Chapter 11

18 0 0
                                    

Kasalanan
-

"What are you doing?" lumapit ako kay Kil na nakaupo sa bench at nagtatali ng shoe laces niya. They have a basketball game tonight. Nilingon niya ako. Medyo nagulat pa ata siya.

"Uy Avs, Hi." Avs? Feeling close talaga.

"Maglalaro ka? How about the sugat mo?" I frowned while asking that. 

"Ayos na to. Ginamot na ni kuya kagabi." I glanced at his hand. 

"What if dumugo iyan during the game? You must let that rest, kakagamot pa lang kagabi as you said so sariwa pa iyan. Dudugo iyan kapag napwersa!" nakataas parin ang kilay ko habang sinasabi iyon. Baka sisihin ako nito kapag lumala dahil initially kasalan ko naman talaga iyong sugat niya kagabi. Tss.

"Ayos lang talaga ako. Kaya ko nam-." I rolled my eyes. Bahala siya diyan.

"Bahala ka nga. Basta I warned you." I cut him off. Lumakad na agad ako papunta sa banda namin nina Bree. Siya palang iyong nandoon sa pwesto namin at nakikita kong busy siya kaka cellphone. Napasulyap siya noong nakaupo na ako sa tabi niya.

"Bakit nakabusangot mukha mo? Hindi naman kita pinilit na sumama sakin manuod ah?" she asked, nakataas pa isang kilay.

"Iyong crush mo ang tigas ng ulo."

"Ha? Sino?" Oo nga pala marami nga palang crush. Tss.

"Iyong Kil mo!" Pasigaw na sagot ko sa kanya. Naiinis ako.

"Ay hala sukua niya oy. Ano ba ang ginawa sayo ha?" Walang pakeng sagot niya kasi nakasulyap siya sa phone habang sinasabi iyon.

"Sasali siya sa laro, may sugat siya sa kamay diba?" I replied still frowning.

"Oh tapos?" Inis ko siyang sinulyapan. Anong tapos ha?

"Anong tapos? Syempre bawal niya pang igalaw iyon! Hello? Fresh pa iyon." Naiinis na sagot ko.

"Sino?" Oh please!

"Anong sino? Lutang mo ah!" Tinampal ko iyong kamay niyang nakatipa sa cellphone. She immediately stopped typing and glance at me.

"Sinong fresh? Si Kil o iyong sugat?" nakangising tanong niya. I fake a smile before punching her shoulder. 

"Bwesit!"

"Aray! Hahaha joke lang uy!" joke mo mukha mo! Kainis talagang kausap itong isang to.

"Bwesit ka talagang kausap Bree!" Tumatawa pa siya habang pinapalo ko ang balikat niya. Gosh! Kainis!

"Concerned ka na niyan? Akala ko ba hate mo si Kil ha? Atik nimong bayhana ka ! Crush mo din siya noh? Hahaha igata oy! Natatawang sabi niya. I sighed. Patience Ava, patience.

"Hindi ko siya crush okay? Hindi ako concerned! Baka lang lumala iyong sugat, what if ma infect iyon diba? What if-" but she cut me.

"Sus. Hindi nga concerned." nanunuksong sabi niya. Anong problema nito? Ew, huwag niya akong matukso-tukso diyan sa crush niyang matigas ang ulo!

"I said I'm not! Ewan ko sayo." I glared at her.

"Oo nga, I said you're not! Ewan ko sayo too." I just rolled my eyes kasi wala akong mapapala sa isang to na di matinong kausap.  I then focus my sight on the court. The referee already gathered the players from each team to start na siguro. I glanced at Kil and nakita kong siya ang representative ng team nila for the jump ball! May sugat siya! Ang yabang talaga!

If I AmWhere stories live. Discover now