"Tignan mo 'yang eyebags mo, jusko! Puyat kasi ng puyat, punta pa ng punta sa club tapos anong oras na uuwi! Paano ka kukunin nila Direk n'yan?!" sermon ni Mama.
Padabog akong sumandal sa back seat ng kotse ni Papa habang s'ya ay sinesermonan ako. Kagagaling ko lang sa school at sinundo nila ako dahil sa bahay ako ni Mama matutulog ngayon kasi may audition pa ako bukas.
Hiwalay na ang mga magulang ko simula pa noong limang taon palang ako dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Noon pa man ay hindi nila sinabi sa akin 'yun pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naiwan ako sa puder ni Mama kung mas mayaman naman si Papa.
AP teacher sa elementary si Mama habang si Papa ay tagapag-mana ng hotel businesses ng mga magulang n'ya. Maayos naman sila sa isa't isa tuwing naroon ako kaya mas mabuti na 'yun.
"May concealer naman," bulong ko.
"Ano 'yang nasa ilong mo?! Tigyawat ba 'yan? Jusko, Veronica naman!" sermon n'ya pa habang nakatingin sa'kin gamit ang rear view mirror.
"Anong gusto n'yong gawin ko? Sabihin ko 'wag sila tumubo ganoon?" umiwas ako ng tingin.
"Oh, tignan n'yo 'yun." biglang sabi ni Papa habang nagda-drive at tinuro ang billboard na nasa harapan namin.
"Anak ng tinapa!" reklamo ni Mama.
Sumilip naman ako doon at nakitang may bago nang endorser ang clothing brand na in-endorse ko last year. Ako pa nga ang nasa billboard na 'yan noong mga nakaraang buwan pero ngayon ay napalitan na.
"Kailan pa 'yan, Erwin?" tanong ni Mama kay Papa. "'Diba ang sabi mare-renew 'yung kontrata ng anak mo?"
"I don't know, you're the one dealing with them." sagot ni Papa.
Huminga nalang ako ng malalim at sumandal ulit. Bata palang ako ay pinag-aartista na ako ni Mama, siguro kahit first year college palang ako ngayon ay higit pa sa isang libong auditions na ang naranasan ko. Kahit na kasali ako sa kiddie sit-com noon, naging extra o nagkakaroon ng cameo sa mga teleserye at pelikula ay hindi pa rin ako mainstream celebrity kagaya ng gusto ni Mama.
Kung ako lang ay hindi ko naman talaga 'to gusto e. Ang gusto ko ay mag-negosyo, kaya nga accountacy ang kinuha kong course pero dahil si Mama ang masusunod ay hinahayaan ko s'yang gawin akong artista dahil 'yun ang parati n'yang sinusumbat sa akin na kung hindi daw sana ako dumating ay naging artista s'ya.
"Go to your room so she won't get mad at you anym-"
"Tignan mo na, Veronica!" putol ni Mama sa bulong sa'kin ni Papa nang makapasok kami sa bahay n'ya. "Hindi kana nila kinuha ulit palibhasa kasi babagal bagal ka! Hindi mo ginagawa 'yung best mo!"
"Ginagawa ko naman, hindi mo lang naa-appreciate." bulong ko at umupo sa sofa.
"Hoy, anong sabi mo?!" galit na tanong sa'kin ni Mama.
"Uh- Sunshine, 'diba may takeout tayo sa kotse, kain na muna tayo!" pag-iiba ni Papa ng topic.
"Veronica, akala mo ba in-demand ka habang buhay?! Tignan mo nga, ni wala kang project puro endorsement kana nga lang, nawala pa 'yung isa! Tapos imbes na nag-reready ka sa audition mo bukas, cellphone ka ng cellphone!" pagpapa-tuloy ni Mama.
"Kung gusto nila ako, kukunin at kukunin nila akong bida." sabi ko.
"Mabuti pa kumuha nalang tayo ng ice cream para hindi na maiiinit 'yang ulo n'yo, masaya 'yun! Wait lang," pigil pa sa'min ni Papa.
"How the fuck are they going to get you?! Ni hindi mo nga ginagalingan sa audition! Alam mo bang ang daming nag-susulputang mas magagaling at magagandang artista?! Bobo!" sigaw sa'kin ni Mama dahilan para mapatingin kami ni Papa sa kan'ya.
YOU ARE READING
Sorry I Left (Dream Series #6)
Teen FictionDream Series 6 In a family of businesswoman and businessmen, Jasper took a different path and studied Legal Management. While living with his family's expectations on him she met Nica, an accountancy student that never really knew the concept of 'lo...