Chapter 3: Campus Cutie

205 47 5
                                    

POV: RALPH

Kakabalik ko lang sa dorm namin ni Vince. Ang totoo ay hindi naman talaga ako pumunta sa internet cafe. Sinadya ko talagang antayin si Promise sa daan na 'yon dahil doon s'ya lagi naglalakad, isa pa gabi na sila.

Medyo hindi ko matingnan nang maayos kanina si Promise, yeah ang ganda n'ya sa totoo lang kahit hindi s'ya nag-aayos. Pero kanina mas maganda pa s'ya. Nakakahiya lang dahil nahalata yung pagblush ko kanina. Pero siguro 'yun lang 'yun. Siguro nga. Wala naman siguro akong gusto kay Promise no? Malabo talaga. Simulat sapul kami na ni Promise ang magkasangga lalo na noong hindi ko pa nakikilala si Vince. Simula noong nagkakilala kami sa park ay naging magkaibigan na kami hanggang ngayon na college na kami kaya ganoon siguro ako ka-over protective sa kanya.

Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin na aalis ako at pupunta sa Manila. My Tita Lyneth message me kasi na roon na muna ako sa Manila pagkagraduate ko nang college. Matagal tagal pa naman iyon pero syempre sanay na ako na sila Vince ang kasama lalo na si Promise. Saka paano ko na s'ya mababantayan diba?

Teka? Bakit ba iniisip ko nanaman 'yon hayssss, hindi pwede magkaibigan lang kami 'yun lang.

Dahil hindi ako makatulog ay binuksan ko nalang yung account ko at naglive stream, yes naglalivestream ako and halos lahat ng fans ko ay mga estudyante rin sa campus namin. Kung ano ano lang minsan content ko pero madalas ay naglalaro at nakikipag-interact rin sa mga fans. Marami -rami rami na rin ang nakafollow at hindi ko rin 'yun inaasahan.

Gusto ko talaga sanang kunin na kurso ay malapit sa hilig ko pero sa huli iisa ang kurso namin nila Vince and Promise and we're taking Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management. Dahil narin sa may sari-sariling business ang mga pamilya namin so we're taking business course.

After ko maglivestream ay dinalaw narin ako nang antok.

"Vince ano ba, ang tagal mo maligo late na tayo." Inis na sigaw ko kay Vince dahil daig pa ang babae kung maligo kanina pa s'ya sa banyo.

"Wait lang naman Ralph, pero kung natatae ka na-" Hindi na naituloy ni Vince ang sasabihin nang bigla ko kalabugin yung gitara n'ya.

"Oh shit! ito na nga lalabas na!" at agad namang iniluwa si Vince nang pinto ng cr at hinanap agad ang guitara n'ya para tingnan kung may damage.

Itinaas ko naman yung cellphone ko para ipakita na recorded lang yung tumunog kaya nakahinga s'ya ng maluwag bago niyakap yung gitara n'ya.

"Oa, bihis ka na at kapag hindi ka pa bihis pagkatapos ko maligo, gitara mo na talaga kakalabog d'yan." Agad naman s'yang pumasok sa kwarto para magbihis.

Katatapos ko lang maligo at bihis na nga si Vince, nakabalot lang nang towel yung lower body ko dalawa lang naman kami dito and lalaki pa pareho.

Papasok na ako sa kwarto para magbihis nang biglang may nagkakakatok ng malakas, siguro ayan yung order ni Vince sa kabilang room na book.

"Hoy Vince baka 'yan na order mo."

"Ay wait sakit nang tiyan ko, paki-received." Sabay takbo ni Vince sa banyo. Narinig ko pa kung paano nagsimula pakikipaglaban n'ya sa inidoro.

Si Alex lang naman to lalaki rin so no need na magbihis, saglit lang naman.

Binuksan ko na ang pinto at halos masubsob sa akin si Promise sa biglaang pagbukas ko.

"Omg aga nang pandesal ha." Sabi ni Hazel

Unti unti namang umangat ang tingin sa akin ni Promise na nanlalaki ang mga mata at namumula ang pisngi.

"Ano busog ka na ba?" Kunot noong tanong ko kay Promise.

Agad naman na s'yang lumayo sa akin at nakarecover. "Pandesal? Tignan mo nga yang baby fats mo andyan parin HAHAHAHA." Sabay talikod n'ya at nakita kong hinawakan n'ya pisngi niya bago sinampal sampal ng kamay n'ya ang sarili.

"Una na kami ni Hazel, madamay pa kami sa pagkalate n'yo." Sabay hila ni Promise kay Hazel na humahabol pa nang tingin sa'kin.

Mabilis at malakas kong naisara ang pinto. "Ohhh Shittt!" Nanlalambot at kumakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at hiya habang nakasandal sa pinto.

Bigla naman lumabas si Vince sa banyo. "Ano Ralph asan na, anyare sa'yo? hindi ka pa bihis?" Sunod sunod na tanong ni Vince.

Bigla naman may kumatok sa pinto at nagulat pa ako.

"Baka 'yan na deliver mo!" sabi ko at dali dali akong tumakbo sa kwarto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakipagkarera sa kabayo.

Naglalakad na kami ngayon ni Vince dito sa hallway papunta sa room. Bigla nalang ako hinarang nang isang schoolmate namin pero hindi ko s'ya kilala.

"Hi Cutie! Pwede ba magpapicture?" Masiglang tanong n'ya at agad naman ako tinulak ni Vince.

"Oh picture na agad akin na yung phone, late na kami eh." Sabi ni Vince saka binigay naman nung babae yung phone agad agad.

Lumapit sa akin yung babae, sobrang lapit at akmang hahawak sa beywang ko nang biglang may dumaan sa gitna namin.

"Ano ba 'yan, kita nang may nagpipicture eh." Reklamo nung babae sa dumaan.

Humarap naman yung babae at si Promise pala 'yun, yung puso ko abnormal nanaman ang bilis ng tibok.

"Duhhhh, nakaharang kaya kayo, Hallway 'yan hindi photobooth no." sabay hila ni Promise sa'kin at kinuha yung phone kay Vince.

"Tara na late na tayo" Sabi ni Promise sabay bato noong phone roon sa babae, buti na lamang at nasalo.

Nakatingin lang ako sa likuran n'ya habang hinihila ako papunta sa room. Napalingon naman s'ya sa akin siguro nabingi sa katahimikan at napatingin sa kamay naming dalawa na magkawak parin. Napaiwas s'ya nang tingin at agad iyong binitiwan.

"Pasalamat kayo sa'kin, late sana kayo." sabi n'ya dahil pagpasok sa room ay sakto ring dating ng professor namin.

Sanay naman na ako na tuwing nadaan sa hallway may mga nagpapapicture, nagcoconfess, nagbibigay ng mga chocolates and love letters tapos si Vince and Promise tatawa lang at kakainin ang mga pwedeng makain. Pero ngayon hindi tumawa si Promise. Ano kaya nakain nun? Tapos dati magtatanong pa 'yun nang kung ano may edible ba? may makakain ba kami sa binigay nila sa'yo? tapos hahalungkatin pa bag ko kasi ayaw nyang maniwala kapag sinabi kong wala.

Ngayon hanggang sa matapos ang klase kahit na magkakatabi lang kami ay hindi man lang kami nakapagkibuan. Si Vince naman magtatanong pero sa maraming tanong n'ya isang sagot lang samin ni Promise.

"Saka Promise diba malapit na pala yung ano mo--"

"Ewan!" Hindi na natapos ni Vince ang tanong n'ya nang sagutin nanaman s'ya ng ewan ni Promise. Sa buong klase na ang dami n'yang tanong ay iisa lang ang sagot namin ni Promise.

"Ewan!"

"Ewan!"

"Ewan!"

Hindi ko alam pero after nung nangyari kanina sa dorm namin parang awkward.

Teka? Nilait nito pala katawan ko kanina ah?

"Hoy Promise ano pala yung sinasabi mong baby fats kanina? Bulag ka ba? Gusto mo tingnan ulet?" Akmang itataas ko pa t-shirt ko nang awatin ako ni Vince.

"Ahhh, so that's what happened pala kanina ha." sabi ni Vince na tinapik pa ako sa balikat.

Namilog naman ang mata ni Promise at bigla akong nahiya nung marealize ko yung ginawa ko at sinabi ko.

"Ang bastos mo Ralph!" Namumulang sambit ni Promise at hinampas ako nang malakas gamit yung bag niya.

Nasa klase pa pala kami at pinapanood ng lahat, si Hazel nagpipigil nang tawa na akala mo kinikilig at pinaghahampas nang mahina si Rubie na nasa tabi n'ya.

"GET OUTTTT!!!!" Nag-eecho na sigaw nang professor namin.

Oh yes, ang aga nang breaktime!

-Pencilinfinity8-

Don't forget to vote, share and comment Infinities! Mwah!



Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon