CHAPTER 2: THE NIGHTMARE"

8 0 0
                                    

The Nerd's secret

Chapter 2: "THE NIGHTMARE"

I was lying on the top of my bed while clicking my phone. Hindi na ako lumabas pa para mag dinner, sermun din naman uli ang ipapapalamon saakin.

While I am busy scrolling with my social media, there's a post suddenly caught my attention.

What the..... malapit na pala ang pasukan.

Mukhang walang balak si lolo na pag aralin ako. Dati kasi nung nasa elementary at high school ako, siya ang laging nag dedesisyon kung saan ako mag aaral.

"Sir, mag di-dinner na raw ho kayo" ani ng yaya namin.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kusa na akong bumaba, hindi ko na inaantay ang pag katok niya uli.

Naglakad ako pababa ng hagdan. Tahimik lang akong umupo sa nakasayan kong puwesto ng upuan ko.

"Okay lang po ba ang company, pa?" tanong ni mama kay lolo at na upo na rin ako.

Kinuha ko ang napkin saka inilagay sa hita ko para hindi matapunan ng pagkain. Dahan dahan lang ako sa pag sandok ng kain at ulam. Para akong magnanakaw na tahimik lang sa pagsandok ng pagkain para hindi mabalin ang atensyon nila saakin.

"May kunting problema pero pina-ayos ko na kay George"

"Sabihan mo nalang ho ako kung kailangan mo ho ng tulong" pag presenta ni mama pero hindi manlang siya pinansin.

Nabalin ang tingin ni lolo saakin. Halata kong may sasabihin siya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Henry, malapit na ang pasukan niyo"

"A-ah eh.... O-opo, lo...." nauutal kong sagot sakanya.

Ano na naman kaya ang balak nito? Wag lang sana ako pag aralin sa ibang bansa.

"Maghanda ka na sa bagong mong school. Alam kong ma didisiplina ka dun. Tignan natin kung hanggang saan yang tigas ng ulo mo" seryusong ani ni lolo.

Shuta naman!.....

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy parin sa pagkain.

Pagkatapos kong mag dinner, pumasok na uli ako sa room ko. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto para maglinis ng katawan maya maya.

Iniwan kong busy si lolo at mommy sa pag uusap tungkol sa company.

May problema kaya? Ayst, ano bang pake ko sa company nila.

Gusto kong magsikap at magpalago ng sarili kong business. Ayaw kong dumepende lang sa company ni lolo.

Humiga na muna ako sa kama ko. Hindi matanggal sa utak ko ang sinabi ni lolo.

Bakit kailangan ko pang maghanda? Ano kayang pinaplano ni lolo? Nakakapagod mag isip!.

Bumangon nalang ako at nagtungong cr para maglinis ng katawan. Gusto ko sanang bumalik sa bar kaso wag nalang. Mas mainam pang matulog sa ngayon.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, humilata na uli ako sa kama para matulog.

"I'll kill you!" sigaw ng kung sino.

Pinipilit kong aninagin ang nag sasalita ngunit 'diko manlang makita.

"Sino ka?!" pa sigaw kong tanong sakanya habang hinahawi ang naka harang na usok.

"Ikaw na ang e susunod ko bata. Ma swerte ka..... Pero dati yun. Hindi na ngayon" Nakakatakot nitong tinig pero di ako nagpatinag.

Ilang saglit pa may narinig akong malakas na putok ng baril.

"Henry, tumakas kana!" sigaw ng familiar na boses saakin.

Hindi, hindi pwede. Alam kong si daddy yun...

"Dad! Nasaan ka!" sigaw ko sa kawalan.

Bakit tanging boses lang ang naririnig. Puro usok.

"Umalis kana! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw uli nito saka umalingaw-ngaw ang pangalawang putok ng baril.

"Daddy!" sigaw ng isang bata.

Tumakbo ako papunta sa narinig kong putok ng baril. Bumungad saakin ang isang duguan na lalaki.

It was dad....

"Umalis na tayo pre. Baka may makakita saatin" sabi ng isang lalaki, malamang ang bumaril kay daddy.

Hindi ko makita ang mukha nila. Naka suot sila ng itim na helmet sa ulo.

"Daddy, don't die!" sigaw ng isang bata.

Nabalin uli ang atensyon ko sa bata. Tahimik akong lumapit sakanila at hinawakan ang braso ng bata. Pero hindi manlang ako nito naramdam at di tinapunan ng tingin.

Nataranta ako at napa antras ng maaninag ko ang mukha niya.

It was me......

Ako ang naging dahilan ng pagkamatay ni daddy. Ako ang may kasalanan.

"Daddy, please wake up. I'll bring you to the hospital" pag susumamo ng bata.

Wala akong nagawa kundi ang ma iyak. Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo ko. Hindi sana mamatay si daddy.

"Anak, wag kang umiyak. Daddy will be alright" he caugh.

Kitang kita ko ang dugo mula sa bibig niya.

"Dad!"

Ilang saglit lang nalagutan na ng hininga si daddy.

"Daddy!!!" sigaw ko.

Napabalikwas ako sa kama ko.

Panaginip, napanaginipan ko na naman si daddy.

Alam kong hindi pa niya matanggap ang pagkamatay niya lalo na't hindi pa nahuhuli ang pumatay sakanya.

"Don't you worry dad. Ako ang maghahanap ng hustiya ng pagkamatay mo" I said and wipe my tears.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE NERD'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon