Final Part

5 1 0
                                    


  Wala akong nagawa kundi dalhin si Charrie Mae sa bahay namin.Nagkataon namang wala ang mga kasama ko sa bahay.Kailangang magawan ko muna ng paraan para burahin sa isip niya ang nakita niyang pagbabagong anyo ko.Kung tungkol naman kina Raul,saka ko na lang sila iisipin.Ang mahalaga ngayon ay si Charrie Mae.May ipinaamoy ako sa kanya na galing sa isang halaman mula sa mundo ng mga halimaw.At alam kong madaling maaalis nun ang pangyayaring iyon sa alaala niya.
  Ilang minuto lamang matapos kong gamitin sa kanya ang gamot ay gumalaw siya mula sa pagkakahiga at anyong babalikan na ng malay.Sa pagmulat ng mga mata niya at pagkakita sa akin ay nagulantang itong napabangon at nagsisisigaw.
  "Eeee!Nasaan ako?!Anong ginawa mo sa akin,Dennis?!Bakit ako nandito?!"
  Nataranta na rin ako dahil sa pagtili niya.Nag alala akong may makarinig sa kanya at pagkamalan pang pinagsasamantalahan ko siya.
  "Charrie Mae,huminahon ka nga lang.Wala akong ginawa sa iyo.Mag isip ka.Alalahanin mo kung ano ang nangyari sa iyo.Please,kumalma ka lang."
  Natigil naman siya sa paghyhysterical.Anyong nag isip at pilit na inalala niya ang mga pangyayari.
  "Si Raul at saka yung mga kasama niya,muntik na nila akong kidnapin!At..."napatingin siya sa akin,"Kung di ka dumating baka natangay na nila ako!Ang hayop na yon!Binadtrip ko kasi kanina pero di ko akalain na may masama na siyang balak sa akin!"
   Naghintay pa ako sa sasabihin niya ngunit wala na siyang idinugtong pa.Nakahinga ako ng maluwag.Hindi na talaga niya naalala ang pagbabago ng anyo ko kanina.Ayos na,wala nang problema.
  Ngunit biglang nag iba ang tono niya at nagdududang tinignan ako,"At saan mo naman ako dinala,ikaw na lalaki ka?!Nasaan tayo?!"
  "Huwag kang mag alala, Charrie Mae.Wala akong ginawang masama sa iyo.Hinimatay ka kasi kanina.Eh nag alangan naman akong iuwi ka sa inyo na walang malay,baka kung ano ang isipin ng pamilya mo.Kaya dito na lang muna kita dinala.."
  Tinitigan ako ni Charrie Mae,natahimik ito.Nagkatitigan kaming dalawa, matagal.Ah,bakit ba ang ganda ganda niya sa paningin ko ngayon?!Biglang naalala ko ang paghalik ko sa kanya noon.Parang gusto ko uling ulitin yon.Pero pinalis ko rin agad sa isip ko ang naglalarong kapilyuhan doon.
  Napayuko siyang bigla at tila nahihiya na muling nagsalita.
  "Eh,Dennis,salamat sa iyo,ha?!Hindi ko akalain na ikaw pa ang tutulong sa akin gayong kung anu ano ang pinagsasasabi ko laban sa iyo.Sorry na,ha?!Sorry na talaga..."
   "Oh,eh di natauhan ka na ngayon,"wika ko naman,"Next time huwag mo ngang huhusgahan ang isang tao sa kung ano lang ang nakikita mo.At isa pa huwag kang masyadong suplada at maldita.Tignan mo muntik ka nang mapahamak dahil sa kamalditahan mo.Buti at nandoon ako.Buti rin at mabait ako ,kung iba lang ako,naku...."
  Pinandilatan niya ako ng mga mata.,",
Anong mabait ka diyan?!"saka siya umismid,"Baka nakalimutan mo kung ano ang ginawa mo noon."
   Hindi ko naitago ang pilyong ngiti ko saka ako napakamot ng ulo ko,"Ah oo nga pala.Siyempre di ko nakalimutan yon!Ang sarap mo palang halikan,Charrie Mae..."
  Malakas na hampas ang isinagot niya sa akin,"Buwisit ka!Sinamantala mo naman na wala akong kalaban laban noon!Isa ka pa!Pare pareho kayo!"
   "Okay,sorry.Sorry na!Ginawa ko lang yon para patunayan sa iyo na di ako bakla.Pero..."seryosong tinitigan ko uli siya sa mga mata,"Pero,ang totoo niyan,Charrie Mae,hindi na kita nakalimutan mula nang araw na iyon.Lagi kong naaalala ang paghalik kong iyon sa iyo.At sana wag kang magalit sa sasabihin ko ngayon.Charrie Mae,puwede...puwede ba kitang ligawan?!"sabay hawak sa kanang palad niya.
   Napaawang ang bibig niya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.Hindi siya nakasagot agad.Tila tumigil sa pag inog ang mundo.
   "Dennis,hindi ka ba nagbibiro?!Ikaw,manliligaw ka sa akin?!"
  "Sige na,Charrie Mae.Kahit ano gagawin ko mapasagot lang kita.Hindi kita mamadaliin.Basta hayaan mo lang na ligawan kita.Please..?!"
   Nakita kong napangiti siya ngunit di ko naintindihan ang ibig sabihin ng ngiting iyon.Pero tuwang tuwa ako sa naging tugon niya.
  "Sige,Dennis,pagbibigyan kita.Puwede mo akong ligawan.Basta sabi mo ,ha,di mo ako aapurahin.Hintayin mo ang magiging sagot ko,ha?!"
    "Salamat.Salamat, Charrie Mae.Handa akong maghintay.Mahal kita,tandaan mo lagi yan..."
                   
   Hindi naman ako nabigo.Pagkatapos ng anim na buwan nasungkit ko rin ang matamis niyang Oo.Di mapagsidlan ang tuwa ko.Pero nang mismong araw na sagutin niya ako,nangyari ang di dapat na mangyari.Dahil sa silakbo ng damdamin ,nakuha ko ang pagkababae niya.Sobra ang naging pag iyak niya pagkatapos ng nangyari.
"Peste ka!Bakit mo naman ginawa sa akin ito?!Paano kapag nabuntis ako?!Papatayin ako nina Mama at Papa nito!"
    "Sorry na,Charrie Mae,di ko na talaga napigilan.Pero,huwag kang mag alala pananagutan kita.Hindi kita pababayaan.Haharap ako sa mga magulang mo.Pangako yan.Mahal na mahal kita,Charrie Mae."
  "Totoo?!"nagpahid siya ng luha sa mga mata niya saka tumingin sa akin,"Promise mo,ha,di mo ako pababayaan."
  Niyakap ko na siya ng mahigpit,"Oo,promise kung magbunga man ang nangyari sa atin ngayon,paninindigan ko.I love you,Charrie Mae.Kahit sa lahat ng simbahan,pakakasalan kita!"
  Isang pinong kurot sa singit ang isinagot niya sa akin.Napapiksi ako dahil doon.
   "Aray bakit ka naman nangungurot?!Sige ikaw rin baka iba ang makurot mo!Mapipisa yan di na kita malalahian!"
    "Ikaw talaga , Dennis,puro ka pa rin kalokohan.Umayos ka nga!"
   "I love you so much, Charrie Mae."
  "I love you,too,Dennis.Huwag ka sanang magbabago."
   "Hindi kailanman.Habang nabubuhay ako,sa iyo lang ako.Wala nang iba pa...."
                           W A S A K!
                   este W A K A S pala !
Done:08-11-2022

WHAT IF SABIHAN SI DENNIS NA BAKLA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon