Chapter 2

3 1 0
                                    

"Picturan mo nga ako," utos ko kay Kira habang nasa speed boat kami papunta sa private island nila Andrei. 

Naka-suot ako ng teal green two piece at pinatungan ko ng maong short na hindi ko na binutones dahil pagdating naman namin sa island ay lalangoy din naman, para mabilis. Si Addie ay naka-black two piece at designer bucket hat ang naka-ipit na buhok, walang cover up habang si Tily ay naka-tank top at pink bikini bottom at nag-suot ng blue and yellow bucket hat ni Lexi para daw matchy sila ni Addie. 

Si Evie naman ay floral blue two piece at may large scarf na cover up, si Lexi ay naka-white plain two piece, wala ring cover up pero nag-suot ng kwintas at sunglasses para cute daw habang si Kira ay purple two piece at oversized white button up polo ang pang-cover up. 

"Oh pak, liyad pa mhie!" utos ni Kira habang pini-picturan ako. 

"Gaga! Matagal pa ba 'yan?" tanong ko dahil kanina pa n'ya ako kinukuhanan ng picture, ang init na kaya! 

"Kaunti nalang!" 

"Nakaka-offend, 'di n'yo man lang ba kami isasama?" tanong ni Harry nang makita kami. 

Busy kasi silang mga lalaking nagsa-sight seeing doon sa dulo ng boat habang kami ay naka-tambay sa gitna kung nasaan ang mga upuan para dito mag-picture. Pumunta nalang din kami doon at inabot ni Lexi ang tripod at selfie stick kay Jasper dahil s'ya ang pinaka-matangkad sa lahat kahit na kaunti lang naman ang agwat nila sa isa't isa. 

Napa-titig naman ako agad kay Jasper dahil wala s'yang top at naka-suot lang ng blue shorts habang may black sunglasses na suot. Ngayon ko lang narealize kung gaano s'ya ka-fit, siguro ay dahil kailangan din sa trabaho n'ya. 

Model kasi s'ya simula bata pero mas naging in-demand s'ya nang mag-binata dahil nag-focus s'ya sa pangangatawan n'ya. Elementary palang ako ay kilala ko na s'ya dahil schoolmates kami pero noong high school n'ya lang ako nakilala dahil marami na kaming mutual friends at simula noon, may gusto na ako sa kan'ya, 'yun nga lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin o kung sasabihin ko pa ba. Nakakahiya e. 

"Hoy, Nica, tulala ka nanaman." sabi sa'kin ni Tily dahilan para bumalik ako sa katauhan. 

"Sorry, oh game na." tumawa ako at tumingin sa camera. 

"Alam naman naming crush mo si Jasper pero 'wag ka naman pahalata." bulong sa'kin ni Evie, nang-aasar. 

Natawa naman kaming lahat nang saktong mag-burst ang camera ay sinuotan ni Addie si Harry ng pink cowboy hat kaya nang makita namin lahat ng pictures ay para kaming nanonood ng slow mo video kung paano isuot ni Addie at makita namin hanggang sa tawa kami ng tawa. 

"Matagal pa ba byahe?" tanong ni Edward nang matapos kami mag-picture. 

"A little, we're almost there." sagot ni Andrei. 

"Kantahan mo nalang kami, Caleb, 'diba dala mo gitara mo." suhestiyon ni Harry. 

"Bobo ka," sabi ni Addie. 

"Dude, the boat's noisy how are you gonna hear me?" Caleb laughed. 

"Okay lang 'yan beh, picturan mo nalang kami." sabi ni Kira at inabot kay Harry ang phone bago tumabi kay Andrei. 

"Ay, kami din!" sabi ni Addie habang magka-hawak ang kamay nila ni Michael. 

"Ulol, doon nga kayo." ngumiwi si Harry. 

"So noisy," reklamo ni Lexi habang nakaupo sa isang gilid at nagso-scroll sa cellphone, pumikit pa s'ya na parang naiinis. Ang init talaga ng dugo nito kay Harry, jusko! 

"Lex, 'di kaba mahihilo d'yan?" tanong ni Jasper. 

"I don't really care." she shrugged. 

He chuckled before sitting beside me because that was the only available seat and I know as heck that my friends had something to do with that. Okay lang, galing nila in fairness! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sorry I Left (Dream Series #6)Where stories live. Discover now