Fourth ❤

5 0 0
                                    

Pangako

Araw, linggo, buwan ang nagdaan,
Nandirito ka pa rin,
Sa aking puso,
Tila ba'y wala naman nagbago.

Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan,
Tila ba'y pagkagising, naglaho na ang lahat,
Ngunit itong aking nadarama,
Mukhang hindi na maglalaho pa.

Isa, tama, iisa,
Ngunit hindi natupad,
Iisang pangako,
Ngunit napako lamang.

Nawala, hindi na bumalik,
Subalit, dito'y nadarama pa rin,
Ang iyong pangako,
Na aking patuloy na pinanghahawakan.

The Song of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon