Chapter 1

4 0 0
                                    

Markus Daimon Tan POV

"Dali na Ching."pilit saakin ni Rowel. Ang aga aga may mangbubulabog sayo sa office ng ganito.

"Rowel pahinga ka naman ng isang buwan." Sabi ko sakanya.

"Ehhhhh."eto lang ang sabi niya pabalik saakin na malungkot.

"Patapos palang yung project natin sa tagaytay tapos may ilalatag ka nanaman bagong project saakin."asar na sabi ko sakanya.

"Eh kasi baguio tong project. Diba gusto mo doon sayang naman diba?"pilit niya pa saakin.

"Rowel kung gusto mo yan. Madami construction engineers dyan. Hindi lang ako yung Contruction eng dito sa kumpanya."asar na sabi ko sakanya. Gusto ko lang naman mag pahinga ng dalawang buwan siguro dahil sunod sunod yung projects na ginawa namin. Kasalanan din neto hindi ako makatanggi sakanya bwisit.

"Yun nga ang problema Ching hindi ako sanay sakanila. Lagi OO lang kesa ikaw pag ayaw mo yung ginawa nagrereklamo ka hangang magkasundo tayo. Dapat talaga structural engineering ka nalang din eh." Lintanya pa niya.

"Isa pa pag ikaw kasama ko sa project mabilis matapos konti pa problema natin. Well lagi lang tayo nagaaway pero ako rin natatalo."sabi niya pa.

"Anong project ba yan pag yan hotel o condo bahala ka dyan. Bahay lang gusto ko ngayon para hindi ako mabigatan gusto ko mag pahinga muna MonMon."sabi ko sakanya.

"Bahay lang po. Alam ko naman na ayaw mo sa hotel kasi hotel yung tagaytay natin kaya na stress ka eh. Tinawag mo akong monmon kaya alam ko seryoso ka. Kuhain ko na ba?"tanong niya saakin.

"Oum ilang floors ba yan? And yung laki ng bahay?" Tanong ko sakanya. Sorry na marupok talaga ako pagdating sakanya eh.

"2 floors lang and 419 square meter po."sabi niya saakin. Woah medyo malaki rin pala. Halos 5 rooms din yun ah.

"Malaki ba masyado ching?"Tanong saakin ni rowel.

"Nope manageable naman. Ikaw naman gagawa sa cad at revit diba?"tanong ko sakanya.

"Yep papa check ko nalang sayo if tapos na."sabi niya saakin naka ngiti.

"Mag lunch time na Ching baka di ka kumain magkasakit ka ulit. Kumain ka muna maya na yang gagawin mo."naka kunot na sabi niya saakin.

"Opo monmon." Yan nalang nasabi ko. At nauna na siya papuntang office para ayusin yung project na kukuhain niya.

——————————————————————————————
Lunchtime:
"Wuy balita ko may bagong project kayo nung besty mo ah."sabi saakin ni rona pagkakita niya saakin sa cafeteria.

"Oum napilit ulit ako eh. Alam mo naman marupok ako doon."nakasimangot na sabi ko.

"Bakit ba umalis yun ng bahay eh apat naman tayo nakatira doon?"tanong niya saakin.

"Baka may jowa hindi niya madala doon."hindi ko siguradong sagot.

"Tska kayo naguusap nila ally diba di ko naman siya kinakausap about dyan."dugtong ko.

"Sasabihin naman niya saatin kung meron na eh."sabi ni rona saakin.

"Saan nga pala si ally? Bakit wala pa?"Tanong ko sakanya.

"Di mo narinig kanina punta daw siya site niya. Ground checking ata." Di niya rin siguradong sabi saakin.

Sipag naman nung babaeng nun tatlo ata project nung ngayon buwan. Ganun na kataas kuryente namin sa bahay?

"Mataas na ba bill natin sa bahay rona?" Tanong ko sakanya.

"Huh tulad parin dati bumaba pa nga konti kasi humiwalay na saatin si rowell." Sabi saakin ni rona

"Sipag ni ally may jowa rin siguro."sabi ko nalang.

"So lumalabas ikaw lang wala jowa saatin?" Natatawang sabi saakin ni rona.

"8 years na rin gusto mo parin siya? Iba talaga ang isang Rowel Vmon Maison hahahahaha."natatawang sabi saakin ni rona.

Buti nalang wala masyadong tao dito ngayon at wala nakarinig sakanya. 8 years na rin pala di parin ako bumibitaw. Napagod din naman ako dati pero bumabalik ulit eh nagayuma ata ako nung lalakeng yun hahahaha.

"Uwi pala ako maaga ah rona. Dala mo kotse mo?"tanong ko sakanya.

"Oo dala ko alangan mamasahe ako diba. Iniwan mo kaya ako sa bahay kaninang umaga."asar na sabi niya.

"Sorry na tapos na kasi yung project namin interior designs nalang eh di naman sakop ng trabaho yun kaya nireport ko na kay boss. Kala ko pahinga na kaso dumating ang demonyo ayun may bago nanaman ako gagawin."asar na sabi ko sakanya.

"Marupok ka kasi umuwi ka agad baka saan saan ka nanaman pumunta ah. Si ally uuwi rin maaga yun. Ayon sakanya."sabi ni rona.

"Dinner ka sa bahay? Luto ako adobo?"tanong ko sakanya.

"Sige sige ingatz ka pauwi at matulog ka muna mamaya pang 6 o 7 dating ko sa bahay ewan ko lang si ally." Paalala saakin ni rona.

Pagkasabi niya nun umalis niya may project siguro tong tatapusin kaya nagmamadali kumain. At ako dumeresto sa office ko para kuhain mga gamit ko. Actually yung mga gagawin ko talaga kanina na sinasabi ni mon is props para di ako guluhin niya.

Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo noh? Hi. Markus Daimon Tan 26 years old Malapit na mag 27. Construction engineering at nag tratrabaho sa fonso construction.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

My engineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon