Nagsimula na akong maligo. Balak ko kasing magkulot ng buhok para mamayang gabi pero ayoko gumamit ng hair curler so ititirintas ko na lang yung buhok ko after maligo para kulot na sya mamaya. Naglinis muna ako ng bahay. Walis dito, punas dyan, pagpag don. Inayos ko rin ang kwarto kong pagkagulo gulo. Kahit san ka tumingin, may kalat. Matapos magligpit ay nagwalis na ako sa kwarto. Dahil puno na ang basurahan, tinapon ko na to sa main trash bin ko. Huli akong nagtungo sa cr kung san nakatambak ang mga damit ko. Buti na lang at nakapag kusot at babad na ako kahapon ng puti, so iwawashing machine ko na lang lahat ng to. Mabilis tumakbo ang oras. Im all dressed up, tapos na rin ang household chores ko. Im all ready, except for one thing... I dont know where's our venue! Sa lahat naman ba ng bagay, yun pa talaga ang di ko alam!!! I was about to call Oca but then, looks like I don't need to. Because he's already calling me...
Oca: "San ka na, Nee?"
Me: "What do you mean where? Are you serious?"
"Doushite?"
"Fyi, you didn't inform me where we'll be meeting! Of course, Im still here in my apartment because I dont freakingly know where to go"
"Hahaha"
"And you still have the nerve to laugh?"
"Get out"
"What? Stop commanding me"
"Gusto mo ba malaman kung san tayo pupunta?"
"Hell yes!"
"Then stop chattering and just go out of your apartment"
"I ca---"
"NOW!"
And in an instant, my body snapped and I started moving. There, I saw him... Lub dub... A pound from my chest, again. What's with my body anyway. This has been happening lately.
"See? All you need is to get out of your apartment to know that I'm here and I'm escorting you to our date."
"Bat kasi di mo na lang ako diniretsyo. Dami mo pang paliguy ligoy"
"Where's the element of surprise if I'll tell you all about this? Besides, you want surprises like this right? Aren't you happy?"
"Happy? Happy mo muka mo. Tara na nga"
Tinawanan nya lang ako. Umangkas na ako sa motor nya.
~
"Buti di ako nagskirt"
"Buti talaga!"
"Eh pano kung nagpalda nga ako?"
"Aba, pababalikin kita sa apartment mo at pagpapalitin ka"
"Ayos ka rin eh no! Alam mo ba kung ilang oras ginugugol ko para lang maghanap ng damit na masusuot ko."
"Are you not considering things like your mode of transpo when choosing a clothe?"
"Im considering it, always! I was expecting na mag ca-cab na lang ako or grab kapag pumunta sa meeting place naten. Eh kaso, di mo naman pala ako sinabihan kung san nga ba ang venue"
"May oras ka para paghandaan ang isusuot mo pero di mo man lang naisip itanong sakin kung san tayo magmemeet? You're impossible Nee!"
"Tss. Balakajan"
"Hahaha. Oh ano, talo ka ngayon?"
"Hay ewan. San ba tayo pupunta ha?"
"San pa ba? Edi sa favorite restau mo"
"Favorite... Restau? Dont tell me..."
"Yes, tama ka. Kaya magrelax ka na dyan"
Little did he know that it isn't really my favorite restaurant. It "was" my favorite before. We used to date their, me and Arro. We made lots of memories. After breaking up with him, di agad ako makapag move on. Of course, Oca is always besides me, he will always comfort me. Tuwing nag aaya sya kumain, dun ko lagi gustong pumunta. That's why Oca thought that it is my favorite restaurant. Ngayon, pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko noon. Hays. Bat ba ang shunga ko.
"Hey, stop daydreaming. We're here"
"Daydreaming muka mo. Gabi na kaya"
"Daldal mo talaga. Ikou"
"Sabi mo namiss mo kadaldalan ko, tas ngayon magrereklamo ka"
Hindi na nga nya pinatulan ang huli kong sinabi at hinila na lang ako papasok sa restaurant.
"Do you have reservations, sir?"
"Yes, please"
"Your name sir?"
"Gelo"
"Okay, here sir"
At dinala na kami sa table namin. Bago pa man ako makaupo ay mabilis na lumapit si Gelo upang itulak ang upuan palapit sa akin.
"Wow, ang gentleman mo bigla ah"
"Gentleman naman talaga ako"
"Sus. Kelan pa?"
"Hahaha ewan ko sayo. Ikaw na nga tinutulungan dyan eh"
"Aba, sinabi ko bang tulungan mo ako? Ano tingin mo sakin, mahina? Kaya kong gawin yan mag isa no."
"But still, gusto kong gawin yon. Hayaan mong pagsilbihin kita ngayon"
"Ha! You sure?"
"Hmmmm..."
"Tss. Sabi na nga b---"
"Hahaha syempre sure ako. Binibiro lang kita"
"Whatever"
"Oh hahaha asar ka na naman"
"Mama mo"
"Mama kita"
"Aba talagang..."
"Hahaha"
Maya maya pa ay dumating na din ang waiter dala ang dalawang menu board. Mabuti naman at dumating na. Gusto ko ng kumain. Di naman sa gutom na ako, sadyang stressed na ako sa kulit nitong si Oca. Napatingin ako sa kanya at agad iyong binawi ng mahuli ko syang nakatitig din sakin. Lub dub... Eto na naman yung abnormal na paglakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba parang kinakabahan ako.
"Iniisip mo na naman ako. Tama na muna yan at pagkain muna ang isipin mo" pang aasar nya sakin
Aish. Mas lalo lang kumukulo ang dugo ko.
"Che" sambit ko
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagpili ng pagkain. Matapos umorder ay umalis na ang waiter.
"Powder room lang muna ako"
Minabuti ko na munang mag retouch since medyo nahaggard ako sa byahe namin, at idagdag mo pa ang kakulitan ni Gelo. Matapos makapag ayos ay bumalik na ako sa table namin.
"Wala pa yung pagkain?" I asked
"Kelan ka pa naging matakaw?"
"Nagutom lang, sobra ka naman. Matakaw agad?"
"Hahahaha kasi kasi. Hindi ka ba kumain?"
"Dinner hindi pa"
"Hmm aba mukang mauubos pera ka ngayon ah"
"Hoy, grabe ka talaga. Di naman ako matakaw eh. Gutom lang talaga ako kaya naghahanap na ng pagkain. Bukod sa wala pa akong dinner, buong araw din ako naglinis ng apartment tapos ang kulit kulit mo pa, nakakadrain ng energy!"
"Aba, be proud, sakin mo naubos energy mo. It's worth it then"
"Worth it mo muka mo."
Tinawanan nya lang ako sa sinabi ko, at muling naghari ang katahimikan...
Lub dub... Err... Okay? Bat kinabahan na naman ako? I feel uneasy. Parang di ako sanay na ganito kami ni Oca. I mean, we're friends matagal na. And paminsan minsan, lumalabas naman kami para gumala, kumain at kung ano ano pa. We're used to it. Im used to it. So bakit kinakabahan ako ngayon? Bat parang may iba? Parang may nag-iiba? Something's about to developed, and I'm not sure what it is.
"Nee, okay ka lang? Namumula ka yata?"
Bigla akong napatigil sa pag iisip at binalik ang atensyon sa aking paligid.
"A-aaah, wala wala."
Aaaaack. Bat ang awkward bigla
"Anyway, yung sasabihin ko pal---"
"Oh right, tama. May sasabihin ka nga pala sakin hehe. So ano yon?"
Sa sobrang kaba ko, natataranta na ako magsalita
"As I was saying, gusto ko lang magpasalamat sayo. That's why I'm treating you rin tonight, bilang pasasalamat"
"Kagabi ka pa thank you ng thank you. Eh di ko nga alam pinagpapasalamat mo dyan eh. Ano bang ginawa ko for you to be that grateful?"
"Ano, diba yung kay Kei. Tinulungan mo ako sa kanya"
"Kay Kei?"
"Oo, you made a plan para pag-ayusin mo kami diba? So thank you for your effort. Dahil sayo, ok na uli kami ngayon"
"Hayst, ilang beses ko ba maririnig na ok na
kayo?" Pabulong kong sabi.
Now this reminds me na ako nga pala ang naging tulay para magkabalikan sila. So bakit ganito yung nafifeel ko? Bakit parang ayoko neto? Diba dapat masaya ako para kay Oca? Well, maybe I wasn't expecting this lang talaga.
"Nani? Anong sinabi mo?"
"Ah wala wala. Sabi ko, I'm happy for you Oca. I'm happy that you're happy."
Sana all talaga happy, tss
"Oh eh bat parang ang lungkot ng tono mo?"
"Huh? Ako, malungkot? Hindi ah!"
"Ay sus, sakin ka pa ba magsisinungaling Nee? So just tell me, is there something that's bothering you?"
"No, I'm completely fine. Wag mo na ako isipin. At saka isa pa pala, sabi mo date to diba?"
"Uhm, yes, this is a date"
"Alam ba to ni Keila?"
"Hahaha yes, alam nya. Actu----"
"What? Alam nya to? At pumayag syang i-date mo ako?"
"Oh eh bat parang ang sama ng ginawa ni Kei? Well, as I was saying, she actually helped on planning this date. Remember the days I was busy with her? Eto yon! Pinaplano namin to!"
Wait, teka? Utak ko ba yung may mali? Why would Kei let Oca date me?
Lub dub...
Something snapped on my head. Suddenly, I remember what Oca said a while ago. This date is only for thanking me. Perhaps, only a friendly date? Hayst. Ano bang meron sa utak ko, bat binibigyan ko ng malisya to? We're friends, only friends. And friends can do this, right? Friends can date, tsk!
"Ok, gets ko na" I finally said
"Hahaha anong nangyayari sayo Nee? You seem to be out of this world hahaha"
Bago ko pa man patulan ang lalakeng to ay dumating na ang order namin. Syempre, bawal magsalita habang ngumunguya so ilang minuto ring tahimik yung paligid habang sabay kaming kumakain. Ang bigat na naman ng dibdib ko, hays
"Hmm?" - Oca
"Huh?"
"I heard you sighing. Ano ba talagang problema, Nee? C'mon, you can share it to me. We're best friends right?"
Tinitigan ko lang sya
"What? Ayaw mo bang magshare sakin Nee?"
"No! Hindi ganun. It's just that, I myself can't identify this heavy feeling. I just dont know"
He took another bite of his food and said
"Inom tayo?"
"Nani?" Nakangiti kong tanong. It's a rare chance na mag aya syang uminom.
"Mag bar tayo. Ya know. Just to shaken up your nerves. Baka mawala rin yang bigat na nararamdaman mo sa pag inom naten. Hindi naman naten need magpakalasing. Who knows, baka konting alcohol lang ang kailangan mo sa sistema mo para mawala yan."
"Hmm, wala naman mawawala kung itatry naten. Isa pa, kasama naman kita so I should not worry, right?"
"Yan ang gusto ko sayo Nee. Thank you for trusting me."
"So kelan?"
"Mamaya, kelan pa ba?"
"Huh? Mamaya? Baliw ka ba?"
"Aba, eh di ba nga kaya tayo iinom para mapagaan yang loob mo? Ayokong magstay ka sa state na yan. Ayokong tumagal pa sa dibdib mo yang bigat na yan."
"Ok fine, G na. Mamaya hahaha"
So ayun nga, after kumain, naghanap na kami ng bar na tatambayan.
~
Sa di kalayuan ay may bar din kaming natagpuan. Agad kaming nagtungo sa counter, umorder ng maiinom, at naghintay. I decided na makipag kwentuhan na rin muna kay Oca
"Sure ka bang iinom tayo? Naka motor tayo eh, pano tayo uuwi nyan?"
"Aba, mukang may balak ka magpakalasing ah. Hahaha dont worry, di ako iinom ng marami. Hahatid pa kita no"
"So, kwento ka naman. Ano nangyari nung mga nakaraang araw. Busy ka eh"
"Ah oo nga. Nagkaron kasi ng bagong project yung company. Ako yung team leader na naassign kaya ayon"
"Well, hands on ka talaga sa ganyan. Mapamaliit o malaking project, tinututukan mo"
"Ganun talaga, di lang naman ako nagtatrabaho eh. Im doing my passion as well"
"Naks. Pero akala ko, naging busy ka mostly because of Keila?"
"Because of Kei? Hahaha. Sa totoo lang, mabilis lang naman planuhin yung date naten. Siguro, ilang meet ups lang nagawa namin."
"Eh syempre bukod don sa pagpaplano, diba sabi mo you're starting to build your relationship na uli? So nagdidate na uli kayo?"
"Huh? What are you talking about?"
Sus, idedeny pa nga. Hays. Tama na nga to. Lalo pa atang bumibigat nararamdaman ko eh. Napalingon ako kay Oca na nakatingin sakin, gulat na gulat
"Oh bakit ganyan muka mo? Para kang nakakita ng multo. Ganda ko namang multo"
"Eh kasi, tinungga mo yung drinks mo. Kelan ka pa naging heavy drinker?"
Hala, di ko namalayan na tinungga ko pala to.
"Hahaha muka ka talagang problemado Nee"
"Kasalanan mo to eh"
"Huh, panong ako? Ano namang ginawa ko sayo aber?"
Isang baso na naman ang dumating. Agad ko tong ininom na para bang tubig lang ang tinutungga ko. Aaaaah bahala na. Gusto ko mawala na tong bigat na bumabagabag sakin.
~
"Nee, ihi lang muna ako ah. Sama ka?"
"Yuck, kadiri to. Anong sama ako? Baliw ka ba?"
"Hahaha, etoooo. Nag aalala lang. Baka kung ano mangyari sayo dito pag iniwan kita"
"Tss ewan ko sayo"
"Ang kyut mo talaga Nee!"
"Che, umalis ka na nga!"
"Sige, sandali lang ako. Behave ka dyan ah. Ingat sila sayo"
"Aba, sakin pa talaga sila mag iingat?"
Tumawa lang sya sabay alis. Kahit kelan talaga, pang asar yon
"Hi!"
A random guy said to me. Tinitigan ko lang sya saglit sabay irap
"I'm Darwin"
Hindi ko na lang sya pinansin pa. I saw him chuckle
"What's your name?"
Hays. I decided na sagutin na ang lalakeng to para matapos na ang kalokohan nya
"Why would I give you my name?"
"Well, I already gave mine. You should give your name back"
Napasinghal naman ako sa sinabi nya
"Porket binigay mo pangalan mo, dapat ko na ring ibigay yung akin? That's a stupid logic. To tell you, name is one of the most important information an individual could have. Kaya hindi dapat yon pinamimigay lang basta basta sa kung sino sino"
"Woah, matalino ka ah. I like it. Well, tama ka naman. Di naman talaga dapat pinagsasabi yon sa kung sino sino lang. But don't you think you're being rude? Pinagkatiwala ko sayo yung pangalan ko, so why would you not trust me your name?"
"Mister, sinabi ko bang ibigay mo sakin yang pangalan mo? For all I know, ikaw ang nagkusang magbigay nyan. It's your decision, and I'm not involve to that. And if you think Im being rude, so be it. I don't care if I'm rude. Now, get out of my sight."
I won't expect na lulubayan ako neto, kaya naman ako na lang sana ang magwawalk out. Pero nung tatalikod na sana ako, he grabbed my shoulder.
"Ano bang problema mo, ha? Pangalan lang naman hinihingi ko, ang arte mo ah!"
Aaaaaaaiiish. Naiinis na talaga ako dito. Ang sarap sapakin. Asan na ba kasi si Oca tsk tsk
"At ano rin bang problema mo? Wala kang pake kung ayaw kong ibigay ang pangalan ko sayo. Isa pa, you dont look trustworthy at all"
"Hindi mo ba ako kilala? Kakilala ko ang may ari ng bar nato! Any moment, kaya kong patalsikin ka dito!"
"Tss. Wala akong pake kung sinong kakilala mo. At wala rin akong pake kung palalayasin mo ako dito. Sa totoo lang, wala narin akong gana mag stay dito."
Sasampalin na sana nya ako nang biglang may mga kamay mula sa likod nya ang pumigil sa kanya.
"Stop messing with her! Kung ikaw, kakilala mo ang may ari ng bar nato, pwes ako, may kakilalang pulis! Gusto mo ipakulong kita?"
Binawi agad nya ang kamay nya, tinitigan ako ng galit na galit, sabay walk out. Hays. Atlast, matatahimik na rin ako.
"Ilang minuto lang ako nawala, gulo na inabot mo dito. Okay ka lang ba?"
"Pano mo nagagawa yan?"
"Huh? Ang alin?"
"Yung maging concern habang galit sakin!"
"Anong galit? Di ako galit no!"
"I can sense it from your voice"
"Ok, galit ako. Pero hindi sayo, ok?"
"Di ka galit sakin?"
"Hindi nga"
"Di ka galit na nakipag away ako?"
"Did you picked that fight?"
"Hindi!"
"Oh hindi naman pala ikaw nagsimula eh"
"Pero pinatulan ko parin"
"You know what, why would I be mad? Knowing na pinag tanggol mo sarili mo."
"Why do you sound so sad?"
"Naiinis ako sa sarili ko"
"Huh? Bakit?"
"Nee, sorry ah. Di kita napag tanggol. Di kita natulungan kanina. Wala ako sa tabi mo, right when you needed me the most!"
"Baliw ka ba? Kung di ka nga dumating kanina, edi nasampal na siguro ako non. Ay mali mali. Masasampal ko muna sya bago nya magawa sakin yon. Unang una sa lahat, I'm an independent and strong woman. Kaya ko ipag tanggol sarili ko. Tsaka, sakto nga yung dating mo eh. So stop that drama na di mo ako natulungan"
"Iiiih kasi. Dapat di na lang talaga kita iniwan. We're at a bar, tapos iniwan pa kita mag isa. Sino bang gago ang gagawa non?"
"Hahaha nakakatawa ka Oca. Alangan naman pigilan mo yung ihi mo diba. Tsaka hindi mo naman ako iniwan. Kung makapag salita ka naman, ni di ka nga lumabas ng bar eh. Nag cr ka lang, wag pong oa"
"Pero kahit na. Da---"
"Tama na, tama na. Tapos na eh. Nangyari na. At isa pa, wala naman nangyaring masama sakin diba?"
"Alangan naman hintayin ko pa na may mangyaring masama bago ko marealize tong mali sa ginawa ko?"
"Aba, ikaw ang nagsabi na mas important yung ending result diba? Ok naman tayo, walang masamang nangyari, tapos! Alam mo, ituloy na lang naten tong pag inom"
~
Ilang oras na kaming nandito sa bar. Hmm, pang ilang baso ko na ba to?
"Pang syam mo na yan, Nee!"
Aaah, pang syam na da---
Huh? Teka...
"Mind reader ka ba? Pano mo nalaman yung nasa isip ko?"
"Hahaha, ano bang pinag iisip mo dyan? I'm just reminding you na pang syam na yan. Baka naman may balak kang tumigil?"
"Aba aba. Ikaw nagyaya sakin dito tas ngayon pipigilan mo ako?"
"Hmmm, so ano? Nakakatulong naman ba? Gumagaan na ba pakiramdam mo?"
Hays, sa totoo lang, kanina pa ako inom ng inom pero wala naman talaga nangyayari. Ano ba kasi nangyayari sakin? Hmm, isip! Isip! Nagsimula lang naman tong mabigat na feeling na to simula ng dumating si Keila. Puro na lang si Keila. So ano, don't tell me nagseselos ako? Bat naman ako magseselos?
"Kanino ka nagseselos?" Tanong ni Oca sakin.
Hala, pano nya nalaman? Naririnig nya ba yung nasa utak ko?
"Hindi ko po naririnig ang iniisip mo. You're saying it out loud. Sabi mo, 'bat naman ako magseselos' na para bang kausap sarili mo!"
Oh shit. Kaya naman pala. Di ko namalayan na nabigkas ko na pala out loud yung iniisip ko. Ang bobo talagaaaaa!
"So kanino ka nga nagseselos? May lovelife ka na ba? Bat di mo sinasabi sakin?"
"Ha? Wala akong lovelife baliw."
"Oh eh ano yung sinasabi mong pinagseselosan mo? Yan ba yung dahilan bat lugmok na lugmok ka?"
"Alam mo Oca, wag mo na lang ako pakialaman. Dun ka na lang magfocus sa nililigawan mo!"
Hala, ang bobo na naman. Bat ko ba yun sinabi
"Nililigawan? Ako? Wala naman akong nilili---"
"Hay nako, tigilan mo na ako sa mga arte mong yan Oca. Wag ka na magdahilan. Bat ba ayaw mo pa aminin"
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala nga akong nililigawan eh!"
"Gusto mo pa atang makarating kay Kei tong pagdedeny mo."
"Kay Kei? Ano naman kinalaman nya dito?"
"Diba nililigawan mo sya? Sabi mo, napagdesisyunan nyong mag start na uli. Oh, ano yon?"
Ilang segundo syang nanahimik, nakatingin lang sakin, para bang may hinihintay syang sabihin ko. Maya maya pa ay di nya na napigilan
"Hahahahahahahaha"
Tumawa lang sya ng tumawa habang ako, inis na nakatingin sa kanya.
"Anong tinatawa mo dyan?"
"Hahahahahaha seryoso ka ba Nee?"
"Anong seryoso? Seryoso, galit na ako sayo! Tumigil ka na kakatawa, nagmumuka akong tanga"
"Eh kasi naman. Mukang na-misunderstood mo yung mga pangyayari"
"Alin?"
"Yung samin ni Kei hahaha. When I said we're starting again, it means we're starting as friends. Di na namin mahal ang isa't isa as partners. Hanggang pagkakaibigan na lang. Kaya we decided to became friends, at unti unting ayusin yung relationship namin, as a friend. We're not dating. Diba, I told you na na pinagplanuhan lang namin tong date naten. Yun lang yon. Wala ng iba hahaha. Wait, don't tell me yun yung pinagseselosan mo?"
"Whaa! Ofcourse not. Hindi nga sabi ako nagseselos diba?"
Seriously, they're not dating? Hahaha ang malisyosa ko talaga kahit kailaaaaaan. Pero in fairness, nawala na yung bigat. So si Kei talaga yung dahilan? Nagseselos ba talaga ako? Pero bakit?
"Nee?"
"Huh?"
"Are you inlove with me?"
Lub dub...
That question made me froze. My whole system stopped. Inlove? Me? Kay Gelo?
YOU ARE READING
Moving-On Mates
RomanceA complete soul can wholeheartedly love a broken soul, but a broken soul will never wholeheartedly love anyone. A broken man cant fix a broken woman, and vice versa