Kabanata 1
Sobrang init ng panahon ngayon na para bang maaari kang makapagluto ng itlog. Ito ang panahon na hindi lamang init ang magiging problema ng mga estudyante kundi pati na rin ang alikabok sa daan.
Dad talked to me last night and asked why did I chose University of the Philippines? Well, I told him before that I want to go back in Bicol.
But now, I want to be independent. I asked him if I can use one of our houses in Manila, good thing because my dad agreed and so my mom.
They kept on reminding me of the things that I should not do. Asking permission to them is very important to me. I don't want then to feel like their opinion is no longer important.
"Bukas ay mag-isa ka na lang dito sa bahay. Uuwi muna kami sa Bicol para asikasuhin ang mga negosyo natin. Gusto rin ng kapatid mo na siya naman ang tulungan namin sa pagbabantay sa mga alagang baboy." Panimula ni Mama habang inililigpit ang tasa na ininuman nila ni Dad.
"Bukas naman ay ako na ang tatayo sa mga paa ko. Baka ma-miss mo ako, Ma." Biro ko sa kaniya na ngayon ay sumimangot.
"Baby pa kita, e. Ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang magtipid sa sarili, lalo na sa pagkain." Maluha-luhang wika niya.
"Ma, naman. Ako pa ba? Hindi na nga ako pumapayat dahil sa sobrang kain," sabi ko para mabawasan ang pagiging emosyonal niya.
"Hindi ka naman mataba. Ikaw na bata ka, masyado kang conscious sa katawan mo. Ang iba nga riyan ay gustong tumaba pero ayaw ng katawan nila." Sermon pa niya. Natawa na lang ako dahil mukhang mapapagalitan pa ako bago kami magkahiwalay na mag-ina.
"Oo na, Ma. Tama ka na." Sabi ko sabay tawa. Kinurot naman niya ako sa tagiliran at natawa na lang din.
Ganito kami sa isa't isa. Kumpara kay Papa, mas kuwela si Mama at kasundo ko palagi. Maging sa mga kalokohan ay pinagtatakpan niya pa ako.
Kung minsan nga noon ay pinapasabi ko lang sa kaniya na sabihin sa mga kaibigan ko na wala ako sa bahay. Siya ang lalabas at sasabihing umalis ako.
Ayoko kasi sa lahat ay iyong pinupuntahan ako sa bahay tapos hindi man lang nagpaalam.Kung sa iba ay hindi big deal 'yon, sa akin ay Oo. Ayokong nakikita nila na hindi maayos ang bahay, hindi pa ako handa, at wala akong ayos. Wala lang. Respeto ba sa may-ari ng bahay.
MAAGA akong hinatid ni Papa sa paaralan na napili ko. Isa ako sa mga mapalad na mag-aaral na nakapasa sa UPCAT. Nag-aral ako sa probinsya noong Senior High. Pangarap ko noon pa man ang makapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas. Noon ay naririnig ko lamang sa mga balita ang paaralang ito, ngunit hindi ko lubos akalain na ngayon ay magiging parte na ito ng aking buhay. Ipapaubaya ko na sa UP ang paghubog ng aking karunungan at talento.
Hindi na ganoon kahigpit ang paaralan dahil sa naidulot na pinsala ng Covid-19. Ngunit kailangan pa rin na may suot na face mask at vaccinated ang nga estudyante.
Ang Covid-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan, at hirap sa paghinga. Nagmula ito sa bansang China na kalaunan ay kumalat sa buong mundo at idineklarang isang pandemya. Ito ay maaaring magdulot ng kamatayan lalo kung hindi maagapan.
Sa nagdaang dalawang taon, marami ang naghirap na mga mamamayan dahil sa pesteng dala nito. Maraming kabataan, bata, at matatanda ang maagang pumanaw dahil hindi na nakayanan ng kanilang katawan. Ang sigaw ng taong bayan ay ibangon ang Pilipinas.
Nakasuot ako ngayon ng high-waisted jeans, T-shirt na naka-tack in, at sapatos. University of the Philippines has no specific uniform. You can wear whatever you want to express yourself. It's up to you if you're comfortable with your clothes. Totoo nga ang sabi nila, University of the Philippines is a haven of freedom of expression.
Nagpaiwan na ako kay Dad at sinabi ko sa kaniya na maglalakad na lamang ako. Ayaw niya sana dahil napakalawak ng lalakarin dahil malaki ang Unibersidad ng Pilipinas.
Kinakabahan man ako sa unang araw ng pasukan, nangingibabaw naman ang excitement ko. Malayo pa lang papasok ay natatanaw ko na sa hindi kalayuan ang nakatayong statue.
Ito ang iconic symbol ng paaralan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad dala na rin ng nais kong matitigan ito sa malapitan.
Habang papalapit ako sa nakatalikod na statue, unti-unting sumisilay ang ngiti sa aking mga labi. Ito ay replica ng orihinal na Oblation. Ang nasabing orihinal na na Oblation statue ay nasa ikatlong palapag ng Main Library. Maybe they just wanted to preserve the iconic and prominent statue—as remembrance of Mr. Guillermo Tolentino.
Ang Oblation ay nangangahulungang pag-aalay ng sarili sa bansa. Nasasaad din sa mga libro na ang bantayog na ito ay sumasagisag sa patuloy na pagtuklas ng karunungan at katotohanan. Kahusayan sa gawaing pantao, pagmamahal sa bayan, paglilingkod sa sambayanan,at sangkatauhan. Ang larawang iwinawagayway ng monumento ay isang kabataang lalaki na nakadipa, nakatingala, at bahagyang nakapikit ay simbolo ng buong pusong pag-aalay ng kabataan sa mga adhikaing makabayan. Tunay nga na magagaling sa iba't ibang larangan ang mga Pilipino. Isa sa mga patunay ang mga obrang naitago ngayon bilang pag-alala sa ating kasaysayan.
Napatingin ako sa relo ko at nakita kong may oras pa naman. Maaga ako ngayon dahil hahanapin ko pa ang classroom namin.
BA Speech Communication ang kurso ko at wala pa akong kilala rito. Naglakad na akong muli upang hindi ako mahuli kahit masyado pang maaga. Bago tumalikod ay isang beses pa akong tumingala upang muling pagmasdan ang simbolo ng aking bagong paaralan.
YOU ARE READING
The Oblation
Ficción GeneralMaria Graciela Gomez is a freshman student of UP-Diliman campus. She is a BA Speech Communication major, who also loves history. On her journey, she will conquer the difficult life of a UP student. Suddenly, the prominent, intelligent, and handsome...