*Kinabukasan*
Same, aga ko pumasok. 6 am ulit. :"""""""> <--- Mga mukha ni Claire at Gail. Pano ba naman kasi yung mga crush nila, paparating. Puro lovelife inaatupag nila, enebenemen yen! Tss... Ako? Eto, puro friendlife at familylife, inshort, WALANG LOVELIFE. Sila inspired, ako, EXPIRED. Silakinikilig, ako hindi. Marami naman gwapo sa school pero sadyang di sila yung type ko. Oo, may pagkachoosy ako pero di naman lagi. Sinasabi tuloy nila, ABNORMAL daw ako -_- Kasi diba ang love, dumarating yan nang kusa. Kusa mo yang mararamdaman. Bakit sadyang di ko lang talagang maramdaman? Why? Why ganon? Psh.
"Terens!" Ginising ako ni Claire sa pagkakatulala ko. Mga 5 minutes din pala yun.
"Oh?" sabi ko
"Ano ba iniisip mo?" Tanong niya
"Oy, wala ah!"
"Palibhasa kasi, wala kang lovelife!"
"Shattap! Atleast matalino!" Palusot.com >_<
"Palusot!" Asar ni Claire
"Tara na nga sa room!" Sabi ko sabay hila sa kanya
Ayown, kami lang ulit tao sa room, kelan pa ba nagkaroon? -_- Tas dumating si Kris. Awtsuuuuuu.
"Uy!" Sabi ko
"Uy."
"Uyyyyyyy!"
"Uy."
"Ano!" Sigaw ko
"Wala!"
"Nagtext ka ba kagabi?" Tanong ko
"Di ah"
"Ah, ge. K"
Kris' POV
ANG TORPE KO! Yan ang katagang umiikot sa ulo ko. Pano ba naman kasi NGSB ako. No Girlfriend Since Birth. Nyay! Hanggang crush lang. Pero mahirap din. Madami ngang magaganda dito pero di naman sa kagandahang panlabas yun eh! Sa kagandahan ng loob! Pero torpe pa rin ako eh, that's the point! -_-"
Bakit ba di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko?! Crush lang ba o mahal ko na si Terens? Can't believe na sya pa ang magiging crush(?) ko. Pano ba naman kase, two days pa lang kami magkakilala, inlove(?) na agad ako. Bilis naman >_< Isang big question pa rin talaga ang nararamdaman ko para kay Terens.
Natapos na yung klase namin kaka-day dream ko. 10:00 am lang uwian namin. Aga no? Dapat pala, di na lang ako pumasok. Kaso di ko sya makikita eh. Awtsu, corny.
"Uy, tulaley! Haha!" Boom, si Terens!
"Oh?"
"Text mo ko mamaya"
"Wala akong load!" Palusot.com para di nya malaman na ako yung taong nainlove sa kanya. OO, AKO YON!
"Eh ganyan ka naman eh!" Wag ka magtampo, Terens mylabs! xD
"Paloadan mo ko?" Joke joke joke
"No thanks! Haha!"
"Do you expect me to laugh now?" Uy, nosebleed
"Ewan ka sayo! Dyan ka na nga! Hmp"
"Uy, teka" pero di ko na sya nahabol. Wew
Yung feeling na nabara mo yung crush mo >.< Text ko na nga lang sya.
*Hey!
*Kaw nanaman?! >_< Badtrip ako ngayon!
*Ayaw mo ba?
*Kasi, don't talk to strangers!
*Di naman ako stranger ah? Ba't ka nga pala badtrip?
*Di mo kailangan malaman!
*Pag sinabi mo sakin, sasabihin ko kung sino ako!
*Yown, okay. Ganto kase yan, nabara ako nung crush ko bago mag-uwian >_< Nakakainis T^T O, sino ka ba?!
WUT? Nabara? Crush nya? Bago maguwian? Enebeyen! Torpe na, assuming pa >_< Umayos ka nga Kris!
*Ah ganon? Kbye!
*Woy, sino ka?! Napakadaya mo!
Crush ba nya ko? Ay nako, nagassume na naman ako. Siguro nung nagpaulan ang Diyos ng kalakasan ng loob natutulog ako. So torpe. Tae >_______<"
Dito muna ko sa balcony, isip isip. Senti senti. Tas nagtext si Terens. Kilig kilig. Ako lang yata ang lalaking napapasigaw sa kilig. Yung iba kase, pangiti-ngiti lang eh.
*Still there?
*Oo naman! Humihinga pa!
*Lol
*XD
-End of convo-
Ugh! TORPE! Ba't ba kase may torpe pa sa mundo?! At isa ako sa kanila. Hay, kapogi-pogi ko daw, torpe naman ako. Inaasar tuloy ako ng Torpedo. Ashu.
AN: Yay! Napahaba yata tong chapter na 'to XD Bumawi, maikli kasi ang 4b. See yoy on Chapter 5! :)
BINABASA MO ANG
Expired
JugendliteraturHanda ka na bang magmahal? yung tipong may dalawang lalaki sa buhay mo.. yung pareho ka nilang minamahal tapos.. . . . .... . . HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG PIPILIIN MO SA KANILANG DALAWA </3