Prologue

6 3 0
                                    

I was in my room, finishing the report I was making for the meeting tommorow, when suddenly my phone rang. Tumayo ako at pupunta na sana sa kama ko pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, humawak ako sa upuan para mabalanse ko ang aking katawan.

Ilang segundo akong nanatiling gano'n, pero sa halip na mawala ay mas lalong lumala ang sakit na nararamdaman ko. Nakarinig ako ng katok sa labas, lalapit na sana ako sa pinto pero bigla akong natumba kasabay no'n ay ang pagkahulog ng upuan na siyang gumawa ng ingay.

"Anak! What happen? Open the door please!" I heard my mom shouted from outside.

"Mom, help me..."

"Tallia! Open the door!" hindi na ako nakasagot, dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. "Tallia! Hang in there, I'll call the lobby okay." kasabay no'n ay ang pag-alis ni mommy para tawagan ang lobby.

Nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko, kaya dali-dali akong tumayo papunta sana sa CR pero natumba ako ulit, hindi ko na napigilan at napasuka nalang ako sa sahig, ngunit natigilan ako nang makitang dugo ang sinuka ko, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, parang nawala ako sa wisyo nang makita ko iyon.

"Oh my god, Tallia!" ramdam ko ang paglapit ni mommy sa akin, ni hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin.

"M-Mom, d-dugo,"

"You'll be fine anak, don't worry." My mom trembled, I can sense fear in her voice, fear of loosing me.

I was so scared, I don't know what to do hilong-hilo na ako at hindi ko alam kung anong nangyayari.

"L-love, please don't...don't leave me...please." that was the last thing I heard before everything went black.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Choose To Let Me GoWhere stories live. Discover now