Kyle's pov
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nya pang ipagkalat na mahirap lang ako... akala koba ok na kami ni kristine dahil nagsorry na sya sa akin nung nasa hospital pa kami pero bakit kailangan pa nyang sabihin sa mga kaibigan nya!! Hindi ko tuloy mapigilang maluha kanina ang sakit!! Bakit sya ganon! Pakiramdan ko napakababa ko! Para akong sinampal ng isang daang mura! BAKIT! BAKIT KRISTINE! BAKIT MO BA AKO PINAHIHIRAPAN!!
....
Tapos na ang shift ko kaya kailangan ko ng magpaala aa manager namin..Sir! Una napo ako!!-kyle
Wait kyle! Lumapit ka muna dito..-manager
Bakit po sir?-kyle
Ibibigay kolang tong sweldo mo at yung bonus mo dahil nakita ko ang kasipagan mo nitong mga nakaraang buwan
Sabay abot ng isang sobreTalaga sir? Nako salamat po!! Maraming maraming salamat po!! Kailangan kopo talaga ngayon ng pera! Salamat po sir!-kyle
Oh baka maubos na yang salamat mo,magtira ka naman baka mamaya di kana magpasalamat sa susunod haha!-manager
Salamat po talaga! Sir!
At lumabas na nga ako sa office ni sir...
Yesss!!!! Sa wakas naka sweldo na ako!!! Yes!!! Whooo!!!!...
Tuwang tuwa ako hanggang sa paglabas ng pizza parlor na pinagtatrabahuhan ko dahil sumahod ako ngayong buwan ng 10,000 sa wakas may pambayad na ako kay ms.DC at sobra pa!! Bale 14,000 na ako!! Yes may panggastos na ako ngayong buwan!!....
9:56PM
Kristine's pov
2 hours na akong naghihintay kay kyle, kanina pa ako dito sa kotse eh! bakit ba ang tagal nya? Baka nagover time? Napakasipag naman ng taong yun! Baka dahil sa kasipagan nya mapano na sya!Huh? Ayan na sya!! Sa wakas!!
Bakit ganon? Bakit parang tuwang tuwa sya? Ano kaya ang nanggyare?....
Sinusundan kolang ngayon si kyle gamit ang kotse ko habang naglalakad sya.. ng may madaanan siyang isang bata at matandang pulubi... saglit siyang tumigil dito at ilang sandali pa ay dumukot sya sa kanyang bag ng dalawang maliit na box ng pizza..Oh eto po.. pasensya napo kayo eto lang ang maibibigay ko sa ngayon lola... at nga pala toto oh bumili kayo ng maiinom ng lola mo..
Sabay abot ng 200 peso bill..Salamat iho napakabait mo talaga..lagi mo kaming binibigyan ng makakain maraming salamat iho..
Nako ok lang po yun lola! Basta po ang mahalaga eh nabubusog kayo nito ni toto^_^ oh sige po kumain napo kayo mauna narin po ako medyo gabi narin po kasi eh..
Sabay ngiti at naglakad na palayo..Napakabait talaga ng taong ito bakit koba sya ginaganito? Bakit koba sya pinahihirapan!!
At sumunod parin ako ng sumunod sa kanya ng bigla siyang huminto sa tapat ng isang maliit na apartment...kulay blue ito mukang maayos naman pero yung mga katabing bahay nya parang mga bilangguan ng preso ang dumi at puro bandalism..
At pumasok na nga sya..30 mins na akong nag iisip ng gagawin para makaussap si kyle..
Ahmm paano ba to kristine ahh.. bababa ka ng car tapos pupunta ka sa pinto at kakatok... yun lang sabay humingi ka ng sorry...
Tama ayun na nga ang gagawin ko..
At bumaba na nga ako sa kotse ko at naglakad hanggang makarating sa pinto ng tinitirahan ni kyle,hindi konarin pinansin ang mga lalakeng bastos na nakatambay sa tindahan katabi ng apartment ni kyle...
Tok tok tok...
Sino yan?
Sagot nya..Tok tok tok!!
Mas nilakasan kopa ang pagkatok at ilang sandali pa ay nakita kong umikot na ang door knob at ng magbukas ang pinto at eto na nga lumawit ang ulo ng lalakeng ito...
