4TH VIEW

13 1 0
                                    

AIR's POV

Hi guys! Ako si Air Harry Assuncion pogi. Hehe. Peace. Pogi naman talaga ako. Mahirap nga eh masyadong habulin ng chix. Tsk. 19 years old na din ako parang si Sheena.

Nakagraduate ako ng Business Management pero hindi muna ako nagtratrabaho kasi wala lang. tinatamad pako. Sa ngayon nag momodel muna ako sa isang sikat na fashion line na hawak ng Tita ni Sheena kaya may pera pa ako. Hobby ko rin magluto. Lalo na kapag nanjan parents ko. Siyempre para hindi muna nila ako pagtrabahuhin sa company namin. Nagpapalakas lang. Haha.

Kami nila Sheena eh nagkakilala sa isang bar. Bar ng ninong ni Sapphire yun eh. Dun ko nakilala si phire na kinukulit yung barista na turuan siya maghalo ng drinks at nagkataong pareho kaming broken ng mga oras na yun. Nakakatawa lang balikan.

Flashback-- 2years ago.--

" Monique naman.. Please pagusapan natin to. Alam kong gusto mo talaga pumuntang New York pero di mo naman kailangan makipagbreak sakin." Umiiyak nako dito.

"Harry makinig ka. Hindi ako nakikipagbreak kasi pupunta akong New York. Nakikipagbreak ako kasi ayoko sayo. Ayaw ko na. At tsaka trip.lang naman yung satin diba? Diba hindi naman tayo pareho seryoso. Tsk. Bata pa tayo wag ka nga magdrama jan please. Hindi kita minahal Harry. Akala ko ba playboy ka? Anong nangyare dun? Wala na? Hahaha pwes. Sorry playgirl ako. Ngumawa ka man jan wala na kong pake. You're just one of my toys. " speechless ako sa sinabi niya. Nakatayo ako dito pero parang nanglambot yung buong katawan ko.

All this time past time lang at laruan lang ako? Playboy ako oo. Pero pestenayan! Nagseryoso ko kay Monique. Walangya naloko ko. Hindi dapat ako mukhang kawawa dito.

Pinahid ko ang luha ko at ngumiti.

"Ay ganun ba? Ayos pala eh. Mutual feelings tayo. Past time mo ko past time kita. Nice lang. Galing ko umarte nuh? Hahaha pwede nakong artista. Sige alis na ko ha? Bye."
Ang sakit. Sobra.

Paalis na sana ako pero huminto ako at nagsalita ng hindi lumilingon sakanya.

"ingat ka sa pagalis mo. Hahaha.. nice time playing with you. Monique Sandoval. It was a nice game."

Tuluyan na akong umalis at pumunta na sa kotse ko. Oo may kotse na ako kahit 17 pa lang ako. Alam niyo na "connections".

Pupunta ako sa FLARE's Bar. Pagkasakay ko ng kotse naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. Peste! Kabadingan to eh.

Pinipilit kong hindi umiyak pero tangn× di ko mapigilan.Nagflaflashback sakin lahat ng nangyare samin ni Monique. Mula sa first time kong panliligaw tsaka yung effort ko nung monthsary namin.

Tapos yung surprise ko nung 2nd monthsary na sa may puno ng mangga tas may mga ilaw leshe hindi ba niya alam kung gaano kahabang extension ang kailangan para may pagsak sakan an lng ng ilaw dun!? Walong extension lang naman -.-. Peste kabadingan. Tapos yung last na. SA rooftop ng hotel ng tita ko. Pinaset up ko pa yun. Walangya. Walang pupuntahan pala lahat ng yun dami kong nagastos dun ah. Psh. Manloloko ang babaeng yun. Tss.

Nandito na ko sa tapat ng bar. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng kotse. Isa lang ang tumatak sa isip ko. "WALANG FOREVER.!" -.- BITTER NA KUNG BITTER.

Pumasok na ako sa bar at dumeretso sa counter ng barista. Ang mga nadadaanan ko mga table ng mga magkakabarkada mga may babaeng halos mag panty nalang. At yung mga tao sa dance floor mga wild. Nagkalat din ang mga nag yoyosi. Psh. Ayoko pa mamatay kaya hindi ako nagyoyosi. Feeling nila nakakadagdag sa kapogian yun. Mga makikitid talaga. Buti nalang matalino ko.

Umupo agad ako sa stool umorder ako ng drinks sa barista "Isa ngang hard." Maikli kong sabi sa barista at tumingin ulit sa mga nasa dance floor. Inabot naman niya agad sakin yung inumin ko. Tapos nag switch yung kanta ng slow dance.

THE VIEW WHEN THERE WAS ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon