Queenie's PoV
I was trying to make a conversation with him nang mapansin kong tulala siya. Tiningnan ko mga mata niya and right at that moment I saw sadness in his eyes. Kahit hindi siya vocal about it... his eyes speaks for his emotions. Sana okay lang siya...
Tinapos ko na lang din yung pagtitingin ng damit tsaka nagbayad bago ako pumunta ng food court para bumili ng meryenda. Dalawa ang binili ko, isa para kay Boom kasi sinamahan niya ko kahit may pinagdadaanan siya.
"Hey..."
"Huy upo ka" sambit ko pagkakita ko kay Boom
"Sayo yan" dagdag ko when he stared at the food
"Libre mo? Di ko tatanggihan to ha? Haha"
"Oo ba. Teka lang ah may kulang pa eh. Dyan ka lang" sambit ko standing up to buy ice cream.
Pagbalik ko sa upuan namin inabot ko sa kanya isa
"Pati to libre? Haha"
"Oo naman! Basta ba magpromise ka muna" sambit ko not giving the ice cream yet
"Ano namang promise yan, Queenie?"
"Promise me, you will never bottle up your emotions for too long" sambit ko looking straight into his eyes
Boom's PoV
I was shocked with what she said... pero may kung ano sa puso ko na gumaan sa mga salita niya. Today's been fcked up but... I can't even believe I'm saying this, but Queenie helped me get through it... with her words.
I excused myself to light a cigarette pero nagbago isip ko that I decided to buy a gum instead at magbanyo.
Pagpunta ko ng food court I saw 2 plates, one is for me... tapos bumili pa siya ng ice cream ngayon.
"Hoy mangako ka, kundi ako kakain nito"
"Takaw, tch"
"Dali na!"
"Oo na oo na maupo ka na, tsk" sambit ko na lang messing her hair up pagkakuha ko ng ice cream.
It may not be evident in me... but she saved me more than I did save her... ang pinagkaiba lang... naliligtas niya ako sa hindi pisikal na aspeto.
Queenie's PoV
"Aray!" Sambit ko nang hampasin ni Ericka yung braso ko habang nasa byahe kami
"Siya kausap mo?!"
"Ano naman nga?! Ang ingay ingay mo may paghampas ka pa leche"
"Anong ano naman?? Kelan pa kayo naging text mates?! Sumakit lang naman ulo ko nung isang araw ah!"
"Dun ko nga siya nakausap, tsk napakausisera"
"Nagkita ulit kayo?! Ohemgeee"
"Ericka nakakahiya ka nasa bus tayo!" Impit na sita ko sa kanya
"Sino humingi ng number? Ikaw?"
"Oo? Bakit ba?!"
"Kyaaaahh"
"Tsk manong para!" Sambit ko sabay tayo. Nakakahiya kasama sa bus tong babaeng to walang pakundangan 🙄
"Hoy besh teka lang!!"
"Heh!"
Boom's PoV
Nakikinig lang ako ng music papasok ng bahay when I heard thuds. Pagtanggal ko ng headset dun ko narinig ang pag-aaway nina mama.
"Sino yon?! Ha?!"
"Officemate nga!!"
"Officemate?! Nakaakbay ka officemate?!"
Nakikinig lang ako sa isang gilid tapos nakita ako ng magaling kong ama
"Itanong mo pa kay Boom!"
"Boom? May alam ka dito?"
So now it's on me? Tch.
"Boom alam mo na wala akong babae!"
"Boom! Magsalita ka!"
Instead of speaking I smirked.
"May babae si papa. Kahalikan pa nga di ba?"
"Boom!" Dad
"Ano?!"
"Don't act like you don't know ma. Ilang bese ko na sinabi sayo pero ano? Sabi mo sinisiraan ko si papa di ba?"
"Kasi hindi yun totoo!"
"Eh ano to?! Ha?! Putangina nagkabistuhan kayo pero ngayon parang ang dating, ano kasalanan kong nambabae tatay ko?! Kasalanan kong bulag magmahal ang nanay ko?! Ang daya niyo naman!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa
"You wanted to make this family work but the moment you cheated and you turned your blind eye on the issue" sambit ko sabay turo sa kanilang dalawa
"Wala nang pamilya sa bahay na to" sambit ko na lang before I went up to pack my things. Aalis na lang ako.
BINABASA MO ANG
'Til I Found A Once In A Lifetime
रोमांसOnce. Twice. Thrice. Four times. Minsan sa iba. Kahibangan na kung sa pang-lima na beses magmamahal ka pa. Pero kaya mo pa nga ba? Kung apat na beses ka nang nasaktan sa iba't ibang tao na akala mo nung andun na... na siya na ang dulo? Makakayanan m...