gia?" ideya naman ni Frances.

Lahat kami napatingin kay Gia na ngayon ay busy sa kaniyang plates. Sa aming apat kasi, si Gia ang matanda ng isang taon at kasalukuyan itong nag-aaral ng Architecture.

"MAY BALIWWWW!!!" kinalampag ni Frances ang table nito. "Ano ba?!" iritadong tanong ni Gia sa kaniya.

Umayos ng tayo si Frances at sineryoso ang sarili. "Kanina pa kami nag-uusap dito oh, mind joining us?" tanong nito kay Gia na ngayon ay inirapan siya.

Gia remove her earphones and cross her arms while looking intently on us. "Kung hindi talaga pwede si Bea, then anong magagawa natin? we can't force her parents na pumayag, kung ayaw talaga" sagot nito.

"Pero... minsan na lang tayo makumpleto at ineexpect ni Kuya Francis na kimpleto tayo" sambit naman ni Nica sabay tingin sa'kin.

Sa totoo lang gusto ko pumunta, but knowing how strict they are... it really makes no sense at all.

"Don't worry, I'll make it to your brother's birthday. I'll try my best as I can para payagan ako. Maybe... I'll convince dad since mas maayos siya pakiusapan kesa kay mommy"

Hindi ko alam kung tama bang nagbitaw ako ng salita o dapat bang hinayaan ko na lang na manghula sila kung makakapunta ako o hindi.

Sasagot na sana si Nica nang unahan ko siya. "Gotta go girls" nag text na kasi si mommy na umuwi na ako for our Family dinner.

Hinatid ako nila Gia sa gate nila at nakipag beso. "See you on my Brother's birthday" paalala ni Frances. I chuckled. "Oo naman"

We bid our goodbyes at naglakad na ako pabalik sa bahay. Nasa iisang village lang kami kaya walang problema kung pumunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko.

Pag pasok ko ng gate, rinig na rinig na agad dito ang ingay mula sa loob. Anong meron?

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at bumungad sa akin si Ivan na naka suot ng hoodie.

"Saan punta?" tanong ko.

"Good thing you're home, susunduin sana kita kala Gia" tumaas ang kilay ko, "Kuya, apat na bahay lang mula sa bahay nila Gia dito satin, para naman akong makikidnap" pagbibiro ko pero iniwan niya na lang ako sa front door.

May topak ba 'yon?

Hindi ko na lang pinansin at nagderetso sa living room dahil nandon ang mga bisita ng magulang ko.

"My daughter is here" sambit ni daddy at napalingon sa gawi ko ang mga bisita niyang puro doctor din. But all of them are wearing suits.

Nakipag beso muna ako kay mommy at daddy bago batiin ang mga bisita. "Good evening" I said.

They also greeted me back and smile wildely on me. "Grabe, hindi mo man lang sinabi sa'kin na napakaganda ng anak mo, Bri" banggit ng isang babae na naka suot ng floral dress at naka bun ang buhok.

In Love With A Lie (Book 1 of Hidalgo Trilogy) [ON GOING]Where stories live. Discover now