Chapter 15: Orcad's School Fair (Day 1) Part 3

90 27 0
                                    

POV: VINCE

Tapos na kami ngayon kumain. Hindi ko alam pero naiinis ako sa Grey na 'yun. Feeling closed agad siya kay Abi. Nag-aalala lang naman ako kay Abi bilang kaibigan niya. Hindi ko alam na mauuwi sa ganito. Ayaw niya na rin na maging kaibigan ako. Paano ko siya babantayan sa Grey na 'yun.?

Teka, bakit ko naman kasi babantayan? Kaibigan niya ako right? Tama and I need to protect her as a friend.

"Abi tara, nood tayo men's volleyball ang daming cuties." Kinikilig na yaya ni Christine kay Abi.

Kita mo tong babae na 'to, napaka bad influence sa kaibigan. Dadamay pa si Abi sa kalokohan niya eh si Ralph lang ang nag-iisang Campus Cutie.

"Sorry kayo nalang muna. Ito-tour ko pa kasi si Grey eh." sabay hila ni Abi kay Grey.

"Oh wait, Ito na nga pala yung umbrella mo." Sabay kuha ni Abi sa payong n'ya na nasa dala kong paperbag tapos saka binalik naman niya dito yung payong na sa akin rin dati. "Oh ayan." Sabay abot niya sa akin nung paper bag. Kinuha ko naman 'yun at tiningnan. Ganun parin ito kagaya ng dati.

"Huwag kang mag-alala inalagaan ko 'yan. Walang damage 'yan." Sabi ni Abi sa akin.

"Ah- sa- salamat." 'yun lang ang nasabi ko at itinaas pa yung paperbag na may laman na payong.

Sa totoo lang hindi ko pa naman ibabalik yung payong. Totoo na sobrang eager na ako na ibalik 'yun nung nag usap kami sa EK pero kasi hindi ko alam pero hindi ko mabitawan at nakakalimutan ko ibalik. Kaya ko lang 'yun dala ngayon dahil parang uulan kanina and accidentally na 'yun yung nadampot ko sa pagmamadali. Well maybe it's okay na rin like what we agreed on EK na she needs to move on, from me...

"What the hell is this, bakit parang iba pakiramdam ko. Maybe I just did not expect na ganun pala yung nararamdaman ni Abi. Yeah, I need to help her move on. Maybe I'll stay away from her for a while like what she said until she's ready to become my friend again. Friend yeah friend.

"Ayan okay na, naibalik ko na umbrella mo ha." Sabi ni Abi sabay lakad na palayo kasama si Grey.

"Bye, See you nalang later." Sabi ni Grey at kaway ng nakangiti samin.
Naningkit naman ang mga mata ko na nakatingin sa nakahawak na kamay ni Abi kay Grey habang hila ito.

Ano, close na agad agad?

Nakita ko na binuksan ni Abi yung payong ko. I mean payong niya then kinuha 'yun sa kanya ni Grey para ito ang maghawak at magkasukob sila roon.

"Lah yellow umbrella, parang sa k-drama lang nagkakatuluyan pag yellow umbrella." Sabi ni Hazel na nakatanaw sa dalawa.

Tsk, hindi naman sobrang init nakipayong pa kay Abi.

"Kailan pa kayo nagkapalitan ng umbrella ni Abi?" Tanong ni Christine.

"Long long ago, and long story." sabi ko pa na nakatanaw kila Abi na palayo na ng palayo.

Yeah, I must give her some space. She needs to move on. I don't want to be selfish just because I want her as a friend.

"Ah una na pala kami sa court ha, samahan ko na sila Rubie at Hazel manood ng volleyball." Paalam ni Promise sa amin.

"Bakit mauuna pa kayo? sabay sabay na tayo." Sabi ni Ralph.

"Sige una na kayo." Sabay hila ko kay Ralph.

"Teka-teka." Aalma pa sana si Ralph pero nahila ko na siya ng tuluyan at nakita ko na naglakad na papunta sa court yung mga girls.

"Bakit hindi tayo sumama sa kanila Vince? Don't tell me gusto moko masolo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong sa akin Ralph.

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon