Third Part

7 1 0
                                    

  
Charrie Mae's POV
  Naglalakad ako papauwi sa bahay nang biglang may tumawag sa pangalan ko at nagpalingon sa akin.Umasim ang mukha ko nang makita ko kung sino iyon.Isa sa mga kinaiinisan kong tao,si Raul,isa sa mga makukulit na manliligaw ko.May kasama pang dalawang alipores.Feelingero talaga ang isang ito,eh.Palibhasa anak ng vice mayor kaya akala mo kung sinong makaasta.
   "Charrie Mae,ihahatid na kita sa inyo.Sakay ka na sa kotse ko para di ka na mapagod na maglakad.,"anyaya nito sa akin.
    Umiral nanaman ang pagkasuplada ko,"Pasensiya na,Raul,pero kaya kong umuwi na mag-isa.May mga paa ako at kaya kong maglakad.Salamat na lang."
   "Naman, Charrie!Why do you always turn me down?!Bakit di mo ako mapagbigyan kahit minsan lang?!Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin?!"
   "Alam mo,ha,nag aaksaya ka lang ng panahon sa akin kaya utang na loob,Raul,tigilan mo na ako!Walang tumatayong balahibo ko sayo kaya,lubayan mo na ako!"
  "Eh,bakit nga ayaw mo sa akin?!Guwapo naman ako at mayaman.Maimpluwensiya ang Papa ko!Ano pa ba ang hahanapin mo?!"
  Tumikwas ang kilay ko na halos mawala sa pwesto nito at sinagot ko siya sa tinig na nang uuyam.
   "Number one,wala akong paki kung guwapo ka man o mapera ka man.At number two mas lalong wala akong paki kung vice mayor or kung sino mang Pontio Pilato ang tatay mo!!Ayoko sa lahat yung taong presko't mayayabang!At nangnguna ka sa mga taong iyon,Raul!Kaya uulitin ko,ha,please,lubayan mo na ako!Leave me alone in peace!!"
  Tinalikuran ko na nga ang hambog na iyon at lumakad uli palayo.Pero di ko inasahan na may nakaambang panganib.Sinundan ako ng dalawang tauhan ni Raul at sinunggaban ako.
  "Ano ba,bitawan niyo ako!!Bitawan niyo ako!!"
  Hindi nila ako binitawan.Sa halip ay halos kaladkarin nila ako na ibinalik sa kinaroroonan ni Raul.Ang walanghiyang ito ano kaya ang plano niyang gawin sa akin?!Ano ba itong nangyayari?!Sana may tumulong sa akin....

Dennis' POV
   Sinundan ko si Charrie Mae habang naglalakad siya pauwi.May naramdaman kasi ako na parang may mangyayaring masama.Nakita ko rin kasi na sinundan siya ng kotse na pagmamay ari ni Raul,isa sa mga manliligaw niya.Kilala si Raul sa pagiging arogante at presko sa campus.Ginagamit nito ang pagiging vice mayor ng ama nito upang masunod lahat ng gusto nito.Kaya kahit lagi itong absent sa klase at mas madalas magbulakbol,pumapasa pa rin ito.Napakayabang ng isang iyon.Akala mo kung sinong hindi mamamatay!Nagtitimpi lang ako doon,eh,dahil ayaw ko din naman ng gulo.Pero sa ngayon mukhang mapapalaban na ako,ah!!
  Hindi ako nagkamali ng hinala.Kitang kita ko kung paano sinunggaban ng dalawang alipores ni Raul si Charrie Mae at kinaladkad ito pabalik kay Raul.Pilit na pinasasakay nila si Charrie Mae sa sasakyan.Kailangan ko nang kumilos.Hindi ko pababayaan na may mangyaring masama kay Charrie Mae.
  "Hoy anong ginagawa ninyo?!Ba't niyo pinipilit pasakayin si Charrie Mae diyan?!Kikidnapin niyo siya?!"
   Napalingon silang lahat sa akin.Si Charrie Mae ay patuloy na nagpupumiglas.
   "Dennis, tulungan mo ako please?!Huwag mong hayaan na makuha nila ako!"
    "Bakit ka ba nakikialam,ha?!si Raul iyon,at pagkatapos ay ,"Kayo ano pang ginagawa ninyo?!Gulpihin niyo na iyan!"pasigaw. na utos nito sa dalawa niyang tauhan.
    Dinaluhong nga ako ng dalawa.Pero di nila alam na mas mabilis ako sa kanila.Kahit anong gawin nila di nila ako matatamaan!At lalong hindi nila alam ang tungkol sa isa pang katauhan ko. at ang kakaibang kakayahan ko kaya malabong kayanin nila akong saktan.Naririnig ko ang mga sigaw ni Charrie Mae habang mahigpit na hawak ng walanghiyang si Raul.
  "Dennis,Dennis,mag ingat ka!!
   Nang sa bigla,hindi ko man ninais ay nagbago ang anyo ko sa tunay kong katauhan,bilang isang taong lobo.Hindi ko talaga yon sinadya,pero dahil nasa panganib na  ako,hindi ko na napigilan pa.Dahil sa pagbabagong anyo ko,nanlaki ang mga mata ng mga sumugod sa akin.Matalim na titig ang ibinato ko sa kanila.Wala pa akong ginawa ay kumaripas na ng takbo ang dalawang nahintakutang lalaki.
   Bumaling ako kina Raul at Charrie Mae.Naglakad ako palapit sa kanila.Gaya ng mga tauhan niya,nanginig din sa takot ang pobreng si Raul at bago pa man ako nakalapit ng husto sa kanila ay mabilis pa sa kabayong nagtatakbo ito palayo.Naiwan si Charrie Mae na di na nakakilos pa sa kinatatayuan niya sa tindi na rin ng pagkabigla niya.Dahil lumipas na ang panganib,bumalik na ako sa anyo kong tao.Lalo namang nanlaki  ang mga mata ni Charrie Mae.
    "Charrie Mae,ayos ka lang ba?!Nasaktan ka ba?!"
     Hindi na nakapagsalita pa si Charrie Mae.At tuluyan nang nawalan ng ulirat.Nasalo ko naman siya agad.
     "Charrie mae,Charrie Mae..."naku.naloko na!
Hinimatay na siya.Siguradong nabigla at natakot siya sa pagbabagong anyo ko.Kailangang gawan ko ito ng paraan.Aalisin ko sa memorya niya ang tungkol sa nangyari.Kasi naman,eh,ayaw ko naman talagang mag anyong taong lobo pero ano pa ba ang magagawa ko?!Binuhat ko na siya.Bahala na diyan kung saan ko siya dadalhin...

WHAT IF SABIHAN SI DENNIS NA BAKLA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon