Chapter 4

7 0 0
                                    

Hacienda Crisologo

Yun ang nakasulat sa arc ng malaking gate na ito na sumalubong sa akin after at least 15 minutes walk from the main road. Ito ay kulay itim na may mga gold accents na gawa sa makakapal na bakal and grills. On the walls on both sides of the metal gate is the Crisologo family crest. It has a golden double swords forming an X and there are vines that trail all over it. Nung una ako makapunta dito nung bata pa ako, I did not think much about it, but now that I am all grown up, ang naiisip ko lang was how this family could be so powerful and aristocratic that they even have a family crest. 

Imbis na dumaan dito sa main gate ay naglakad pa ako papunta sa kaliwang daanan. Malayong lakarin ulit pero dito lang nakakapasok ang mga outsiders na gaya ko, sa Gate 2 entrance nila kung tawagin namin. Napakalaki ng lupain ng mga Crisologo and sa loob nito are all sorts of things. Never have I ever tried going in there through those massive gates, ni hindi ko nga alam kung paano bubuksan yun eh. May tao kaya na humihila at nagtutulak para buksan at isara yung gate na yun? O di kaya, kagaya ba yun ng testing gate ng Zoldyck Family mula sa anime na HunterxHunter na you have to be strong to be able to open the gate...? I felt thrilled just by thinking about the idea na if you forced your way in, sasalubong sayo ang isang napakalaki and a very rabid guard dog that can tear you into pieces in a snap. 

I paused as I thought of that...  Sabi ko nga, kahit nakakapagod, sa Gate 2 na lang talaga ako dadaan.

"Kamusta, Kiku? Napabisita ka dito, may kailangan ka kay tatay?" Bati sa akin ni Jeremy. Di ko inaasahan na makikita ko sya ulit dito. Ang alam ko kasi ay nagtatrabaho na sya bilang isang engineer na naka-based sa kabila pang probinsya. 

"Uy, kamusta na, Jer? Bakasyon ka?" I greeted him back with a friendly smile. "O-order sana ako ng mga bulaklak kay Tiyo Matias. Nandyan ba sya sa opisina niya?" Silip ko. Pagpasok kasi ng Gate 2 ay ang maliit na opisina niya ang bubungad. Si Tiyo Matias ay tatay ni Jeremy at sya rin ang head in-charge sa Garden Crisologo.

"Oo, ngayong weekend lang na-free kaya bumisita ako. May kausap pa si tatay na mga kliyente pero patapos na rin. Tara, samahan na kita." Ang Garden Crisologo kasi ang maituturing na pinakamalaki at pinakasikat na provider ng mga halaman at bulaklak, hindi lang dito sa San Marciano, kundi sa buong probinsya. Kung kaya kahit pinagbawal na ang pamamasyal sa gardenfields ay tuloy pa rin yung pag business nila. Halos lahat kasi ay dito kumukuha, mga iba't ibang shops pati mga suppliers para sa mga events.

"Grabe, ang laki ng pinagbago mo, no? Kailan ba last nating kita? After graduation pa yata eh." Sabi ko sa kanya. Classmates kami ni Jeremy noong high school at naging magkaibigan na rin. Siya ang dahilan kung bakit malaya kaming nakakapunta sa Crisologo Garden noon, ang lakas niya syempre sa management dahil tatay niya yung head.

"Nagkita yata tayo mga twice nung college, pero mabilisang batian lang naman. Ikaw ang malaki ang pinagbago. Mas kawaii ka ngayon." Sabi niya sa akin at napatawa kami nang kaunti nung ginaya pa talaga niya yung Japanese accent ko kapag nagsa-sabi ako ng kawaii sa mga cute na bagay na nakikita ko noon. 

Napatingin ako sa kanya... He hardly changed talaga, or kung meron man, mas lalo lang siyang mukhang naging makisig at matangkad, dahil na rin siguro sa line of work niya. 

"Sus, malandi ka pa rin until now, Jer!" I rolled my eyes at him, punched him lightly on his arm, then chuckled a bit. Sanay na ako sa kanya, kahit noon pa man hilig na niya mambola. Hindi na makakapagtaka kung bakit maraming na-fa-fall sa kanya noong mga high school pa kami, kahit ngayon naman siguro.

"Grabe ka naman, Kish! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, ang sungit mo pa rin." Then he lauged. He called me "Kish", yun ang nickname niya sa akin noon inspired from my surname na Kishimoto. Ang tagal na nung last time na tinawag niya ako nun. 

Flawed In Love with Kiku (LOVE COFFEE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon