Chapter 23 LiHan Partnership is Over

1.6K 79 4
                                    

Liana's POV
"Gusto mo siya ?" tanong ni kirvs.
"Sino ?" tanong ko rin.
"Yung tinititigan mo." sabi niya, Pano nalaman neto ?
"Wala naman akong tinititigan" sabi ko
"Utuin mo lelang mo. Anong wala kitang kita ko titig na titig ka kay Hanbin." sabi niya.
"Oo na, " sabi ko.
"Siya yung Partner mo sa DC Company ah" sabi niya.
"Oo ei" sabi ko.
"Mahal mo ?" tanong niya.
"Oo kaso May mahal na siyang iba. " sabi ko.
"Gawan mo ng paraan yan." sabi niya.
"Anong paraan ? Guluhin ko ang Lovestory nila ?"tanong ko.
"Sigurado kabang gusto niya yung babae ?" tanong niya.
"Nililigawan na nagdate na. Nagkiss pa ! Ano pang kulang ? Kasal na lang." sabi ko.
"Sila na ba ?" tanong niya umiling ako.
"Sus Di pa pala may pag asa ka pa Liana. " sabi niya.
"Ayaw ko na kirvs. pagod na ako. Lahat nalang ng minamahal ko nawawala sakin. Siguro di pa talaga time. Hayaan mo na munang mag aral ako" sabi ko.
"Tss. Di ako naniniwala. Gusto mo Ba kayo nalang ulit ang Partner ibibigay ko sa kanya tong Inassigned sakin" sabi niya.
"Wag ka nga kirvs. Pangarap natin tong partnership nato oh. Liana and Hanbin's Partnership is Over. okay ?" sabi ko.
"Aish. Fine sabi mo ei. mauna na akong umalis ah. Titignan ko lang yung dC Building" sabi niya pa.
"Ah sige. Kukuhain ko na rin yung iba kong gamit diyan sa Dorm ko. Sa bahay nalang tayo magkita" sabi ko tapos tumango siya, Inubos na namin yung pagkain namin tapos nauna na siyang umalis. Binayaran ko na yung Binili namin tapos Akmang aalis na.
"Whaaaa Noona !" rinig kong sigaw paglingon ko si chanwoo.
"Oh Chanwoo" sabi ko,
"Akala ko di kana mamansin. Doon tayo sa upuan dali" magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ako at katabi ko si hanbin ngayon. Pucha kaya dapat akong umiwas dito ei. Hindi pala Dapat kailangan na talaga.
"Liana ! Bakit wala ka kahapon ? " tanong ni donghyuk.
"Ahm. Busy kasi ei" sagot ko. Di ko alam isasagotko sa kanila. Dapat na bang maglaho na ako ? Kung pwede lang maging bula ei.
"Saan ka naman busy ?" tanong ni jinhwan.
"Ahm. Inaayos na kasi yung partnership namin" sabi ko.
"Nino ? Nung lalaking kasama mo ?" tanong ni Kimbap. Tumango ako.
"Tsaka Pupunta rin kami sa Baguio bukas. Kasi Doon may inaasigned yung dad ko" sabi ko.
"Adyan yung Dad mo ? Gusto ko siyang makita" tanong ni Jinhwan. anong sasabihin ko ? Oo nalang ? ei gusto ko ngang maglaho sa kanila. Tapos isasama ko pa to ? kung umoo kaya ako sayang naman chance na niya tapos aish.
"Hahaha." sagot ko nalang.
"Ei Noona pano na yung LiHan partnership ?" tanong ni chanwoo
"Haha, for sem lang naman yun ei. yung inaasikaso namin ngayon for future na" sabi ko,
"Whaaaat ? So Forever na kayong Partner ?" sigaw ni donghyuk tumango nalang ako. Si B.i Tahimik lang.
"Tsk. bakit ngayon ko lang nakita yun ? " tanong ni Kimbap
"Ahm sa Singapore siya nagaral. Naapprovahan naman na yung Partnership namin ei. Magka level lang kasi kami" sabi ko.
"Aish. basta ako LiHan Partnership parin" sabi ni Donghyuk.
"Hahaha. Wala na yung LiHan partnership. Its Over right Hanbin" sabi ko tapos tingin sa kanya. Di na siya sumagot umalis nalang siya. Walk out.
"Oh bakit umalis yun ?" tanong ni Jinhwan.
"Ah Baka naman Hahanapin yung Chaelyn ba yun. Diba new students yun tapos mukang gusto ni b.I Hahaha" sabi ko sabay ngiti pa.
"Noona. di mo ba talaga mahal si hyung. Hahayaan mo nalang yung Chaelyn na yun para kay hyung ?" sabi niya.
"Siguro OO. Hahayaan ko nalang sila sino ba ako para naman gambalain yung Lovestory nila diba." sabi ko.
"Talaga bang Wala na. Si Hanbin kaya namiss ka ? Kasi ako kahit minsan lang kita nakakasama Namiss kita. " sabi ni ayunhyeong.
"Hahaha, mukang hindi naman ei. Kailangan nalang nating makarecover. kung anong meron dati iba na ngayon. Okay" sabi ko. feeling ko nga iiyak na ako dito ei.
"Ang hirap naman. Pero bakit di ka nasagot sa mga Tawag or Text namin. cannot be Reach ei" sabi ni Donghyuk.
"Ah kasi nasira yung Phone ko. Nawasak so bumili ako ng Bago" sabi ko.
"Ahm Guys. I need to go. Marami pa akong gagawin babye ," sabi ko tapos umalis na. Pumunta na ako sa Dorm ko at Nagligpit tapos umalis narin. Naiiyak lang talaga ako. feeling ko sira na mundo ko pati pangarap ko. Parang nangyare nanaman yung dati. Umuwi na ako. Pag uwi ko bumungad sakin si kirvs, Aba
"Oy Oy" sabi niya.
"Oh ?" tanong ko.
"Ang ganda nung DC company ah. Mahusay yung partnership niyo" sabi niya
"thanks," sabi ko,
"at isang kaakit akit na puno ang puning may nakaukit na liHan" sabi pa niya nung nasabi niya yon. Lalong Bumagsak luha ko. Hanggang sa umiiyak na ako.
"See mahal mo siya. Dilang mahal kasi mahal na mahal mo siya" sabi pa niya.
"Kirvs. Kasi Feeling ko naulit nanaman yung Nangyare sakin ei. feeling ko nawala nanaman katulad nung kay Stephen. Kirvs ayaw ko na ang hirap na ang hirap hirap" sabi ko.
"Ei liana naman si Stephen wala na si hanbin buhay na buhay pa." sabi niya.
"Yun na nga ei. Si Stephen namatay ng ako ang mahal pero si Hanbin buhay pa kaso di ako ang mahal. Siguro dinaman talaga kami sa isat isa, Bakit ko pa pagsisiksikan sarili ko diba ? Ako lang naman masasaktan" sabi ko.
"Kung ayan nararamdaman mo edi Go ka diyan. Ang hirap kasi mag payo kasi lahat tayo tanga sa pagibig. Diba ? Isa lang sasabihin ko. Siguraduhin mo kung ano ang nararamdaman mo. Ang utak para sa lahat ng bagay pero Pag pagmamahal na. di yan gumagana kasi May puso ka. Ayan yung tumitibok pag andyan siya. Wag kang magdesisyon basta basta mahirap magsisi pag ikaw ang nawalan pa. Yang nararamdaman mo kasi di mo masheshare yan ei. Kahit sabihin mong kailangan mo ng umiwas. Kasi nasasaktan ka. At maghanap ng iba. Mahirap kasi hindi siya ang lalaking mahal mo kaya ang hirap isalin ng pagmamahal. Ang love hindi naman Facebook yan. oo Pwede mong ilike , pwede mong icomment but hindi mo masheshare. "
sabi niya.
"Kahit naguguluhan ako. Iiwas na ako sa kanya. Ayoko ng masaktan kasi alam kong May mahal na siyang iba" sabi ko.
"Kung ayan desisyon mo bahala ka. Ang sinasabi ko lang wag kang padala sa maling akala. Sige na matulog kana" sabi niya. Tapos umalis na di na talaga alam. Pero iiwas na ako. para sa lahat ayaw ko ng makasira.
(A/N: LiHan Partnership is Over na nga ba talaga )
___________________________________
vomments

Mr. Pambara Meets Ms. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon