1

427 19 2
                                    

"Mahal mo parin ba si ate Trish?" she asked, a sad smile on her face.

"Hindi na..." I whispered enough for her to hear.

"Kung gano'n, bakit hindi mo ako kayang mahalin?"


"Attorney Costales. The ruling just came out."


Napatigil ako sa pagta-type ko sa desktop. Inalis ko ang salamin ko at inangat ang tingin ko sa empleyado na pumasok ng opisina ko. Kakatapos lang ng hearing namin kanina sa assault case. First case ko ito as a lawyer kaya medyo nahirapan ako but sa awa ni God, kinaya ko naman. Paano, ang dami ng pressure na ibinigay sa akin ng senior lawyer ko.

"And?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinihintay ang sasabihin niya.

Ngumiti siya ng malapad sa akin, at sinabing, "Not guilty of murder and probation for the crime of inflicting bodily injury. Congratulations, Attorney Costales!"

Tumango ako at kinagat ang inner cheeks ko para pigilan ang pagngiti sa harap niya. "I see... Thank you for informing me."

Bahagya siyang yumuko sa harapan ko at lumabas na agad ng opisina. Pagkalabas niya ay kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Tricia, ang kaibigan ko mula ng nag aral ako sa Ateneo. Hindi na ata kami maghihiwalay nito, eh. Simula college hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin kaming dalawa. Ako kasi palagi ang nag fi-first move tuwing hindi siya nag cha-chat. Siguro perks na rin 'yong pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

Ako nga lang ang nakaka alam.

[Hello, tangi?]

Napangiti agad ako ng marinig ang boses niya. 'Tangi' ang tawag niya sa akin palagi. Ang sabi ko nga 'wag na niya ako tawagin ng ganyan dahil hindi naman kami mag jowa, pero ginawan niya pa rin ako ng call sign.

Napaka paasa niya, kinikilig tuloy ako.

"Tagal sumagot, ha?" Biro ko sa kanya at sumandal sa swivel chair na inuupuan ko ngayon.

[Nasa duty kasi ako, 'no? Ano ba 'yon ha?]

"Free ka mamayang noon? Lunch tayo?" Tanong ko sa kanya.

Unang linggo ko 'to sa law firm at ang kauna unahang panalo ko, kaya gusto ko siyang ilibre ng lunch niya. Though palagi ko siyang nililibre ng lunch pag wala siyang duty. But this time is different, 'no! May rason na ako para ilibre siya.

[No, tangi, palagi mo nalang ako nililibre ng lunch .]

"Sige na, Trish! Minsan na nga lang 'to, eh." Ngumuso ako kahit hindi niya nakikita.

Trish lang ang tawag ko sa kanya kahit may call sign siya sa akin. Pwede ko naman siyang tawagin na 'tangi' but naiilang kasi ako pag tinatawag ko siya no'n. Lalo lang akong nahuhulog lalo!

[No, tsaka na pag may naipanalo ka nang case —]

"Assault case won by Attorney Costales," pagyayabang ko. "Don't you think that winning a case is enough reason to treat you to lunch later, Doc. Tricia?"

[Oh my god! Really ba? May nai-panalo ka na agad?!] Hinding makapaniwala na tanong niya sa kabilang linya.

"Hello? Wala ka bang tiwala sa Attorney Costales mo?" Ngumisi ako. Boses pa lang niya sa kabilang linya, nakikita ko na agad ang reaksyon niya. For sure mas masaya na naman siya kesa sa akin ngayon.

Reach Your HeartWhere stories live. Discover now