Chapter 10

26 1 0
                                    

Karlos' POV

Pa-type na sana ako ng "Wag ka na tumawag" eh tumawag na sya. Sinahot ko na lang.

"Hello!" Sabi ni Terens

"Uhm, hi." Sagot ko

"Bro, sino yan? Bagong chicks? Haha! Nagreply na ba si Terens? Ano sabi? Haha! Di kase nagrereply sakin eh." Naku patay. Kris naman eh >_<

"Wait, was that Kris? Pinagtitripan nyo ba kong dalawa, huh?!"

"Uy hindi ah!"

"Karlos, yung totoo! Umamin ka nga! Di ako nagbibiro!" Sigaw ni Terens sa cellphone. Makabasag eardrums lang.

Sumenyas ako kay Kris na si Terens yung kausap ko at nagalit sya. Pahamak talaga yung mokong na yun!

"Uhm oo. Magkasama kami...." Sagot ko.

"So pinagtitripan nyo nga talaga ako? Ge bye!"

"Te..." Binaba na nya yung phone.

"Bwisit ka bro!" Sigaw ko kay Kris.

"Eh malay ko bang tumatawag na!"

"Kasi naman eh!"

"Hay nako. Hamuna!" Bwisit talaga 'to.

GALIT NA SI TERENS! Tinext ko sya.

*Ey!

Pero walang reply. Pfft

*Di ka naman namin pinagtitripan eh."

After 5 minutes, wala pa ring reply.

*Hindi naman namin sinasadya kung parehas ka naming mahal eh. Hindi naman namin sinasadya kung gusto naming malaman kung sino ang gusto mo sa aming dalawa. Sorry na. Sorry talaga.

*Ganun? So, nababasa nyo yung mga text ko sa inyo? Parang nakakainis naman yun. Sa susunod kasi na gagawa kayo ng kalokohan, siguruhin nyong hindi kayo mahuhili!

PATAY! Galit na si Terens talaga. Tapos nasabi ko pa na parehas namin syang gusto. Padaskol-daskol kasi ako masyado -_- Kailangan ko syang makita nang personal. Worst day ever! Waaaaah >_<

Kris' POV

Nakakainis naman! Nagalit pa lalo sinTerens sakin >_<

"Bakit ba kase di mo sinabing tumawag si Terens?!"

"Ewan ko sa'yo! Kabad trip ka pre! Lumabas ka nga sa kwarto ko!"

"Lumabas ka sa bahay ko!" Tae nakakaasar 'tong lalaking 'to ah!

ExpiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon