CHAPTER 3

274 12 0
                                    

Tipid akong ngumiti noong makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. Hinawi ko ang buhok na nasa kanang balikat at tiningnan ang suot na kulay pink na gown.

"Bagay na bagay sa'yo ang napili mong gown, Miss Aurora," wika nang nag-aayos sa akin at ngumiti. "Kung hindi ko lang alam ang totoong edad mo, iisipin kong nasa legal na edad ka na! Sa gandang mo iyan, tiyak kong maraming mapapa-second look sa'yo sa party na pupuntahan mo!"

Ngumiti na lamang ako sa kanya at hindi na nagkomento. Muli kong tiningnan ang repleksiyon sa salamin at tahimik na sumang-ayon sa sinabi nito kanina. Totoo naman kasi. Sa hubog ng katawan ko, hindi ako mukhang labing-anim na taong gulang pa lang. Matangkad din ako at kagaya nang palaging sinasabi nila, namana ko raw ito sa ina. She was a former beauty queen afterall. Hindi na talaga ako magtataka kong maraming magkakamaling isipin na nasa legal na edad ako kahit na hindi pa naman.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may kumatok na sa pinto ng silid ko. Isang kasambahay namin ang namataan ko at sinabing handa na raw ang sasakyang gagamitin ko patungo sa party kung saan imbitado ako at sila daddy. Tumango na lamang ako sa kasambahay at maingat na tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng silid.

"Nasa party na po pala ang daddy mo, Miss Aurora," sabi ng isang bodyguard at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan. Isang tango ang naging tugon ko sa kanya at sumakay na sa loob. Tahimik namang pumasok ang bodyguard ko sa may passenger seat at mayamaya lang ay nagsimula na ring umandar ang sasakyang kinaroonan.

Tahimik lang ako buong biyahe namin. Medyo malayo ang venue ng party na dadaluhan ko kaya naman ay bahagya akong nabagot sa loob ng sasakyan. Napairap na lamang ako sa kawalan at tamad na kinuha ang cellphone sa loob ng purse na dala ko. I opened my social media account and keep myself busy, to kill the boredom.

Panay ang scroll ko sa newsfeed ng social media account ko noong bigla akong natigilan. I saw a recent post of my best friend account. Nasa party na pala ito. Pinindot ko ang pangalan nito at tiningnan ang account niya. I noticed na may group picture na rin itong ini-upload at noong may nakita akong pamilyar na mukha sa group picture nila, natigilan ako.

"Anong ginagawa ng lalaking ito sa party? He's invited too?" mahinang usal ko at tiningnan pa ang iilang pictures na ipinost ni Fiona. Halos lahat nang kuha sa kanila ay nandoon ang siya! Stanley Perez... gaano ka-impluwensiya ang pamilya nito at talaga imbitado siya sa ganitong klaseng pagtitipon?

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tiningnan ang personal bodyguard ko na tahimik na nakaupo sa may passenger seat. Kinuha ko ang atensiyon nito at tinanong ang ilang araw na bumabagabag sa akin. "May alam ka ba tungkol sa mga Perez?" tanong ko na siyang ikinabaling nito sa puwesto ko.

Namataan ko ang pagtataka sa mata niya ngunit mabilis lang iyon. Tumikhim ang bodyguard ko at maingat na nag-iwas nang tingin sa akin.

"Kakilala ni Sir Stefan ang mga Perez, Miss Aurora," simpleng sambit nito na siyang ikinasimangot ko.

"And? How about their business? May alam ka ba?"

"Ang alam ko po ay ang mga Perez ang nagmamay-ari ng malaking security company services sa rehiyon natin," sagot muli nito na siyang ikinataas ng isang kilay ko. A security company. Really?

"They were the one who hired you?" maingat na tanong kong muli na siyang ikinailing nito sa puwesto niya.

"Ang pamilya po ng mommy niyo ang nag-hire sa amin. May kakilala rin ang mga Flores na isang security agency kaya naman sa kompanya namin sila kumuha ng personal bodyguards mo, Miss Aurora."

Napatango na lamang ako sa naging sagot nito at wala sa sariling napatingin sa labas ng sasakyan. So, the Perez are also influential here in our region. Kaya marahil nasa pagtitipon ng partido ni daddy ang mga ito. They provide security to someone like my father. Make sense.

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon