Tunay Na Kaibigan

255 1 0
                                    

"Uyyy!! Ang ganda naman nung babaeng yun!!! Uyy teka sino yun, seksi seksi ahh!! Wow!!! "Ito ang madalas nateng marinig pag may isang seksing babaeng nagdaan!! Pero pag isang tao na hindi kagandahan ganito naman ang ating narinig !"

Sino yun, whahahaha akala ko ba ang tao ay galing sa unngoy bakit sya mukhang kabayo!!! Whahahahah!!! Nice pamatay sa katawan parang coke!!! Coke in can!!! Diretso!!Whahahahah!!!" Mga malulutong na tawa ang maririnig ko mula sa grupo ng mga kalalakihan sa LRT station!!! Nakakatawa di ba!! Marahil nangingiti ka rin ng konti sa mga binitiwan nilang mga salita!!! Pero nakakatawa nga ba talaga???

Narito ang isang kwento tungkol sa tunay na kagandahan at sa tunay na pagakakaibigan...

Sa isang sikat na unibesidad sa Maynila may tatlong babae na matatalik na magkaibigan. Pawang maganda silang lahat, mahahaba at makikintab ang mga buhok!!! Mapupula ang mga labi, bilugan ang mga mata at balingkinitan ang kanilang mga katawan. Ang buong klase sa pinapasukang unibersidad ay humahanga sa kanilang kagandahan!! Kinaiingitan sila ng mga kababaihan at hinahanggan ng mga kalalakihan!!! Lahat ay gustong silang maging kaibigan. Ngunit isang araw nagulat lang ang buong klase, mula sa pinto ng kanilang silid aralan may pumasok na tatlong babaeng walang buhok, mga mukhang nababalutan ng pulbos at make up at mga katawang balot na balot ng mahahabang kasuotan kahit sa kainitan ng panahon at alinsangan ng paligid!!! Agad nilang inalam kung sino ang tatlong babaeng pumasok sa kanilang silid. At pagkadaka isang malulutong at malalakas na tawanan ang umalingawngaw sa silid!!! Isang lalaki ang nagsasabi " Eh sila Theresa, Maria, at May ito eh, whahahahah". At nooy din nalaman ng buong klase na sila pala ang tatlong sikat na babae sa kanilang silid. Wala na ang dating makakapal at makikintab na buhok pawang mga kalbo ang tatlong dalaga, wala na ang mapupulang mga labi, mga mapupungay na mga mata , itoy napalitan na isang makapal na make-up at pulbos!!! Ang mga balingkinitang mga katawan ay nabalutan ng mahahaba at maiinit na mga damit!!! Hagalpakan ang buong klase sa tawa!! Lahat ay nanunukso, nanlalait at nambubuska sa tatlong dalagang kalbo at di kagagandahang mga hitsura. Nawala na sa paningin nila ang mga babaeng kinaiingitan nila at hinhanggan nila noon!!! Bagkus napalitan ng mga ibat ibang mga katawagan at pangalan!!! Nandyan silang tawaging babaeng espasol, bokal, manang at kung ano ano pang masasakit na katawagan at bansag!! Walang gustong lumapit at makipagkaibigan sa kanila!!! Pakiwari nilay magiging katawa tawa sila pag sumama sila sa tatlo!!! Ang mga naiingit na mga babae noon ay pawang mga nagbubulong bulungan sa tuwing dadaan ang tatlong babae. Mga matang matatalas, titingnan mula ulo hanggang paa at saka tatawa ng pagkalakas lakas!! Ang mga lalaking humahanga sa kanila na ginagalang sila noon ngayun ay puros tawanan at panlalait," Jologs,Bembol" at kung ano ano pang mga bansag ang maririnig mo sa kanila, sabay ang malalakas na halakhakan at palakpakan animoy nakakita ng mga taong mapaglalaruan ng kanilang mga mapanghusgang mga mata!!Sa araw araw na kanilang pagpasok halos lahat ay pinagtatawanan sila sa katawa tawang hitsura nila!!! Lahat ay pawang masayang masaya sa mga panlalait na ginagawa nila sa tatlong babaeng kamag-aral!!! Mga matang mapanghusga at mapanlalit ang ginaganti nila sa bawat yukod at iwas na tingin ng tatlong kaawa awing mga dalaga!!!

Subalit hindi ito ininda nila Theresa, Maria at May, sila ay pawang mga tahimik lamang, pilit na wag aalalahanin at intindihin ang lahat ng panunukso at panlalait . Wala silang iniisip kundi ang mag-aaral ng mabuti at makatapos!!! Magkasama palagi anong mang oras at lugar!!! Ayaw nilang iwan ang isat isa. Minsan may isang kaklase nila ang nagtangka magtanong pilit na inaalam kung ano ang dahilan kung bakit nila ginawa ang mag bagay nay un!! Kung ano ang kanilang naisip kung bakit nila ginawa yun!! Pagtatanong na may kasamang panlalait at paghuhusga!!! Subalit pawang mga malulungkot na mga mata ang sumagot sa kanilang mga katanungan!!!Wala ni isang salita ang lumabas sa kanilang mga labi kundi isang pagyuko ang kanilang isinagot sa kanilang mga kaklaseng nangungutya sa kanila!!.

Makalipas ang isang buwan. Nagulat ang buong klase sapagkat di na nila madalas nakikita si Theresa sa klase at madalas naman nilang nakikitang umiiyak sina Maria at May sa isang sulok ng kwarto. Walang nagtangkang magtanong sa dalawang umiiyak na dalaga, at walang dumamay kahit isa sa kanila.

Tunay Na KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon