AERIN'S POV
"Aerin tignan mo nga yung order ni Mister Verencio na mga bulalak kung na ready na nang mama mo. Ngayon daw iyon kailangan." Sabi ng aking Tiya Meihan habang nag aayos ng mga bagong dating na mga stock na bulaklak.
Sinunod ko naman ang kanyang sinabi, hinanap ko ang order ng kanyang binanggit. At nakita ko ang isang bouquet na aster flower na may red rose, napatitig nalang ako dahil ang ganda nito.
"Oii Aerin. Dalian mona diyan kailangan na iyan mamaya. Yung mga orders sayo naayos mona rin ba?"
"Opo tita ready na po yung cake at cupcakes nila." Tanging sagot ko.
Binitbit kona ang bouquet of flowers at inilapag sa mesa, nilagyan ko ito ng pulang laso sa ibaba para mas magandang tignan. Sana all nga binibigyan ng ganito e, pero wait hindi ko naman kailangan ng ganito ha kaya ko naman bigyan sarili ko dahil may shop kami.
"Nahanap niyo na ba yung pinapahanap ko?" Bungad ni Mama kasama ang aking bunsong kapatid mula sa pintuan ng aming munting shop.
"Opo Mama ito po ba?" Ani ko sabay binuhat ang bulaklak at tumango naman si mama.
"Aerin, pwede ikaw muna ang mag delivered nito marami pa kasi akong gagawin na mga orders na rush at gagawin sa trabaho ko." Pag hingi ng pabor ni Mama.
"Oo naman Ma." Pag sang ayon ko. Hindi ko naman pwedeng hindian si Mama kasi alam kong pagod na rin siya dahil ang dami niyang inaasikaso, kahit nga kami naasikaso niya kahit busy siya.
"Naku! Aerin, gumayak kana mala-late na pala yang order, sinabi sa akin ni Mister Verencio na bago mag alas otso meron na lahat ng iyan doon." Wika ni mama.
Dali dali ko namang pinunasan ang pawis ko at nag tawag ng trysicle. Tinulungan naman ako ni Manong at Tiya Meihan na ilagay ang mga orders nila sa trysicle, pero medyo nag dadalawang isip ako dahil baka masira ang cake at cupcakes baka hindi na umabot roon na buhay. Nakakahiya naman kila Mister Verencio kung sira-sira ang order nila tapos nag bayad sila ng buo.
Pinaandar na ni Manong ang kanyang motor medyo mabilis mag patakbo si Manong, kaya't lahat ng buhok kong nakalugay ay lumipad na parang nag super science. Nakalimutan ko lang itinali kanina wala akong makita dahil sa buhok kona ito. Nakakagigil pakalbo ko kaya?
"Saan ulit iyon Ija?" Tanong ni Manong.
Napasinghap naman ako akala ko alam niya kung saan. "Sa Cerano's restaurant po Manong." Tanging sagot at napatingin sa relo 5 minutes bago mag alas otso na ng gabi, medyo tumaas lahat ng dugo ko at nanglamig ang mga kamay ko dahil ang usapan ay bago mag alas otso andun na lahat ng ito.
"Dito ba yung daan?" Tanong nanaman ni Manong. Napailing nalang ako. Siya yung driver pero bakit hindi niya alam kung saan yung Cerano's restaurant? Sa susunod nga masabi kay Mama na mag aral nalang ako mag drive para hindi ako ma istress sa ganito.
"Ayon po yung Cerano's restaurant." Turo ko sa hindi kalayuan, napakamot ng ng ulo si Manong.
Nang huminto na ang trysicle ni Manong, minadali kong inaayos yung buhok kong nag super science nakakahiya naman kung makita nila na ganoon yung buhok ko diba? Pagkababa ko naglamig ulit mga kamay ko dahil nakita kong may mga bisita na roon.
"Saan ito dadalhin?" Tanong nanaman ni Manong habang bitbit ang cake.
Nako si Manong talaga, "Aerin." Tawag sa akin ng isang lalaki kaya't napalingon ako.
Natanaw ko si Lhuwie papalapit sa akin. "Kanina kapa inaatay." Bungad niya sa akin.
"Eh? Talaga? Nag start naba? Pasensya na natagalan kasi ano..."
YOU ARE READING
ENCOUNTER SERIES 01- Your fascinating thoughts
RomanceAerin Hope Stellan is a typical 2nd year nursing student, who wants to achieve all of her goals. A girl who has the highest level of hope that no one can stop her from doing what she wants. Even though one day there's a guy that she encountered at u...