Twelfth ❤

3 0 0
                                        

Ako

Nandirito ako,
Sa aking kuwarto,
Nag-iisa,
Nag-iisip,
Tila ba'y wala ng makausap.
Bakit? Bakit nga ba?

Isa lamang akong babae,
Nangangarap na maging masaya,
Na matupad ang mga pangarap,
Sobra ba yun?
Sobra ba yun para hilingin ko?
Hindi naman diba?

Ako lang naman ang sarili ko,
Ako lang naman ito.
Ang nag-iisang ako,
Wala ng iba.
Ako lang, akong-ako lang,
Dahil nag-iisa ako sa aking kuwarto,
Bilang totoong ako.

The Song of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon