Tinulungan ko si Mama na mag lagay ng mga pinamili sa likod ng tricycle. Pagtapos ay 'yung maliit na eco bag kung saan naka lagay 'yung mga sabon ay inilagay ko sa loob kung saan kami kami nakaupo ni Elle.Nauna siya pumasok sa loob at sumunod ako.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang tumingin sa paligid ko, kahit na malapit ito sa palengke ay hindi ito ganoon kakalat. Hindi tulad ng sa iba na may mga nakakalat na supot ng mga chichirya at mga gulay.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay may nakita akong Ice Cream parlor at ang katabi noon ay flowershop.
"Ate, Ice cream parlor, oh!" turo nito
"Nakita ko na."
Mga tatlong minuto nakalipas ay nasa tapat na kami ng bahay, tumulong si kuyang driver mag pasok ng mga pinamili namin sa loob at inabutan na lang siya ni mama ng pang miryenda.
Inuna kong kuhain 'yung mga karne at isina-lansan sa freezer, at 'yung mga gulay naman ay sa pinaka ilalim no'n habang si Mama naman inaayos 'yung mga noodles at delata. 'yung isa naman sa mga sabon nag ayos.
Habang nag-aayos ay hindi ko mapigilang mag tanong kay Mama, ang dami ko rin tanong sa kaniya. Kung bakit pa kami lumipat, kung bakit alam na alam niya mga pasikot-sikot dito sa lugar.
At kung bakit ilang buwan na siyang hindi pumapasok.
"Ma," pag tawag ko dito lumingon naman ito sakin ng nakataas ang dalawang kilay.
"Ano 'yon?" tanong nito.
"Bakit nga po pala tayo lumipat ng bahay? Sayang lang 'yung pera na gagastusin mo rito." tanong ko rito nang may pagtataka. "May sarili naman po tayong bahay, at saka isa pa po pala, bakit alam mo po 'yung pasikot-sikot sa lugar na 'to?"
"Hindi ko naman ito binabayaran, sa tito Lester mo itong bahay na ito. Nag abroad na ulit kasi siya. At saka para rin may dagdag income tayo, pinaupahan ko 'yung dati nating bahay." sagot naman nito
Ah. 'yung about naman pala sa trabaho niya.
"Eh, Ma 'yung sa tra-" itatanong ko na sana nang biglang may nag doorbell kaya napalingon kaming dalawa roon.
"Ay sandali." nag punas pa ito ng kaya at nagmamadaling binuksan ang pinto.
"Frenyy!" rinig ko ang ingay ng babae pero hindi ko na iyon tinignan kung sino.
"Freny?!" gulat na tanong ni Mama. Lumabas naman ako ng matapos at nakita ko iyong babaeng mukhang mga nasa kaka-trenta palang ang itsura. "Hoy anong ginagawa mo rito?"
"Na miss ka malamang, nabalitaan ko kasi lumipat na rito 'yung abnoy kong freny, that's why!" masayang pang-aasar naman ng kausap niya.
Napa iling ako sa ingay ng dalawang magkaibigan na akala mo ay mga batang mag barkada lang kung mag-usap.
"Omy! Are they my Goddaughter na ba?" nakangiting tumingin ito sa amin. "Ang gaganda, ha." sinuklian na lang din namin ito ng ngiti.
"Ay oo, nako asahan mo na. Ako ang nanay, eh." Nag tawanan namin sila, habang kami ni Elle ay naka-ngiti lang. "Ito si Clementine, mag dedesi nuebe na 'yan." pag papakilala sakin ni Mama.
Lumapit naman agad ako sa kaniya at inabot ang kamay niya para mag mano. Ngunit binawi niya iyon.
"Nako nakaka tanda naman 'yan." lumingon ito kay mama at nag tanong. "to ba 'yung inaanak ko? Ang tangkad." papuri nito natawa naman ako. "Nako, ang ganda mo naman."
"Salamat po." ngiti ko rito. Inborn.
"Ito naman si Chanelle, desi-sais." pakilala naman ni Mama kay kay Elle. Bumaling ito sa amin. "Tita Audree niyo, highschool friend ko." lumapit naman ang naka babatang kapatid ko at nag mano rin gaya ng ginawa ko.
"Nako ang cute-cute mo, medyo kasing edaran mo 'yung anak kong lalaki. Nako, pakikilala kita roon gwapo rin 'yon!"
"Nako Audree! Huwag 'yang mga anak ko, sasabunutan talaga kita!" pag tataray ni Mama sa kaniya, "Cleya, mag luto ka ng pwedeng miryendahin." utos nito sa 'kin. "Elle, samahan mo ate mo."
"Opo." tumungo kaming dalawa ni Elle sa kusina para mag handa ng miryenda.
"Kikiam na lang ate, pati 'yung fries." suhestiyon nito.
"Mag pakulo ka na ng tubig pati mantika, gusto ko ng Nissin Carbonara."
Ginawa niya naman 'yung sinabi ko habang ako ay nilabas na 'yung lulutuin at ibinabad sa tubig.