Chapter 12

8 0 0
                                    

Mad
-

The week went by smoothly. Tapos na rin ang liga ng baranggay, panalo ang team nila Kil kaya nandito kami ngayon sa isang resort at nagcecelebrate ng victory party kuno nila. Tss. Ayaw ko sanang pumunta kaso alam niyo na ang kulit ni Bree and medyo nahiya rin akong tumanggi sa anyaya ni Miguel.

We're now walking papasok sa resort. It's a long boardwalk made from bamboos surrounded by a lot of mangroves. It's kinda refreshing walking here. It's clean and I can hear the sound of the birds around.

"Wow. Girepair naman diay nila noh? Nice na kaayo diri ay! Ikapila naka naka-ari? " Bree beamed. She's walking next to Kil's brother.

"It's my first time here actually." simpleng sagot naman ng kuya ni Kil.

"Hoy English man diay ang tubag. My nose is bleeding. Doc help!" pabirong sagot ni Bree. Gaga talaga tong isang to, walang pinipiling tao sa pangungulit. Natawa nalang iyong kuya ni Kil.

"Hoy Bree. Behave." saway ko kasi ako iyong nahiya. Medyo intimidating kasi ang kuya ni Kil, siguro dahil med student kaya sobrang mature ng aura? I don't know. Basta nakakahiyang biruin.

"Hoy pud Ava. Hehe labyu!" ang kulit!

"Hayaan mo na, hindi naman nangangagat si Kuya kaya okay lang si Bree." sabat naman ni Kil na siyang naglalakad sa bandang likuran ko. Madami siyang dala, gusto ko siyang sipain pero sayang naman ang food na bitbit niya if ever matumba siya. Naiinis parin ako sa mokong na to. Ewan ko!

"Parang may nagsalita. Guni guni ko lang siguro." I said. Narinig ko iyong tawa niya. Tawa ka diyan!

"Parang may tumawa? Multo siguro." pagpapatuloy ko. Mas lumakas iyong tawa niya na napalingon pa tuloy sina Bree sa banda namin. Kami kasi ni Kil ang nasa hulihan.

"Damn." he said after laughing so hard. Inirapan ko lang. Huh. Matapilok ka sana.

We continued walking until we arrived at the last cottage. Maganda ang lugar. Wala ng mangroves sa part na ito kaya mas klaro iyong view. The boardwalk along with the cottages on its sides are surrounded with the sea water. Meron pa akong nakitang mga bangka. I can see the mountains from the far edge of the horizon. Wow. I love it so much! I took my phone out and started taking pictures of everything. The water is clear too, may nakita akong mga isda!

"You want to join them? I volunteer to take a picture of you with the fishes." napairap ako ng may narinig na multong nagsasalita! Kil's voice!

"OMG! I can hear someone talking! Kayo ba iyon mga isda? Woah?" I acted surprised and pointed the fishes. Napa alis tuloy iyong mga isda dahil sa gulat. Mang-iinis si Kil? Pwes mang-iinis din ako! Hmp!

"Nabuang na..."

"Oh. The voice is very ugly, sure ako hindi iyon galing sa mga isda. Maybe there's an invisible monkey around? Omg!" I acted scared as I face him. He's kinda pouting, suppressing a smile. Nilagpasan ko siya at pumunta na sa unahan para mag capture ulit. Nilingon ko siya at nakitang papunta na ulit siya sa cottage namin. Good.

After minutes of walking around to get nice pictures of the view, nakuntento na ako sa mga kuha ko kaya naglakad na ako pabalik sa cottage namin. Maaga kami kaya wala pang masyadong tao sa buong resort, only two cottages and ours we're occupied. Pagkarating ko sa cottage ay si Kil at iyong kuya niya lang ang nandoon kasi iyong iba naliligo na agad sa dagat.

I smiled timidly on Kil's kuya pero hindi niya ata napansin kasi may katawagan siya sa phone. Napatingin ako kay Kil. He's smirking at me. Inirapan ko nga! Che! Kahit anong laki ng ngisi mo diyan hindi kita papansinin!

If I AmWhere stories live. Discover now