chapter 7

68 1 2
                                    

Kathy’s POV

Nagulat ako.. andito si JULIA?

At parang nagulat din sya na nakita nya ako..

“hi Julia.. good afte---“

“anong good sa afternoon kung pinaghintay ka ng boyfriend mo sa loob nang..” at sinubukan nyang magbilang gamit ang mga Daliri..

Tumayo si DJ.

“babe.. sa labas na tayo mag-usap. Walang kasalanan si Kath”

“bakit sya ang kasama mo dito? Di ka ba nahihiya? Ilang kotse---“

Di na natapos ni Julia ang sasabihin kasi tinakpan na ni DJ yung bibig nya..

“Kath.. aalis kami sandali.. babalik ako. Sandali lang.”

“ha? Ok lang.. mag-usap kayo.. ok lang talaga ako..”

Alam ko na lahat.. wag kayong mag-alala..

“hindi. Ihahatid kita.”

At umalis na si DJ.

Kung ako yung dating Kath.. yung wala pang alam.. malamang… kahit abutin ng bukas.. maghihintay ako.. pero dahil hindi na ganun ang sitwasyon..

Aalis ako..

Pero may napansin ako sa table..

Ang Purse ni Julia!

“asan ba ang dalawang yon?”

Naglakad-lakad ako sa mall..

Haaaaaay.. nakakapagod. Nagugutom na naman ako..

Hindi ko alam kung paano pero narrating ko ang Parking lot..

Napansin ko ang isang lalaki na akmang yayakapin ang isang babae..

Lumapit ako ng kaunti..

At confirmed..

Sina DJ at  Julia nga…

“ikaw.. mahal kita.. sorry na.. pustahan lang talaga yon”

Napahinto ako..

Nangingilid na naman ang luha ko..

“ilang kotse ba ang makukuha mo sa larong yan? Bibilhan kita”

Mabuti pa nga Julia.. bilhan mo sya.. para tumigil na..

Ang sakit na DJ.. bakit? Anong ginawa ko sayo para gawin mo to???

“masarap yung pinaghihirapan”, nakangiting sabi ni DJ kay Julia.

At nanggaya pa sya ng linya..

“naghihirap? Parang masaya ka naman.. ang saya mo kanina..”

Drama lang. Drama.. I hate you DJ! I hate you!

“iniisip ko kasing.. ikaw ang kasama ko.. sorry”

At hinalikan ni DJ si Julia..

Sa puntong to..  naramdaman kong nanginginig ang tuhod ko..

Alam ko naman eh..

Pero masakit pa rin talaga pag naririnig mo ng paulit-ulit..

“uwi na tayo”, sabi ni Julia.. at sumakay na sila sa kotse ni DJ.

Sabi ko na..

Di nya ako babalikan..

Mabuti na lang hindi ako nag.tanga-tangahan.

my one and only big love  *.*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon