ⅲ.

1 1 0
                                    



Kinabukasan, pinagpatuloy lamang ni Raine ang mga nakasanayan, pumasok sa school, mag-aral, at iwasan ang kanyang ‘mga kaibigan’ sa buong maghapon.

The afternoon came, indicating that they could go home, but Raine just remained standing on the side of the road even when the driver called her to pick her up.

“I didn't wish this kind of life. We're not the family that I knew before. And I'm not the same anymore,” bulong niya sa kanyang sarili.

Nang maka-uwi siya ay nadatnan nya ang kanyang magulang sa sala na nagsisigawan ng dahil sa pera.

Hindi na bago ito kay Raine at tahimik na pumunta sa kusina para uminom ng tubig bago pumanhik sa kanyang kwarto.

Inabot sya ng gabi sa pagre-review ng mga aralin para sa exam nila kinabukasan.

Iniligpit nya ang kanyang mga gamit at humiga na sa kanyang kama.

Inalala nya ang mga panahong masaya siya.

Nagagawa nya ang normal na gawain ng isang teenager dahil sa kanyang lolo.

Ang lolo nya ang naging kakampi nya sa tuwing inaapi sya ng mundo, nagagawa nyang magdesisyon ng para sa kanya dahil walang magawa ang magulang nya kapag ang lolo na niya ang nagsalita.

Ngunit parang may galit sa kanya ang mundo at kinuha ito ng maaga sa kanya.

How I Wish I Was Different Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon