1

3 2 0
                                    

Terrence's POV

Habang hinahanda ko ang sarili ko para sa pasukan, nakita ko mula sa salamin si Inay na nakasandal sa pinto ng kwarto ko. "Anak, nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa iyo." Sabi niya na may nag-aalalang mukha.

Lumapit ako kay Inay at niyakap siya ng mahigpit. "Huwag po kayong mag-alala Inay, magiging okay lang po ako." Pagpapakalma ko sa kanya.

Kahit naman hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin sa paaralan. Naging puntirya na ako ng mga bully mula elementary hanggang college dahil sa makapal at pangit kong salamin.

"Mag-transfer kana kaya, anak?"

Umiling ako sa payo niya. "Inay, huwag ka na pong mag-alala. Kahit pa mag-transfer po ako sa ibang paaralan, hindi ko maiiwasan ang mga bully." Inalis ko ang kunting hibla na tumatakip sa noo ni Inay at hinalikan ang kanyang noo. "Magtiwala po kayo sa 'kin, Inay. Hindi ako uuwing sugatan, at may pasa. Pangako."

Hinawakan ni Inay ang kamay ko at hinalikan ito. "Mag-iingat ka."

Tumango ako at isinukbit sa balikat ang bag ko. "Opo. Alis na po ako, baka malate pa ako." Paalam ko sa kanya at bumaba na.

Nang makalabas ako sa bahay ay nakatungo akong naglakad sa daan papunta sa paaralan.

Masakit sa puso na makita si Inay na nag-aalala. Masama iyon sa puso niya lalo na na tumatanda na siya. Ayokong mapadpad na naman siya sa ospital kaya ako nagsisipag sa pag-aaral upang makabayad sa lahat ng nagawa niya sa akin. Ngunit nabigo ako, dahil sa pagkakamakasarili ko ay bumagsak ako at umulit ng 1st year. Dahil doon, ako ang magiging puntirya ng mga bully.

Mahirap tanggapin na isa kang honor student tapos bagsak ka. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Batid kong dinaya ng isa sa mga bully ko ang kanyang ina na professor na ibagsak ako. Gusto ni Inay na ireklamo sila sa dean pero hindi kami makapagreklamo sa dean kung wala kaming pruweba.

"Good morning, Rencee!" Napabaling ako sa likuran ko upang makita si Mia, kapwang nerd ko, na kumakaway sa akin.

Nang makalapit na siya ay sabay kaming naglakad. "Maganda ba morning mo?" Tanong niya sa 'kin pero hindi ako sumagot.

Kinakabahan ako. Ilang metro nalang ay mararating na namin ang paaralan. Baka salubungin ako ng mga bullies dun na nakakakilala sa 'kin.

Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong akbayan at nakangising nagsalita. "Don't worry, my fellow nerd. Baback-upan kita. Kung gusto mo bugbugin ko sila lahat."

Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Sa liit mo, maaabot mo ba ang mukha nila?"

"Ouch!" Daing niya at saka nagpakunwaring sinaksak ko ang puso niya. "You're so mean." Drama-drama niya naman na hindi ko nagustuhan.

"Napaka-melodramatic mo." Inismiran ko siya bago nauna sa paglalakad.

Kahit ganun siya kakulit, mahal ko yun na parang kapatid ko. Freshman siya sa school ko at last week ko pa siya nakilala nung nahanap ko ang nawawala niyang aso. Buti naman at pareho kami ng course pero iba-iba ang schedule namin.

Humabol siya sa akin. "Aba, aba, aba. Hindi ako nag-iisa." Pang-aasar niya.

Inilayo ko ang mukha niya at masungit na nagsalita. "Huwag mo nga akong asarin, Mia. Wala ako sa mood makipagkulitan sa 'yo."

"Terrence naman e." Parang batang aniya at hinala ang laylayan ng damit ko na muntik ng mapunit dahil sa kalumaan.

Pilit kong inalis ang kamay niya sa damit ko pero parang tarsier na tumingin si Mia sa 'kin ng makarinig kaming pareho ng malutong na pagkapunit.

My Beautiful Nightmare Where stories live. Discover now